CHAPTER 15 SKY POV Magkahawak ang kamay namin ni Jhon habang tinatahak ang daan papunta sa kagubatan. Hindi sementado ang lupa, may mga ugat ng puno na nakausli, may maliliit na bato at putik na kumakapit sa tsinelas ko. Pero hindi ako nagrereklamo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako nakangiti. Siguro dahil sa paraan ng pagkakahawak niya sa kamay ko hindi mahigpit, pero siguradong-sigurado. Parang sinasabi niyang, “Andito lang ako.” Ang hangin sa umaga ay malamig pa, may halong amoy ng basang dahon at kahoy. Naririnig ko ang huni ng mga ibon, ang pagaspas ng mga dahon, at ang mahina naming tawanan habang naglalakad. “Sanay ka ba talaga sa ganito?” tanong niya kanina, may halong pag-aalinlangan sa boses. Hindi ko na siya sinagot ng mahaba. ngumiti lang ako. Dahil oo sanay ak

