I Love You

1970 Words

CHAPTER 16 JHON POV Kung may medalya lang para sa “Pinaka-Overconfident na Lalaking Biglang Naging Torpe,” siguro ako na ang panalo. Magkatabi kami ni Sky sa labas ng kubo. Katatapos lang naming ayusin ang mga kahoy na napulot namin sa kagubatan. Nakaupo siya sa maliit na bangko habang ako naman ay nakasandal sa poste, kunwari cool. Pero sa totoo lang? pinagpapawisan ako. Hindi dahil sa init kundi dahil may balak ako. Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung paano ko siya papakiligin nang todo. Hindi ‘yung simpleng ngiti lang. Gusto ko ‘yung mapapasigaw siya sa kilig. ‘Yung mapapahampas siya sa braso ko. ‘Yung tipong tatawa siya tapos mamumula. Tiningnan ko siya ang buhok niya ay bahagyang magulo pa dahil sa pagtakbo namin kanina. May konting dumi sa pisngi niya na hindi niya napapansin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD