Biruan

1791 Words

CHAPTER 17 THIRD PERSON POV Ang hapon ay unti-unti nang nagiging gabi. Sa paligid ng kubo, ang kulay kahel ng langit ay dahan-dahang tinatalo ng bughaw na may halong lila. Ang mga anino ng puno ay humahaba, tila ba dahan-dahang yumayakap sa lupa. Ang hangin ay mas malamig na, may dalang kakaibang katahimikan na hindi katulad ng masayang ingay kanina. Magkatabi pa ring nakaupo sina Jhon at Sky sa bangko sa labas ng kubo. Pagod sa kakatawa pagod sa kakahabolan, Pagod sa pangunguha ng kahoy. Pero sa gitna ng pagod na iyon, may kakaibang kapayapaan. Si Sky ay nakasandal sa balikat ni Jhon, ang buhok niya’y bahagyang nilalaro ng hangin. Ang mga mata niya ay nakapikit, tila ba sinasamahan ang paghinga ng paligid. Si Jhon naman ay tahimik na nakatanaw sa malayo sa daang putikan na nagdudugton

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD