CHAPTER 18 JHON POV Maaga pa lamang ay gising na ako ang unang bagay na naramdaman ko ay ang malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa siwang ng dingding ng kubo. Ang ikalawa ay ang marahang paghinga ni Sky na nakahiga sa tabi ko. Dahan-dahan akong dumilat ang sikat ng araw ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng mga kawayan ng dingding. Hindi pa ito maliwanag, iyong tipong ginintuang liwanag pa lang na parang bagong gising din ang mundo. At sa tabi ko… nandoon si Sky nakatalikod siya nang kaunti sa akin. Ang buhok niya ay nakakalat sa lumang kumot na inilatag namin kagabi. Ang mukha niya ay payapa, para bang walang kahit anong problema sa mundo. Napangiti ako hindi ko akalain na magigising ako sa ganitong eksena. Kung kahapon may magsabi sa akin na aamin sa akin si Sky… at magiging no

