CHAPTER 19 SKY POV Kung may isang bagay akong natutunan ngayong umaga… iyon ay ang katotohanang napaka-imposibleng manatiling seryoso kapag si Jhon ang kasama mo. Nagising ako sa marahang paggalaw ng hangin sa kagubatan. Ang mga dahon ng puno ay kumakaluskos nang mahina, para bang may lihim na kwentuhan sa itaas namin. Ang sikat ng araw ay hindi pa masyadong matapang mga ginintuang sinag lang na sumisilip sa pagitan ng mga sanga. Nakatingala ako sa langit habang nakahiga sa makapal na dayami. At sa tabi ko… nakahiga si Jhon. Magulo ang buhok niya. Pawisan ang noo. At ang dibdib niya ay dahan-dahang umaangat at bumababa habang humihinga. Para siyang bagong gising na leon na pagod na pagod. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili kong tumawa. Grabe hindi ko alam kung matatawa

