CHAPTER 12 THIRD PERSON POV Hindi nakatulog si Sky nang gabing iyon habang tahimik ang buong mansion, habang ang mga ilaw sa hardin ay isa-isang namamatay sa nakasanayang oras, gising ang diwa niya. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone, paulit-ulit na tinitingnan ang pangalan ni Jhon sa screen. Parang may dalawang boses sa loob niya. Ang una ang mabait na anak. Ang sumusunod. Ang takot. Ang pangalawa ang Sky na pagod nang manahimik. Sa huli, tumayo siya hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob, pero marahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto. Tahimik ang hallway. Wala ang mga katulong; nasa kani-kanilang silid na. Ang daddy niya? Siguradong nasa study room o tulog na. Mabilis pero maingat siyang bumaba ng hagdan. Hindi na siya nagpalit ng damit simpleng b

