NAPAKUYOM ng kamao si Theodore na naningkit ang mga mata. Natahimik naman ang mga katulong na masulyapan ang mga larawan sa ibabaw ng mesa. "Sinong kasama ng ma'am niyo na umalis?" tanong ni Theodore sa mga ito. Nagkatinginan pa ang mga katulong sa isa't-isa na tila nagpapasahan kung sino ang sasagot sa kanilang amo. Hanggang ang mayordoma na ang nagsalita. "Si Ryan ho, boss Theo." Magalang sagot ng matanda. Nag-igting ang panga ni Theodore sa narinig na napababa ng tingin sa mga larawan sa ibabaw ng mesa. Napapalunok ito na isa-isang napatitig sa mga iyon. "What's going on here? May alam ba kayo na hindi ko alam?" tanong nito na dinampot ang mga larawan at nilukot. Bakas ang takot sa mata ng mga katulong nang bumaling si Theodore sa mga ito at isa-isang tinignan ang mga ito. S

