CHAPTER 14

1637 Words
“Kuya Baste, kailan mo ba ako papayagang umalis, kapag malaki na tiyan ko?” pangungulit ni Czerina kay Sebastian. Halos maghapon niyang sinusundan ang binata sa bawat sulok ng bahay na pupuntahan nito. Abala sa pagma-mop sa kusina si Sebastian. Halos lahat ng gawaing bahay ay ito na ang gumagawa magmula nang malaman nilang nagdadalang-tao ang dalaga. “At saan ka naman pupunta sakaling umalis ka dito?” ani Sebastian habang patuloy sa ginagawa. “Baka kapag pinabayaan kita bigla na lang ako batukan ni Ate Rina,” tukoy nito sa kaniyang ina. Tumalikod sa kaniya si Sebastian. Lumakad siya papunta sa harap ng binata upang hindi siya iwasan. Napapansin niyang paulit-ulit na lang nitong nililinisan ang isang bahagi ng bahay para lang makaiwas sa pangungulit niya. “Kaya ko naman pong alagaan ang sarili ko habang hindi pa ako nanganganak. Tapos kukuha na lang ako ng makakasama sa bahay kapag kabuwanan ko na,” giit pa niya. “Kailangan ko lang po talagang makaalis dito.” Hindi siya inusisa ni Sebastian kung sino ang ama ng kaniyang dinadala. At ipinagpasalamat niyang hindi siya nito tinatanong sapagkat alam niya sa sarili na hindi niya magagawang magsinūngaling dito. “Eighteen years old ka pa lang, Cedee. At ito pa lang ang unang beses mo na magkakaroon ng anak.” Kumunot ang noo ni Sebastian subalit nanatiling mahinahon ang tinig. “Ang iba ngang nanay hirap na hirap pa rin kahit ikalawang panganganak na. Ikaw pa kaya?” Tumayo nang tuwid ang binata, pinunasan nito ang namamawis na noo gamit ang likod ng palad. “Pero ginusto ko naman po ito, Kuya. Kailangan ko ’tong panindigan kasi ako naman po mismo ang nagdala sa sarili ko sa ganitong kalagayan,” katuwiran pa ni Czerina. Alam ng dalaga na mali ang kaniyang ginawa. Subalit ang pinagdaanan niya sa ama ang nagtulak sa kaniya kaya kinailangan niyang gawin ang ganoong bagay. “Oo nga, nando’n na tayo. Pero ang sa ’kin lang, mas maaalagaan ka kung may kasamahan kang kakilala mo,” paliwanag ng binata. “Kaya dapat masabi na natin kay Ma’am Santi ang kalagayan mo.” “Pero–” “Ano ang dapat sabihin sa ’kin?” anang boses ni Aelinor na kapapasok lang sa loob ng bahay kasama si Santina. Natigilan si Czerina Dulce. Nanigas siya sa kinatatayuan. Hindi niya magawang lumingon sa mga bagong dating. Abala siya sa pangungulit kay Sebastian kaya hindi nila namalayan ang pagdating ng magkaibigan. “M-Ma’am Lin, nandiyan po pala kayo,” nauutal na sambit Sebastian. Nawalan ng kulay ang mukha ng binata, marahas na napalünøk. “Bakit hindi n’yo ko sagutin?” Humakbang palapit sa dalawa si Aelinor. “May inililihim ba kayong dalawa sa ’kin?” ani nito sa nanunukat na tingin. Nagpalipat-lipat ang mga mata ni Aelinor sa dalawa. Maging si Santina na tahimik lang na nagmamasid at nakikinig ay kababakasan din ng kuryosidad. “A-Ano po kasi...” Dahan-dahang humarap si Czerina sa ginang. Pinagpapawisan ng malapot ang kaniyang katawan. Tumingin siya sa gawi ng binata, kababakasan ng pangamba ang mukha. “Buntis po si Cedee,” pag-amin ni Sebastian, walang pag-aalinlangan sa tinig. Marahas na napalingon si Czerina sa lalaki. “K-Kuya Baste,” nanlulumo niyang saad matapos ipagtapat ng lalaki ang kaniyang kalagayan sa kanilang amo. Sabay namang napasïnghap ang magkaibigan. “Oh my!” bulalas ni Aelinor, habang si Santina naman ay napatakip sa bibig. “Totoo ba ang sinabi ni Baste, Cedee? Magkaka-baby ka na?” magkasunod na tanong ng ginang sa dalaga. Bakas ang excitement sa mukha nito. “O-Opo, Ma’am Lin.” Napayuko si Czerina. “Did you hear that, Santi?” Lumingon si Aelinor sa kaibigan habang may kislap sa mga mata. “Cedee is pregnant! Magkakaapo na ako!” Maluha-luha sa tuwa ang ginang. “Congratulations, Lin! I’m happy for you!” Agad na ikinulong ni Santina sa mga bisig ang matalik na kaibigan. Sabay pang nagtatalon sa tuwa ang dalawa. Umawang naman ang mga labi ni Sebastian sa mga narinig mula sa amo. Hindi makapaniwalang ang anak nito ang ama ng dinadala ni Czerina. Pagkatapos matuklasan ni Aelinor ang kalagayan ng dalaga, agad siya nitong kinausap ng sarilinan sa kaniyang silid. Nagdesisyon ang ginang na iuwi na siya sa mansiyon nito upang doon ay mas maalagaan. “P-Pero... Baka mas lalo pong magalit sa ’kin si Kuya Aeryx, Ma’am Santi,” sambit niya, may pag-aalinlangan sa mga mata. “Dito na lang po siguro ako.” Hinawakan siya ng ginang sa magkabilang balikat. “Hindi pwede. Kailangan kong maalagaan kayo ng magiging apo ko,” saad nito habang napapailing. “Wala ka ng iba pang kamag-anak, Cedee,” pagpapatuloy pa ni Aelinor. “Obligasyon na kita ngayon lalo at dinadala mo sa ’yong sinapupunan ang magiging apo ko.” “Pero...” Malungkot na napabuntong-hininga si Czerina. Hindi niya pa rin kayang harapin ang galit ni Slyth Aeryx kaya natatakot siyang makasamang muli sa iisang bubong ang binata. Nagkaroon ng lambong ang mga mata ni Aelinor. “Nakikiusap ako, Cedee,” malumanay na sambit ng ginang. “Naging malungkutin na si Slyth magmula nang mawala si Atasha kasama ng magiging anak sana nila. Parati na lang din siyang galit kahit sa simpleng bagay. Baka bumalik na siya sa dati sa oras na malaman niyang magkakaroon na siya ulit ng anak.” Napilitang pumayag si Czerina sa kahilingan ng ginang. Naging mabuti ang amo sa kaniya kaya hindi niya matiis na tanggihan ang alok nitong muli siyang bumalik sa tahanan nito. “WHAT? Are you kidding me, Mom?” Napatayo si Slyth Aeryx sa swivel chair. Malakas nitong hinampas ang study table sa loob ng library. “Buntis na si Czerina, Slyth. Kailangan mo siyang panagutan.” “I don’t fcking care kung buntis siya! Hindi ko pakakasalan ang babaeng ’yon!” mariing tutol ng binata sa nais mangyari ng ina. “Puwede kong sustentuhan ang bata ng hindi kami nagpapakasal!” Muli na naman nitong pinukpok ang mesa gamit ang kanang kamay. “Slyth Aeryx!” sigaw ni Aelinor, biglang napatayo. “Huwag mo ’kong masigaw-sigawan!” hiyaw niya sa anak, tumaas-baba ang kaniyang dib dib habang namumula sa galit ang mukha. Tila natauhan naman ang binata. Pilit nitong pinakalma ang sarili upang hindi na muling makapagtaas ng boses sa ina. Muli itong naupo. “Hindi ko siya kailangang pakasalan, Mommy,” ulit ni Slyth Aeryx sa mahinahong tinig. “Kahit kailan ay hindi ko naisipang magpakasal sa babaeng wala akong pagmamahal, sa kaniya pa kaya na kinasusuklaman ko?” Ibinaling ng binata sa ibang direksiyon ang mga mata. Mariing ikinuyom ang mga kamay habang nagtatagis ang mga bagang. “Pagkatapos mong samantalahin ang kahinaan niya, basta mo na lang siya itatapon ngayong buntis na?” mariing tanong ni Aelinor sa anak. “Hindi kita pinalaking iresponsable, Slyth Aeryx!” Noon pa ma’y batid na ng ginang na mayroong lihim na pagtingin si Czerina sa kaniyang nag-iisang anak na lalaki. Maraming magagandang katangian ang dalaga. Alam niyang magiging mabuting asawa at ina ito balang araw. Subalit hindi na niya magawa pang umurong sa napagkasunduan nilang magkaibigan. Bukod sa napamahal na ang kaniyang anak kay Atasha, masiyado pang bata noon ang anak ni Czarina para ireto sa kaniyang binata. Nagdilim ang paningin ni Slyth Aeryx sa tinuran ng ina. “I was drunk that time! Siya ang kusang pumasok sa kwarto ko. Pinagplanuhan niya ang pang-áākit sa ’kin!” Katwiran pa nito. “Lasing?” Patuyang ngumiti si Aelinor. “Hindi ka ganoon kalasing para hindi mapigilan ang sarili, Slyth. Nagawa mo pa ngang maglakad mag-isa papunta sa kuwarto mo, ’di ba?” Napipilan ang binata sa tinuran ni Aelinor. Batid nitong totoo ang mga salitang binitawan ng ina. “Magpapakasal ka kay Czerina sa ayaw at sa gusto mo, Slyth. Huwag mong bigyan ng kahihiyan ang ating pamilya.” “Mom, please...” ani Slyth Aeryx sa nakikiusap na tinig. “Hindi ko siya kayang pakasalan. Si Atasha lang ang mahal ko, at wala na akong ibang babaeng mamahalin pa maliban sa kaniya.” Ikinuyom ni Aelinor ang mga kamao dahil sa tinuran ng anak. Ramdam niyang hindi na basta mababali ang naging desisyon nito kaya wala na siyang ibang pagpipilian kundi gamitin ang huling paraan na naiisip niya upang mapapayag lang ito sa kaniyang gusto. “Hindi ka na magmamahal ulit? Wala ka ng balak pa na mag-asawa?” Mapait na ngumiti ang ginang. “Sige, kung ’yan ang desisyon mo.” Tumayo si Aelinor. “Bukas na bukas din ay ido-donate ko ang lahat ng mga ari-arian at mga naipundar ko. Mas mabuti ng mapakinabangan ito ng mga taong mas nangangailangan.” Huminga siya nang malalim. “Wala na din namang saysay na pahalagahan pa ang mga pag-aari natin since ayaw mo ng mag-asawa ulit.” “Tinatanggalan n’yo po ba ako ng mana, Mommy?” tila hindi makapaniwalang tanong ng binata. “Oo–at hindi lang ’yan... Pati itong bahay ay ibenenta ko rin at mamumuhay ako ng simple.” Sandali siyang huminto. Muling pinuno ng hangin ang baga bago nagpatuloy sa pagsasalita. “May pinag-aralan ka naman. Hindi ka na mahihirapang magsimulang muli,” may bigat sa dib dib na tugon niya sa anak. Tumiim ang bagang ng binata. “Mom, sabihin mong nagbibiro ka lang,” napapailing na sambit ng binata. “Sanay ka sa marangyang buhay. Hindi ka kagaya ni Daddy na sanay sa hirap.” “Hindi ako nagbibiro, Slyth Aeryx. Mas mahihirapan ang kalooban ko kung makikita kong lumalaking broken family ang magiging apo ko. Kaya simula bukas, kalimutan mo ako bilang ina mo. At kalilimutan na rin kita.” Malungkot na lumabas si Aelinor sa library ng anak. Wala na siya ibang naisip na solusyon upang mapapayag ang binata. Alam niyang hindi siya nito matitiis na maghirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD