Maghapon akong tulala. Hindi mawala sa isip ko kung nakita ba talaga ni Nicholas kagabi… o baka naman pagod lang siya kaya ganoon ang inasal niya. Pero bakit parang bigat ng tingin niya sa akin? Bakit parang may tinatago siyang iniwasang sabihin? Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko, paulit-ulit, parang walang kasiguraduhan ang bawat sagot na naiisip ko. What if… napagod na siya sa akin? Kumakain ako ng lunch mag-isa sa dining table, hindi ko halos nalalasahan ang pagkain. Naiikot ko lang ang kutsara sa plato, hindi ko maubos. Ang dami kong iniisip. Na baka naiisip niya na marami siyang kailangang gawin para sa akin, na parang responsibilidad lang ako. Na baka iniisip niya, mas magaan ang buhay kung wala ako. Napakagat ako ng labi at napahawak sa dibdib ko. Sakit isipin na baka iy

