Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay naisip kong mag-walking sana. Gusto ko talaga iyong feeling na gumagalaw ang katawan ko, na parang may sense of routine kahit na nasa bahay lang ako. Balak ko pa namang mag-ten thousand steps today. Kaya lang, hindi ako makalabas. Dito lang ako nakakulong sa mansion na ito… well, hindi naman literal na nakakulong, pero ganoon ang pakiramdam. Napabuntong-hininga ako at napakunot ang noo. “Dapat pala nag-order na lang ako ng treadmill, no?” bulong ko sa sarili ko. “Bet ko talaga iyon.” Kaya mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nag-scroll para mag-order online. Isang treadmill ang dinagdag ko sa cart at agad ko rin itong binili. Ayoko nang patagalin pa. Kapag may treadmill na ako dito, hindi na ako maiinis na hindi makalabas. Pagkatapos kong mag-or

