Pagkababa niya ng tawag kanina ay agad akong pumasok sa kwarto. Sinunod ko ang gusto niya na magpahinga muna at huwag nang isipin ang lahat ng nabasa ko sa live. Kaya heto ako, ilang oras nang nakahiga, nakatitig lang sa kisame, sinusubukang hindi balikan ang masasakit na salita ng mga taong wala namang alam sa buhay ko. Pero kahit anong iwas, sumisingit pa rin sa isip ko ang komento na iyon, parang mga sugat na paulit-ulit mong nadadaplisan. Hanggang sa bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto. Mabilis at madiin ang yabag ng mga paa, alam kong siya iyon. “Nick—” tawag ko agad, kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya. “Are you okay?” agad niyang tanong, puno ng pag-aalala ang boses niya. Halos hindi siya huminga nang sabihin iyon, parang kailangan niyang malaman ang sagot ko para siya

