Chapter 10 - Bittersweet Memories

1640 Words
Masarap sa pakiramdam ang mahalin at magmahal. Napatunayan ko yan nung maging kami ni Enrico. Gaya ng pinangako niya sa itay ay nanligaw siya sa bahay. Madalas kasama niya si Jerome pag dumadalaw minsan naman sila lang ni Kuya Darwin. Minsan nagdala ito ng napakagandang bouquet ng red roses. Hindi sa hindi ko naappreciate pero sana ay ipunin na lang niya yung pinambibili niya sa mga regalo niya sa akin para sa mga pangangailangan niya. Wala na siyang kailangan patunayan sa akin dahil kuhang-kuha na niya ang boto ng pamilya ko. Inaantay na lang niyang sagutin ko siya ng matamis kong oo. "Kapag naging tayo hanggang sa magpakasal tayo at magkaroon ng sarili nating pamilya hanggang sa tumanda tayo ay liligawan pa din kita araw-araw ng buhay natin," pangako nito. Nakangiti ito ng pino habang seryosong nakatingin sa akin. Dalawang buwan na buhat ng magpaalam siya kay itay na manligaw at tatlong beses sa isang linggo siya kung dumalaw sa bahay. Kadalasan ay Martes, Huwebes at Sabado. Ito raw kasi ang araw ng practice nila ng basketball kaya hindi siya inaasahang umuwi ng maaga. Bago siya grumaduate ng high school ay sinagot ko na si Enrico. Kaya lang magiging long distance ang relasyon namin dahil sa Maynila na siya magsesenior high school. Natakot ako pero hindi ko masusubok ang pagmamahal niya kung hindi ako susugal. Naging maayos nung una, nagpapalitan kami ng sulat na halos araw-araw kung dumating. Parang diary lang pero hinulog sa koreo. Kada sabado ay sumasama ito pauwi sa kanyang daddy at dumadalaw sa bahay. Pero bago matapos ang grade 9 ay nag-iba ang lahat. Naging madalang siyang sumulat o sumagot sa mga sulat ko. Hindi na din katulad ng dati na makwento. Minsan nga ay "I love you and I miss you. See you soon!" lang ang laman ng sulat nito. Hindi na din siya sumasama sa daddy niya pauwi tuwing weekend. Hanggang sa natigil na ang pagdating ng mga sulat kahit nakakailang beses na akong padala ng sulat sa kanya. Naisip ko siguro busy na kasi finals na nila. Hindi ko inisip pero alam kong malaki ang posibilidad na makakita ito ng mas maganda sa akin sa Maynila. Isang babaeng magmamatch sa estado niya sa buhay. Bakasyon taong 2012 at naturingan ding piyesta ng San Bartolome. Gaya ng tradition ay may peryahan na may mga rides. Mayroong maiksing rollercoaster na umiikot lamang ng pabilog at bahagyang bumibilis kapag natatapat sa pababang bahagi at ang pinipilahan ng mga kabataang ferris wheel, lalo na ng mga magkakasintahan. Magkakasama kami nina Marian at ang mas batang kapatid niyang si Mark. Kasama din namin ang mga kabarkada naming sina Remi, Athan, Jane at Laila. Naglalaro kami ng color blocks nang magsawa ay duon naman kami sa shooting range. Maya-maya pa ay nag-aya si Remi na sumakay sa ferris wheel. "Gaga! Pang magjowa lang yun noh!" Buska sa kanya ni Athan. "Sige na, please gusto kong maexperience." Pagpupumilit nito. "Tara na, pagbigyan natin itong kaibigan natin." Yaya ko sa kanila. "Yehey! The best ka talaga, Angeli! Dahil dyan libre ko na, sinu-sinong sasama?" Natutuwang tanong nito. "Eh kanina mo pa sana sinabing libre mo eh di andun na sana tayo ngayon," patuloy na pang-ookray ni Athan sa aming kaibigan. Iisang linyang pahalang kaming naglakad patungo sa ferris wheel. Habang nakapila sa bilihan ng tiket si Remi ay nakita ko si Enrico. Papasok na ito sa may ferris wheel kasama ang isang sopistikadang tignan na babae. Mahaba ang buhok nito na nakatali ng mataas sa kanyang ulo. Sexy ang suot nitong haltered skater dress na abot hanggang tuhod. Nakasneakers ito ng puti. Abot hanggang tainga ni Enrico ang tangkad nito at kung titignan sa malayo ay para silang magnobyo. Nakaangkla ang mga kamay nito sa braso ni Enrico. Sweet na sweet silang nag-uusap. Dahil natulala ako buhat sa pagiging excited ko sa pagsakay sa ferris wheel dahil sa aking nakita ay sinundan ng mga kaibigan ko ang aking tingin. Napasinghap silang lahat ng makita ang nakita ko, si Enrico may kasamang ibang babae. "Tara na," yaya ni Marian. "Laila, puntahan mo naman si Remi oh, sabihin mo hindi na tayo tutuloy." Niyakap ako ni Marian saka iginiya sa taliwas na direksyon ng ferris wheel. Pinaupo niya ako sa isa mga concrete bench sa plaza, malayo sa peryahan. Tulala pa din ako pero nangingilid na ang mga luha ko. "Iiyak mo yan kung hindi mababaliw ka," sabi nito hinahagod ang likod ko. Para naman akong robot na agad tumalima sa utos, umagos ang luha ko at pilit na pinipigil ang paghikbi pero sadyang masakit. Mabigat sa dibdib. Bumalik ang pakiramdam ko nung una akong mabigo. Napabalik ako sa kasalukuyan ng tanungin mula sa video call ni Gilbert kung online pa ako. "Oi, di ka na sumagot. Online ka pa ba?" "Ah oo, may naalala lang." Tipid kong sagot. "Sige na, inaantok na ako." Pag-iiba ko ng usapan at pagtataboy ko dito. "Di mo pa sinasagot ang tanong ko. Mahal kita, Angeli. Mula nuong mga bata pa tayo hanggang ngayon. Hindi naman ako tumigil. Pero sige, alam kong lagod ka na. Matulog ka na muna, bukas na lang ulet. Good night." Pagtatapos nito sa usapan namin. Mula sa mga ngiti niya kanina ay tumambad ang lungkot sa kanyang mukha bago niya patayin ang video call namin. Mula sa mga naging karanasan ko sa pag-ibig, parang ayaw ko nang umibig ulet. Masakit, nakakabaliw. Buti na lang andyan si Marian at ang barkada na tumulong sa aking lumimot. Mahabang panahon bago ako nakamove on kay Enrico. Second year college naman ako nung maging kami ni Joven. Taga San Bartolome din pero sa ibang baranggay at sa Maynila din nagkolehiyo. Magiisang taong ding nanligaw sa akin si Joven. Nakauwi na nuon galing Kuwait ang inay. Humarap siya sa aking mga magulang para ipagpaalam ang kanyang panliligaw. "May tiwala naman kami sa'yo anak. Sana lang magtapos ka muna ng pag-aaral bago magseryoso sa mga bagay na ganyan," bilin ng inay ng magpaalam si Joven ng gabing kinausap niya ang mga magulang ko. Halos dalawang taon din kaming tumagal ni Joven. Madalas niya akong sunduin sa QCSU at ihatid sa bahay. Gusto naman iyon ng inay dahil nakikita niya kami. Minsan ay ipinagpapaalam niya akong manunuod kami ng sine kasama ng mga kaibigan at kaklase ko. Fourth year college, first sem nang mahinto ng pag-aaral si Joven. Di pa daw kayang ipagpatuloy ng mga magulang niya ang pagbayad sa matrikula niya lalo at magoOJT na siya kaya umuwi ito ng San Bartolome para tumulong sa mga gawaing bukid sa kanyang ama. Nuon sila nagkabalikan ni Milagros na ng panahong iyon ay hiwalay na sa napangasawa nitong mapangabuso at tumatakbo na ang annulment sa tulong ng mga kapatid at magulang nito. Mayroon siyang anak na lalaki dito na inaalagaan naman ng kanyang ina. Nuon ako naniwala sa tadhana. Na kung kayo, kayo talaga kahit ano pang mangyari in between. Hindi kasingsakit ng unang pagkabigo pero masakit pa din. Ilang buwan na din naman ang lumipas, magaan kong tinanggap ang kinahinatnan namin ni Joven. Nang bumalik ang alaala ni Enrico ay naisip ko, matapos ang gabing nakita ko siyang kasama yung babaeng iyon ay hindi pa kami nakapag-usap. Nakipagbreak ako sa kanya sa sulat na pinaabot ko kay Jerome. "Pakibigay sa kaibigan mo, pakisabi na din na huwang na siyang pumunta sa bahay," Inabot ko ang sulat na nakalagay sa isang puting envelope. Nagtatakang tinaggap ni Jerome ang sobre. "Huwag kang padalos-dalos, Angeli. Mahal na mahal niyo ang isa't-isa. Kausapin mo ng personal si Enrico. Sigurado namang may paliwanag ang lahat." "Una yung mga sulat, dati halos araw-araw, hanggang sa dumalang at tumigil na lang, pati ang pag-uwi niya ng weekends. Sapat na ang nakita kong paliwanag kung anong nangyari, Jerome. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw na niya." Pagsabi nun ay tumalikod na ako at humahagulgol na naglakad palayo. Katabi ko nuon si Marian na nakaalalay sa akin. Balik ulet sa kasalukuyan. Nakatulog na ako matapos ang video call namin ni Gilbert. Maaga pa ng gumising ako. Nasa kusina na ang lola at ang Auntie Vangie para magluto ng almusal. Dahan-dahan akong lumabas ng bahay at nagtungo sa may garahe para kumuha ng pala. Nang mahanap ang kailangan ko ay nagtungo ako sa silong ng mangga at pinakiramdaman ang palatandaang inukit ko para malaman ang saktong lugar kung saan ko ibinaon ang time capsule. Dahil malambot naman ang lupa dito ay mabilis kong nahukay ang time capsule ko. Nang maiangat ko ang kahong gawa sa bakal ay tinabunan ko ulet ang hukay. Ibinalik ko ang pala sa garahe at muling umakyat sa kuwarto. Pinagpag ko ang kahon para matanggal ang mga lupang naiwan dito. Pagkabukas ko ng kahon ay isa-isa ko namang inilabas ang laman nito. May ilang abubot na sa pagkakatanda ko ay regalo ng mga kaibigan ko. Merong friendship bracelet, isang pares ng hikaw na gawa sa beads at ang kwintas na regalo ni Gilbert na isinilid ko sa isang pouch na gawa sa telang organza. May ilang mga letrato naming magkakaibigan at letrato namin nina itay at inay. May ilang rolyo din ng nabilot na papel. Isa dito ang wish list ko sa loob ng sampong taon. Isa pa ang naglalaman ng 10 year prediction para sa sarili ko. Isang naglilista ng mga lugar na gusto kong marating at ang iba naman ay mga tulang isinulat ko at mga inspirational quotes. Habang iniisa-isa kong ilabas at bulatlatin ang mga bagay sa loob ng time capsule ko ay siya ring pagbalik ng alaala ng mga panahong ginawa ko o natanggap ko ang mga nandito. Magkahalong tuwa at sakit ang aking naramdaman habang tinitignan ko ang ngayon ay nagkalat ng mga gamit sa ibabaw ng kama. "Ano yang mga yan?" Tanong ng aking ama na humila sa aking diwang naglakbay sa nakaraan para bumalik sa kasalukuyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD