Matapos ang game ay nagkamayan ang lahat ng players sa loob ng court. Binati ng Harrison High ang aming varsity team.
Hinagilap ng mga mata ni Enrico ang kabuuan ng quadrangle at nang makita kami ni Marian sa labas lamang ng classroom namin ay patakbo siyang lumapit.
"Puwede ba tayong magmeryenda pagkabihis ko?" Tinignan niya kami ng salitan ni Marian ng magtanong.
"Sure!" Excited na sagot sa kanya ni Marian, habang nakikita ko sa mga mata niyan umaasa itong pinsan ko na pumayag ako.
"Sige." Matipid kong sagot pero nagpangiti ng maluwag kay Enrico.
"I'll be right back," pagpaalam nito.
May boy's shower room sa likod ng lounge kung saan pwedeng sabay-sabay ang sampung tao na maligo. Ang varsity team namin ay ginamit naman ang shower room sa tabi ng library na inilaan para sa mga babae. Kahit pa public high school ay maayos at kumpleto naman sa facilities ang eskwelahan namin. Yun lamang at ang quadrangle at gymnasium ay iisa dahil limitado lang ang laki ng lupang kinatitirikan ng aming paaralan.
Matapos ngang magbihis ay dinala lang ni Enrico ang kanyang mga gamit sa kaniyang sasakyan at nagpapasundo na lang sa driver paglipas ng apat na oras.
Alas dos pa lang nuon ng hapon. Alas kuwatro pa magsisimula ang paligsahan sa pag-awit ng choir at sabayang pagbigkas. Tumungo kami sa isang pizza store sa may palengke at duon nagmeryenda. Hindi naman nakakapagtakang sinaluhan kami ni Jerome dahil bestfriends sila ni Enrico.
Parehas silang nasa grade 10 students na nuon. Magsesenior high na sila sa susunod na school year. Umorder si Enrico ng dalawang magkaibang flavor na pizza atsaka apat na softdrinks. Sa isip ko noon ay para kaming nagdouble date.
Masasabi kong si Enrico ang kaunaunahang crush ko. Hindi ko alam bakit natutuwa ako pag nakikita ko yung mukha niyang maaliwalas.
May sense of humor din ito. Nalaman ko mula sa mga kwento niya na panganay siya sa apat nilang magkakapatid at iisa ang bunso nilang babae. Bukod sa basketball ay matalino din itong si Enrico, sabi nga ni Jerome running for honors ito.
Habang naguusap sina Jerome at Marian ay hinarap ako ni Enrico saka nagsabing, "Angeli, gusto kitang ligawan. Puwede ba?"
Natigilan ako sa kanyang tinuran at naalala sa isip ko ang bilin ng Lola Viring, "mag-aral muna ng mabuti".
"Bata pa tayo, Enrico. Saka na siguro kapag tapos na tayong mag-aral." Teka, bakit may kurot sa puso ko nung sabihin ko sa kanya yun.
"Willing to wait!" Turan nitong may ngiti pa din sa mga labi na para bang hindi ko siya binasted ng araw ding iyon.
Nang matapos kumain ay bumalik na kami ng paaralan para manuod naman ng choir competition at sabayang pagbigkas.
Sumama pabalik sa amin sina Enrico at Jerome kaya naman para kaming sasaksakin sa talim ng mga tingin ng mga babaeng mas ahead sa amin. Lalo na si Milagros.
"Nakakatuwa naman ang intrams dito sa school ninyo," pagpuri ni Enrico. "Sa school namin puro contact sports at Filipino games lang walang mga ganito." Dagda paliwanag niya.
Matapos ang lahat ng section sa kani-kanilang entry ay nagpaalam na kami ni Marian sa aming mga kaklase.
Nagpaalam na din sina Enrico at Jerome dahil dumating na ang driver na pinauba niya kanina.
"I'll see you again soon," pagpapaalam nito sa akin. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko. Napakalambot ng mga kamay nito.
Paglabas namin ng gate ay saktong pagparada ng owner type jeep ng itay sa labas ng eskwelahan.
"Baka wala na kayong masakyan pauwi kaya sinundo ko na kayo," paliwanag ng itay sa amin.
"Pauwi na ba kayo," tanong niya sa amin.
"Opo," halos sabay namin sambit.
"Antayin niyo na lang ako dito sa jeep at may bibilhin lang ako sa palengke." Bilin ng itay sa amin ni Marian na tinugon namin ng tango.
Nilakad ng itay ang palengke mula sa labas ng gate ng paaralan. Ilang metro lang naman ang layo nito kaya siguro mas pinili niyang maglakad na lang.
Bumalik ang itay makaraan lamang ang kulang tatlumpong minuto. Bitbit ang ilang pakete ng pansit canton, karne ng baboy na liempo at pitso ng manok at mga gulay. May dalawang two liters din ng softdrinks. Mukhang magpapansit ito ngayong gabi.
Sinalubong namin siya ni Marian para tulungan sa bitbitin pero tumanggi ito at dumiretso sa likod ng jeep at ipinasok mula sa bintana nito sa likod ang kanyang mga pinamilo. Ang katawan ng jeep ay stainless na pininturahan ng matingkad na pula. Ang nagsisilbing saklob nito at harang mula sa init o ulan ay itim na trarapal sa magkabilang gilid at bubong na tinahing sukat na sukat sa porma ng jeep. Ang magkabilang gilid ay may clear na plastic pati na ang ang bintana sa likod na napalibutan lamang ng itim na tarapal. Naisasara ito gamit ang isang malaki at malapad na zipper.
Tulad ng aking ama ay paborito ko din ang pansit canton. Complete meal na itong maituturing. May carbohydrates galing sa noodles, protein mula sa sahog na karne at saka vitamins at minerals mula sa mga gulay. Wala lang naisingit ko lang. Good to know di ba?
"Anong meron, itay, mukhang magpapansit kayo?" Tanong ko sa aking ama.
"Anniversary namin ng nanay mo ngayon anak. Nasa malayo man siya ngayon ay gusto kong magcelebrate kahit kaunti. Mamaya nga pala ay tatawag siya kaya huwag ka munang matulog ng maaga. Namimiss ka na daw niya dahil hindi ka niya nakausap nuong nakaraang linggo." Paliwanag ng itay.
Tuwing day off ng inay ay tumatawag ito pero dahil sa limang oras na pagitan ay nakakatulog na ako kung minsan. Ayaw naman ako nitong ipagising dahil saglit lang din ang oras na meron siya para makatawag. Bukod sa mahal ang overseas call ay medyo malayo pa sa kanyang pinagtatrabahuan ang teleponong puwede niyang gamitin para makatawag. Pila-pila daw silang mga OFW kaya limitado sa lima hanggang sa sampung minuto kada isang tao. Suwerte lang kapag walang kasabay medyo napapahaba ang usapan.
Hindi pa pala nakakaalis ang sasakyan ni Enrico, nakaparada lang ito sa kabilang dulo at lingid sa akin ay pinagmamasdan ako mula sa malayo. Nang paandarin ng itay ang jeep at binaybay na nito ang daan pauwi ay maingat silang sumunod sa amin. Nagpapahuli ng bahagya para siguro hindi makahalata ang itay na sinusundan nila kami. Stalker lang ang peg.
Nang makarating kami ng bahay ay kami na ni Marian ang nagbaba ng mga pinamili ng itay at idineretso ito sa kusina. Inayos ng itay ang pagpark sa sasakyan.
Maya-maya ay tinawag ako nito. "Angeli, halika muna dito sa labas."
Nagulat ako ng makita ko si Enrico at Jerome kaharap ang itay sa may gate. Napalunok ako at napaisip, anong nakain nitong mokong na ito at narito sa harap ng bahay kausap ang itay.
"Si Carlo Braganza pala ang tatay mo, at si Norene Villaruz ang nanay mo. Magkakaklase kami sa San Bartolome High School nuon. Kamusta naman ang tatay mo iho?" Dinig kong tanong ng tatay habang papalapit kami ni Marian sa kanila mula sa loob ng bahay.
"Maayos naman po and Daddy. Nasa Maynila siya ngayon pinamamahalaan yung negosyo ng Lolo Kario buhat ng magretire ito last year." Magalang na sagot nito sa aking ama.
Nang makalapit kami sa kanila ay ngumiti sa akin si Enrico at saka tumingin ng seryoso sa aking ama sabay sabing, "Captain Punzalan, alam kong bata pa kami ni Angeli pero gusto ko po sanang magpaalam sa inyo para manligaw sa anak niyo."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Totoo ba ito, nagpapaalam siya sa itay na manliligaw siya sa akin. Ang lakas ng loob pero aamin kong ang laking puntos nuon para makuha ang loob ng itay na nuoy halatang sinisipat ng maigi ang mukha baka nga pati pagkatao na ng kausap nito.
"Nang makita ko po kasi siya kanina pagdating ng team namin sa may gate ng school nila hindi na po siya maalis sa isip ko. Hinahanap siya ng mga mata ko at pag nakikita ko siya natutuwa po ang puso ko. Nagulat ako nung malaman kong magpinsan pala sila ni Marian na nakilala ko sa English Convention last month. Gusto ko po sanang mas makilala pa si Angeli at pangako pong dito ako sa bahay ninyo manliligaw at kung yayayain ko man po siyang lumabas ay ipagpapaalam ko po siya sa inyo at okay lang po kung mayroong chaperone." Pagpapaliwanag ni Enrico at tila politikong naglahad ng plano sa aking ama.
"Maayos kang pinalaki ng mga magulang mo dahil nagpapaalam ka para ligawan ang apo ko," si Lola Viring na nasa likod na pala namin. Sumunod ito sa amin ni Marian ng makita kaming lima sa may gate mula sa loob ng bahay. Akala siguro ay may kaguluhan.
"Madalas sa kalye nagliligawan. Aba, Carmelo bihira na ang kabataang lalaki na ganyan ngayon," turan ng lola sa itay.
"Kung panliligaw lang ay walang problema sa akin. Kilala ko din ang mga Lolo, Lola at mga magulang mo, mga disenteng tao sila. Kaya umaasa ako na nagmana ka sa kanila, at mukha naman. Patunay ang pagpunta mo rito upang magpaalam para ligawan ang anak ko. Ang gusto ko lang ay makatapos muna ang anak ko bago sana makipagnobyo," tumingin ito sa akin habang sinasagot ang tanong ni Enrico.
"Hindi ko po siya nobyo, itay," nahihiya at namumulang sagot ko. Para akong nahot seat sa mga nangyayari.
"Huwag kang mag-alala anak, narito naman kami ng nanay mo para masigurong magtatapos muna sina Angeli at Marian bago maging seryoso sa isang relasyon." Nagulat kaming turan ng Lolo Temiong na nasa likod pala ng mahabang upuan sa silong ng mangga na nilagyan na nito ng sandalan.
Lumapit na ito sa amin saka tinanong si Enrico, "Sino naman itong kasama mo iho?"
"Pasensya na po, nakalimutan kong ipakilala ang bestfriend ko si Jerome Galanta. Taga rito din po sa San Bartolome." Naatubiling pakilala ni Enrico.
"Galanta? Kakilala mo ba sina Mario at Idad Galanta, iho?" Baling na tanong ng Lolo Temio kay Jerome.
"Lolo at lola ko po sila, anak po ako ng panganay nilang si Julio." Magalang na tugon ni Jerome.
"Aba'y kita mo nga naman. Para kayong kami noon. Bestfriend ko ang Lolo Mario mo iho at nakakatuwang isipin na nung magpaalam siyang manligaw para sa Lola Idad mo ay kasama niya ako." Natatawang kuwento ng lolo.
Sa wakas ang nabawasan ang tensyon.
"Bakit ba kayo nakatayo dito sa gate, aba'y pumasok tayo sa loob at duon magkuwentuhan," yaya ng Lolo sa aming lahat.
"Sasabihan ko lang po si Kuya Darwin na balikan na lang kami ni Jerome mamaya," paalam ni Enrico na ang tinutukoy ay ang driver na naghihintay sa loob ng sasakyan.
"Sabihin mong iparada ang sasakyan niyo dito sa loob at patuluyin mo na rin. Magpapapansit ang anak ko dahil anniversary nilang mag-asawa. Sumalo na kayo sa aming munting salu-salo," pagiimbita pa ng Lolo.
Nagkatinginan kami ni Marian. Nahihiwagaan sa mga nangyayari. Nung nakaraan ng magpaalam si Gilbert para manligaw ay halos sermunan kami ng lola tungkol sa bagay na iyon, pero ngayon parang botong-boto sila dito kay Enrico.
Para namang narinig ng lola ang nasa isip ko. Mula sa likod namin ni Marian ay nagsalita ito, "Mas maigi kasing sa tatay mo magpaalam kaysa sa amin ng Lolo mo, dahil siya ang magulang, bantay mo lang kami iha habang hindi ka nasusubaybayan ng nanay at tatay mo."
Sabay na kaming tatlo na pumasok sa may sala kung saan naghihintay ang Lolo at itay. Dumeretso sa kusina ang Lola. Sumunod na ding pumasok sina Enrico, Jerome at Kuya Darwin.
"Tutulong na po kami sa kusina," paalam ko sa kanila saka hinila si Marian.
Nang makaluto ay naghain na sa lamesa si Marian at ako ang inutusan ng lola na tumawag sa Lolo, itay at mga bisita.
"Kakain na po tayo," tinignan ko ang Lolo saka ko iginala ang tingin sa itay at mga bisita. "Tara na po sa kusina."
Dumating na din ang Uncle Redo at ang asawa nitong si Auntie Vangie. Kasunod ang mga pinsan kong nakababatang kapatid ni Angeli na sina Mark na nasa grade 7 at Mia na grade 3.
"Aba'y may bisita pala tayo," bati ng Uncle Redu ng makapasok na silang mag-anak sa komedor.
"Oo, manliligaw ni Angeli si Enrico at bestfriend niyang si Jerome," pagpapakilala ng itay sa kapatid nito ng aming mga bisita.
"Hmmm, ikaw ba Jerome ay nanliligaw din sa anak kong si Marian?" Nagulat ang lahat sa tanong ni Uncle Redu sa binata.
Namula si Jerome sa kinauupuan. Sinalo ni Marian ang tanong, "Tay! Sinamahan niya lang si Enrico para magpa-alam kay Uncle Melo."
"Aba anak, kong may manliligaw sa'yo ay dapat ganyan din, magpapaalam sa mga magulang hindi sa kalye nagliligawan." Malumanay pero may himig ng kaseryosohan ang sagot ni Uncle Redu kay Marian.
"Opo, sasabihin ko sa mga may balak manligaw sa akin na dadaan muna sila sa inyo bago sa akin. Okay na po? Si Tatay agaw eksena," Umirap ito pero nagtawanan sila pagkatapos at nakitawa na din ang lahat.
Ganito ang relasyon nina Marian at Uncle Redu, cool lang. Wala namang problema sa relasyon naming mag-ama. Nakaatuwa lang na nakakabiruan ni Marian ng ganoon ang tatay niya. Takot kasi akong sumagot ng ganun sa itay, siguro dahil mas madalas yung oras na magkalayo kami kaya hindi naestablish ang ganuong relasyon sa aming dalawa.
Habang kumakain ng hapunan na ihinanda namin nina lola at Marian na lechon kawali, pansit canton, kanin, abobong sitaw at ang maja blanca na gawa ng lola kahapon pa ang aming pinagsaluhan.
Maya-maya ay tumunog ang telepono sa sala na sinagot ni Mark sa ikatlong ring dahil siya ang pinakamalapit sa daan papunta doon.
"Uncle Melo, si Auntie Elsa po," tawag ni Mark mula sa sala. Tumayo kaagad ang itay at sumunod ako.
Sa buong panahon na nasa bahay si Enrico ay si Lolo ang kakuwentuhan niya. Panaka-nakang sumusulyap sa akin at kapag nagsasalubong ang aming mga mata ay parang automatic na ang aming pagngiti ng malapad.
Si Jerome naman ay kausap si Mia na tinatanong siya kung gaano siya katangkad at anu-ano daw ang kinakain nito dahil gusto din niyang tumangkad katulad nito.
Hindi ko maipaliwanag pero masaya ang puso ko. Parang kahapon hanggang kaninang umaga lang ay broken hearted ako. Pero ngayon para akong lumulutang sa cloud nine. Ang sarap sa pakiramdam na gusto ng lahat si Enrico. Mula kay Lolo hanggang sa mga Uncle at pinsan ko.
Naputol ang daydreaming ko ng iabot sa akin ng itay ang telepono.
"Anak, kamusta ka na? Miss na miss na kita," malungkot ang tinig ng inay na parang naiiyak sa kabilang linya.
"Ayos na ayos po inay. Nanalo akong Miss Instrams kahapon. Miss na miss ko na din po kayo. Kayo po kamusta kayo dyan?" Balik na tanong ko.
"Huwag mo akong alalahanin dito anak. Huwag lang akong atakihin ng pagkahomesick ko ay maayos ang lagay ko. Sayang di kita nakitang lumaban kahapon pero alam kong napakaganda mo sa mga isinuot mo." Pagpapatuloy ng inay.
"Ipapadala ko po sa inyo yung mga letrato kapag napaprint na po ng kaklase kong si Remi. Sya po ang nag-ayos sa akin kaya wala pong masyadong nagastos saka nag-amabagan po kaming magkakaklase para hindi mabigat sa bulsa." Dugtong kong kwento sa inay.
"Mabuti naman kung ganoon. Sa graduation sa high school mo na siguro ako makakauwi anak. Mahina na ang alaga ko at laging busy ang mga anak niya kaya walang ibang magbabantay kaya makuntento muna tayo sa paguusap sa telepono ha?"
"Opo, inay. Naiintindihan ko. Magiingat ka po palagi dyan," naiiyak ako pero pinipigilan ko.
"Oo anak, ikaw din at mag-aral kang mabuti. Nakuwento ng tatay mo si Enrico. Ayos lang makipagnobyo basta gamiting mong inspirasyon para mapaigi mo pa ang pag-aaral mo. Huwag mong hahayaang masira ka ng pakikipagrelasyon." pagbibilin ng inay. "O ibalik mo na ang telepono sa tatay mo. I love you palagi anak." Pagpaalam nito.
Iniabot ko ang telepono sa itay. Patuloy silang nag-usap.
Lumabas na ng komedor sina Enrico at Jerome. Nakabuntot pa din si Mia sa huli at tinatanong ng kung anu-ano.
"Mia, tama na ang pangungulit kay Jerome. Baka naiirita na yan sa'yo." Saway ni Marian sa kapatid.
"Ayos lang, Marian. Nakakatuwa nga si Mia eh," turan nito habang ginugusot ang buhok ni Mia. Inirapan saka pinagdilatan ng mata sabay labas ng dila naman ni Mia saka ito bumalik ng komedor. Pilyang bata talaga ito.
Mag-aalas otso na pala ng gabi. Sumenyas ng pagpaalam si Enrico sa itay. Pinagsalukip ang mga kamay ss kanyang beywang saka tumango na parang hapon na nag-aarigato saka sumaludo. Nagthumbs-up naman ang itay habang kausap pa din ang inay.
Inihatid namin ni Marian sina Enrico at Jerome sa labas ng bahay. Nauna na kaninang lumabas si Kuya Darwin pagkakain at naghintay na lang ito sa may silong ng mangga. Nang makita nitong lumabas na sa bahay sina Enrico ay tumayo na ito at binuksan ang sasakyan nila.
"Salamat sa pagpunta, Enrico, Jerome," turan ko habang tinignan ko sila ng isa-isa.
"Masaya akong pumayag ang tatay at mga lolo at lola mo na ligawan kita, Angeli. Uuwi na muna kami at babalik kapag puwedeng makadalaw sa'yo." Malapag pa din ang ngiti nito habang nagpapaalam.
"Salamat sa dinner. Mukhang mapapadalas ang chaperoning namin ni Marian sa inyo," birong kinindatan nito si Marian.
"See you tomorrow, Angeli." Parang ayaw pa nitong umuwi sa mga titig niya sa akin.
"Sige na, baka hinahanap ka na sa inyo. Good night. See you." Pagtataboy ko sa mga ito.
Mula ng gabing iyon ay parang nakalimutan ko ang una kong pagkabigo. Love hurted me pero parang ito din ang gagamot sa nadurog kong puso.