"Mama!" Napalingon siya sa pagtawag na iyon ni Klein mula sa itaas. Nakabihis na ito at kita ang saya sa mukha at nagniningning ang mga mata nito.
Tila may humaplos na kung ano sa puso niya, masaya siya na makita ang bata na unti-unti ng muling binubuksan ang puso para sa tao sa paligid niya.
"Ready ka na, Kuya?" nakangiti niyang sambit habang patakbo itong bumababa ng hagdan.
"Yes Mama!"sigaw na sagot nito.
Kasabay ng pagtakbo nito pababa ay ang paglabas naman mula sa nursery ni Ford karga si baby Ri. Tila nagulat pa ito sa nakitang sigla ng bata.
Nagtama ang mga mata nila Ford, napakurap ito sabay iling ng kindatan niya sabay ngisi.
Napakasimpatiko nito sa suot na simpleng faded jeans at polo shirt na stripe black and white. Medyo hapit ito sa may braso kaya bakat na bakat ang namumutok nitong muscle. Idagdag pa na buhat nito ang bata kung kaya't nakaflex lalo ang braso nito. Parang ang sarap magpasakal o kaya maglambitin dito!
"Sherep yern?" wika ng malanding isip niya. Literal naman kasi talagang nakakatulo ng laway ang kagwapuhan ng Ford Montecillo na ito!
"Ready ka na Mama Viel?" sambit ni Ford. Siya naman ang hindi naging handa sa winika nito. Parang tumalon papunta sa kabilang universe ang puso niya.
Sh*t na Ford ka! Bakit may pa-ganoon na eksena?
"Oo naman. Ready na 'ko since birth!" ganting wika niya sabay pasimpleng umirap. Syempre hindi siya papakabog dito.
Napayuko siya ng maramdaman ang munting kamay ni Klein na humawak sa kanya. Sumabay pa si baby Ri na pilit din siyang inaabot ng makalapit sila ni Ford.
Mga batang ito! Napaka-clingy! Pero aminin man niya o hindi ay natutuwa ang puso niya. Pero kailangan niya lagyan ng hangganan ito dahil ayaw niya masaktan ang loob ng mga ito lalo na si Klein kapag kinailangan na niyang umalis.
Nang makarating sila sa mall ay hindi mabilang na mga mata ang nakatutok sa kanila. Partikular na kay Ford. Karga nito si Ri at hawak nila sa magkabilang kamay si Klein.
Kita niya ang pagtaas ng kilay sa kanya ng mga babaeng nakatingin sa kaniya.
"Bakit parang may galit sila? Bakit parang kasalanan ko? Charot!" depensa ng isip niya.
Napatigil siya ng may marinig siya na bulungan.
"Iyan ba ang ipinalit ni Ford Montecillo sa super model niyang ex-girlfriend? May itsura naman pero ang taba!"
Naningkit ang mga mata niya at napabitaw na sa pagkakahawak sa kamay ni Klein at naiwan siya sa tapat ng dalawang babaeng marites sa pagka-chismosa.
"Excuse me mga marites na matatabil ang dila. Hindi man ako super model pero kaya ko maging super saiyan kapag hindi n'yo itinikom ang mga bibig n'yo!" mahina pero madiin niyang wika sa mga ito.
Humalukipkip ang babae habang nakataas ang kilay. "Alam mo Miss maganda ka naman - - -"
"Alam ko, sana ikaw din!" mabilis na singit niya. "Lakas ng loob mo manlait, ikaw nga mukha kang seahorse na ibinilad sa araw!"
Napaawang ang bibig nito. Magsasalita pa sana ito ng biglang marinig niya ang tawag ni Klein sa kanya.
"Mama! Make it fast please!"
Tinignan niya ng mapang-asar ang dalawang babae sabay dila at walang lingon-likod na naglakad na humabol na papunta kila Ford.
Nang makarating sila sa arcade ay kinuha niya agad si Ri kay Ford dahil hindi na mapakali si Klein sa sobrang excitement ng makita ang iba't ibang klase ng pwede laruin dito.
"Pa! I want to ride po doon sa bump car!" sigaw nito kay Ford na puno ng excitement ang boses. Nilingon siya ni Ford at tinanguan niya ito dahil hindi naman sila pwede doon ni baby Ri. Tumayo siya sa may fence para panuorin ang dalawa.
Napangiti na lang siya ng mapansin na parang mas nag-eenjoy pa si Ford kaysa sa pamangkin nito. Sabay na tatawa ang dalawa kapag nagkabanggaan sila. Dahil yata tila maaga pa kaya hindi pa ganoon karami ang mga tao.
Hindi niya napansin na nakangiti na rin siya habang nakatunghay sa dalawa. Para kasing dalawang batang ngayon lang nakalabas ang itsura ng mga ito.
Ganiyan ba talaga kapag lumaki kang mayaman? Lagi yata talagang may downside ang mundo. Kahit mayaman ka at marami kang pera, may mga bagay pa rin na hindi mo makukuha o mararanasan.
Totoo talagang hindi pera ang magpapasaya sa isang tao, mas matimbang pa rin ang pagmamahal na mararanasan mo sa loob pamilya at ang oras na maaring igugol ng mga magulang para sa mga anak.
Napaigtad siya ng may maramdaman na tapik sa balikat niya. Nasa harapan na pala niya ang magtiyuhin na kapwa nagtataka sa itsura niya.
"Are you okay, Viel?" tanong ni Ford at hinipo pa ang noo niya kung kaya't napaatras siya na tila napaso.
"Uhmm, I'm okay. Nalibang lang ako sa mga nakikita ko. Nag-enjoy kayo?" pilit niyang pinasilay ang ngiti. Si Ford naman ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya at mukhang hindi kumbinsido.
"Yes Mama! It's super fun!"
"You want to eat, Viel?" bigla siyang napalingon kay Ford at sinamaan ng tingin. Tila kasi nanunukat ang mga titig nito.
Akala yata ng hudyo na 'to gutom nanaman ako kaya ako nakatulala! Hayp talaga!
"Hindi ako gutom, okay? Hindi porket mataba ako at bigla ako natulala eh pagkain na agad ang iniisip ko! Masyado kang judgemental!" mahinang angil niya rito. Mabuti na lang at busy si Klein sa panunuod sa mga sumasayaw sa dance revo.
Mas lalo siya nainis ng bumulanghit ito ng tawa. "Kapag hindi ka umayos masasaktan ka talaga sa 'kin, Mr. Montecillo! Kaya tumigil ka na hangga't nakakakilala pa 'ko at hindi ko pa nalilimutan na amo kita!"
Pilit naman pinipigil ng lalaki ang tawa ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang halos maluha-luhang mata dahil sa pagtawa. Itinaas pa nito ang dalawang kamay.
"Okay! Hindi na. Let's go, walang kakain ngayong araw na 'to!" sambit nito kung kaya't inangat niya ang paa para sipain ito ngunit agad naman itong nakatakbo palayo. Hindi naman niya ito mahabol dahil bitbit niya si baby Ri.
Naabutan niya ang dalawa na nasa isang machine na maraming mga stuff toys sa loob. May isang clamp na imamaniobra nila para makakuha ng laruan.
"Go Papa! I want that pink teddy for baby Ri!" pag-cheer ni Klein sa tiyuhin.
Gusto niyang matawa sa itsura ni Ford habang pilit na kinukuha ng clamp ang stuff toy. Para itong constipated na manok na hindi mo malaman. Bakas din ang butil ng pawis sa noo nito.
"Ano Mr. Montecillo? Parang constipated lang?" gusto niya makaganti rito. It's payback time! Pero parang nagkamali siya.
Tinignan siya nito at ngumisi. "Watch and learn Mama Viel!" sagot nito. Parang gusto niya masamid. Pero sh*t, bakit ang sarap pakinggan?