Kita niya ang determinasyon sa mukha ng lalaki na makuha ang pink na teddy bear. Idagdag pa na walang tigil kaka-cheer sa kaniya si Klein.
Si baby Ri naman ay mahimbing ng nakatulog sa balikat niya.
Sa anggulo niya ay malaya niyang napagmasdan ang mukha ni Ford. Literal talaga na guwapo ito at sigurado siyang walang tao na magsasabi na hindi. Matangos ang ilong na bumagay sa kapal ng kilay nito at mga matang nakakatunaw kapag tinitigan ka. Ang mga labi nitong natural na mamula-mula ay talaga namang tila napakasarap halikan.
Napakurap siya ng makarinig ng pagtikhim.
"Are you done mind-raping me, Mama Viel?" muli siyang napabalik sa realidad.
Binuhat nito si Klein at tumabi sa kanya. Ang mukha nito ay nanunudyo sa paraan ng pagkakatingin sa kanya. Si Klein naman ay walang pagsidlan ang tuwa dahil nakuha pala ni Ford ang pink na teddy bear.
"Ang bibig mo. Kung ano-ano ang lumalabas marinig ka ng bata!" saway niya rito ng pabulong pero may gigil.
Ngumisi lang ito at binalingan si Klein na busy sa mga napanalunan nila sa arcade.
"Eh ikaw kasi, masyado mo ako'ng pinapapantasya!"
Akma sana siyang sasagot ng biglang umingit si Baby Ri. Binigyan niya na lang ang lalaki ng nakakamatay na irap sabay hele sa bata habang ito naman ay hindi nawawala ang mapang-asar na ngiti.
Napakaaliwalas ng mukha nito at hindi nawawala ang mga ngiti sa labi. Taliwas sa nasabi minsan ni Nana Aida na lagi itong malungkot at seryoso mula ng humalili ito at mamahala sa negosyo ng pamilya nila.
Muling umiyak si baby Ri kung kaya't kinapa niya ang diaper nito. Mukhang puno na at kailangan na palitan agad baka kaya ito naga-alburoto. Hindi rin maganda na nakababad ito sa ihi at magkakaroon ito ng rashes.
"Paabot ng baby bag, papalitan ko ng diaper si Ri," utos niya rito. Mabilis naman ito kumilos.
"Ihatid ko na kayo sa cr," wika nito sabay sukbit ng bag.
"Hindi na. Dito na lang kayo ni Klein mabilis lang kami ni baby Ri." Inabot niya ang bag mula rito at nagmamadali ng pumunta ng cr.
Pagpasok niya sa loob ay mabilis niyang ihiniga si Baby Ri at pinalitan ng diaper matapos linisan. Pinalitan na rin niya ito ng damit para mapreskuhan.
Nang palabas na sila ay nakarinig siya sa men's comfort room na mahinang boses.
Hindi sana niya papansinin at hahakbang na siya palabas ng maagaw ang atensyon niya ng marinig ang pangalan ni Ford.
"Positive ang target. Nasa arcade si Ford Montecillo kasama ang mga pamangkin nito at isang babaeng mataba," napataas ang kilay niya at naningkit ang mga mata.
"P*nyeta 'to ah! Pasmado bibig sarap pakainin ng bala!" gigil na bulong niya.
Mabilis siyang naglakad pabalik sa arcade. Naabutan niya na nakaupo ang dalawa sa bench sa hindi kalayuan. Nang mamataan sila ni Ford ay agad itong tumayo at sinalubong siya.
Agad niyang inabot si Baby Ri dito at ang bag." Pakihawak muna ang bata, babalik ako sa CR," wika niya rito. May pagmamadali sa kilos niya dahil baka hindi niya maabutan ang impakto na lumait sa kaniya.
"Why?" tanong nito sabay abot sa bata at sa bag.
Kumunot ang noo niya. "Natatae ako, gusto mo sumama?"
Ngumiti ito na abot hanggang mga mata. "Pwede ba?"
Umirap na lang siya at nagmamadaling bumalik sa CR. Nanggigigil siya sa lalaki na naulinigan niya kanina.
Pagdating niya sa CR ay walang gatol na dumiretso siya sa loob ng men's comfort room. Naabutan niya ang lalaki na isinasara ang bag at mukhang nakasukbit na sa likod ang baril na may silencer.
Hindi siya nito napansin. May pinindot ito sa tainga at nagsalita. "Papunta na 'ko sa target. Ihanda n'yo na ang pambayad. Consider it done," wika nito sabay pihit paharap. Nagulat pa ito ng makita siya na nakatayo habang nakahalukipkip at nakasandal sa pinto ng banyo.
"Miss, men's comfort room ito sa kabila ang para sa babae," sambit nito sabay turo sa kabilang pinto.
"Alam ko men's comfort room ito. Kaya nga nandito ako eh. Raul nga pala pare," wika niya sabay lapit dito at inilahad ang kamay. Base sa reaksyon nito, mukhang hindi nito kilala ang mukha niya at katawan lang talaga ang nakita sa kanya. Napakahayop!
Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito at nagulat ng sinabi niya ang pangalan. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Gusto niya matawa.
Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakalahad bago ito umunat ng tayo at inabot ang kamay niya.
Pagdaop ng palad nila ay walang babala niyang hinila ito at ipinilipit ang kamay paikot sabay sakal ng isang braso sa leeg nito habang nakatalikod sa kanya.
Pilit itong pumapalag dahil hinigpitan pa niya lalo ang pagkakasakal dito. Sinipa niya ang binti nito sanhi para mapaluhod ito at mas madali niya itong masasakal. Hanggang sa unti-unti na itong hindi makakilos at lumaylay na ang ulo.
Binitawan niya ito at pinulsuhan sa leeg bago tumayo at inayos ang sarili. Kinuha niya ang earpiece nito at inilagay sa tainga niya at pinindot.
"Python, ano balita? Tapos na ba si Montecillo?" wika ng lalaki sa kabilang linya.
Nanatili siyang tahimik at ng walang makuhang sagot mula sa kanya ay muli itong nagsalita. "Python, ano tapos na ba? Naitumba mo si Montecillo?" may bakas na ng inis sa boses nito.
Umangat ang sulok ng labi niya bago sumagot.
"Pasensya na, pero si python ang naitumba eh hindi si Montecillo. Better luck next time," pang-aasar niya pa.
"Sino ito? Asan si Python?" sigaw nito sa kabilang linya. Halos alisin niya sa tainga ang earpiece sa sobrang lakas ng sigaw nito.
"Galit na galit? Sa susunod kasi huwag pipitsugin ang ipapadala n'yo. 'Yong medyo high caliber naman. Si Python pala nandito sa CR nakalublob sa inidoro. K bye!" wika niya sabay patay sa earpiece at inihagis sa inidoro. Hinatak niya ang lalaki papasok sa loob ng cubicle at isinara.
"Yan ang napapala ng mga lumalait kay Viel! Hmp!" wika niya sa nakapinid na pinto ng cubicle habang nakapameywang.
Pumihit na siya at pinagpagan pa ang kamay bago tila walang nangyari na naglakad palabas ng CR.
Nang makabalik siya sa arcade ay agad niyang namataan sila Ford. Kahit yata sa dami ng tao madali niyang makikita ang Ford na ito dahil bukod sa matangkad ito ay tila may spotlight na nakaangat ang awra nito.
Nakita niya na nakatulog muli si Baby Ri sa balikat nito. Habang nakahiga naman sa hita niya si Klein at tulog na rin. Mukhang napagod ito ng sobra.
Nakita niya na nakatitig sa kanya si Ford habang naglalakad palapit dito. Bigla tuloy siya na-conscious. Baka magulo buhok niya dahil sa engkwentro kanina. Shemay!
Nakangiti ito ng makalapit siya na ikinainis niya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito kaya naiinis siya. "Bakit ngingiti-ngiti ka riyan?"
"Wala. Masama ba ngumiti? Tapos ka na maglabas ng sama ng loob?"
Umirap siya pero sumagot din. "Oo. Nagutom na 'ko." sabay sumenyas na kukunin na niya si Ri. Kumilos naman ito at iniabot sa kaniya ang bata.
Pero ng kumilos si Ford ay nagising din si Klein at bumangon habang kinukusot ang mga mata. "Papa, are we going home na po?"
"Not yet, Bud. Pakainin muna natin si Mama Viel, baka maging monster kapag nagutom," wika nito sabay gulo sa buhok nito.
Nagtangis ang mga ngipin niya at kumilos ang paa sabay sipa rito ng mahina sa binti. Mabilis naman tumayo si Ford at kinarga si Klein habang tumatawa. Nagpatiuna na itong naglakad papunta sa restaurant habang siya nagpupuyos pa rin ang loob habang nakasunod sa mga ito.