Chapter 9: Insecurities

1146 Words
Ilang ulit muna siyang lumunok para palisin ang tila bara roon dahil sa inakto ni Ford. Compose yourself, Viel! Hindi pwede ang marupok today! Paalala niya sa sarili niya. "Ano iyong sinasabi mo na dagdagan ang security rito sa bahay, Viel?" pukaw ng lalaki sa kaniya. Gustuhin man niya lumingon ay pinipigilan niya ang sarili. Magkatabi kasi sila ni Ford sa bench habang ang kamay nito ay nakasampay sa sandalan na tila nakaakbay sa kaniya. Bumuga muna siya ng hangin bago sumagot. "Sa tingin ko may nakapasok na kung sino rito sa bahay, Ford. Maaring nasa panganib ang buhay mo at ng dalawang bata." Naramdaman naman niya ang pagpaling ng katawan nito sa kaniya. "What? What do you mean? Look at me, Viel," utos nito sa kaniya. Naramdaman niya ang kamay nito sa magkabila niyang balikat at inihaharap siya rito. "I saw someone suspicious sneaking around the house kanina, sinubukan ko siyang habulin para sana kumprontahin pero...," napabuntong-hininga siya ng maalala ang nakaka-frustrate na insidente kanina bago dinugtungan muli ang sinasabi. "pero hindi ko naabutan. Iyon 'yong naabutan mo ako kanina nakasalampak sa garden, lintek na timbang ko naman kasi! Ang sakit tuloy ng pwet ko!" nakalabi pa siya habang nagkukwento rito. Nag-angat siya ng tingin kay Ford at napansin na nakatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung tinitimbang ba nito ang sinabi niya tungkol sa lalaking nakapasok sa bahay nito o pinag-aaralan nito ang bawat detalye ng mga fats sa mukha niya. "Uhm Ford? Nabilang mo ba?" untag niya rito. Hindi pa rin kasi ito tumitinag. Kumurap ito na tila nagising sa katotohan bago tumikhim at sumagot habang nakakunot ang noo. "Alin ang nabilang ko?" "Iyong layers ng fat sa mukha ko. Kanina ka pa kasi nakatitig hindi mo iniintindi sinasabi ko. Crush mo 'ko?" pang-aasar niya pa rito. Tumawa ito sabay nanggigigil na pinisil ang pisngi niya. "Cute mo! Sarap mo gawing keychain!" Tinabig niya ang kamay nito sabay hampas sa braso. "Tigilan mo ko, Ford Damien Montecillo! Hindi ako natutuwa sa' yo! Iyong sinasabi ko ang intindihin mo!" angil niya rito. Dagli rin naman na sumeryoso ito. "Why are you this mysterious, Viel? Are you hiding something from me?" Ang mga mata nito ay tila tumatagos sa kaloob-looban ng mga bituka at laman-loob niya na tila binabasa ang buo niyang pagkatao. "X-ray ka ba?" "What? Ano nanaman iyan, Viel?" May iritasyon na siyang nahimigan dito na ikinataas ng labi niya. "Eh kung makatingin ka parang gusto mo na galugarin ang kabuuan ng anatomy ko! You're raping my whole being!" inartehan niya pa ng konti ang pagkakabigkas sabay yakap sa sarili na ikinatawa nanaman nito. Konti na lang talaga magpapalit na siya ng trabaho. Mukha naman na mabenta rin siyang clown sa guwapong impakto na 'to. Umiiling ito habang hindi pa rin napapalis ang ngiti sa mga labi. Napalunok siya ng makita na unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kaniya. Sh*t! Hindi yata handa ang hininga ko... Sandali lang! Nagpapanic ang isip niya dahil patuloy pa rin na lumalapit ang mukha ni Ford sa kaniya. Ngunit kapwa sila natigilan ng marinig ang pagsigaw ni Klein mula sa kuwarto nito. Agad silang tumayo at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. "Klein!" sigaw niya sa pangalan nito habang halos liparin na niya paakyat ng kuwarto nito. "Mama Viel! Papa!" dinig niya na sigaw nito sa pangalan nila. Humahangos siyang ibinalya pabukas ang pinto at naabutan niya si Klein na nasa gilid sa baba ng kama at nakatalungko. Nanginginig ang katawan nito at nakasubsob ang mukha sa braso. "Klein! What happened, Kuya?" agad niyang nilapitan ito at iniangat ang mukha. Basa ang mukha nito ng luha. Nang mapagsino siya nito ay agad na yumakap sa kaniya. "Mama Viel! You're alive!" wika nito habang hindi pa rin napapatid ang pag-iyak. "Of course, Kuya. Nanaginip ka ba? You had a bad dream?" inilayo niya ito sa kaniya para magtama ang mga nila. Nilingon niya si Ford na nakamasid sa likod niya. Nang malingunan ni Klein ang tiyuhin ay muli itong umiyak. "Papa! You're alive, too! Si Ri po? Go check on her po please, Mama Viel! Papa!" Bahagya niyang inalog ang balikat nito. Mukhang grabe ang napanaginipan nito. "Kuya, we're fine. Calm down. Shhh, it's just a dream. Mama Viel and Papa are here. Baby Ri is also okay," alo niya rito. Binuhat niya ito habang hinahagod ang likod nito. Naramdaman naman niya na lumapit si Ford sa kanila. Umangat ang ulo ni Klein at inaabot si Ford. Inangat naman nito ang kamay na agad hinatak ng bata. Ang ending, yakap silang dalawa ng malapad na bisig ni Ford. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya sa itsura nila ngayon. Para silang isang pamilya na nagyayakapan. Muling nag-angat ng ulo si Klein. "Mama Viel, can we all sleep in one room? I'm so scared po to sleep here in my room," pagsusumamo ng bata. Nilingon niya si Ford. "Sure, Bud. Doon tayo matutulog sa room ni Baby Ri," sagot ni Ford na hinahaplos ang buhok nito. "Stop crying na, Kuya. Doon na kayo mag-sleep kasama si Ri," nginitian niya ito habang pinapahid ng bata ang luha sa mata. "Why Mama Viel, ayaw mo po kami makasama sa pagtulog?" "Ha?" nilingon niya si Ford para magpasaklolo. "No, Bud. Matutulog si Mama Viel katabi natin. 'Di ba, Mama Viel?" Sabay baling sa kaniya at tinignan siya ng nagbabanta. Palihim naman siyang umirap dito. "Of course, Kuya! Tara na roon sa room, let's check on baby Ri and go back to sleep na. Uhmkay?" sambit niya rito sabay pisil sa pisngi na ikinangiti nito. "Yes! I know I won't be having nightmares anymore because I have my super Mama Viel and Papa!" itinaas pa nito ang isang kamay. Natatawa naman silang nagkatinginan bago lumapit si Ford sa kaniya at kinuha si Klein. Medyo mabigat na rin kasi talaga ito. "Let me carry you now, Bud. Hindi na kaya ng super powers ni Mama Viel na kargahin ka ng matagal," wika nito na may nanunudyo na tingin sa kaniya. She rolled her eyes and gave him a death stare. "Oo na! Sarili ko nga hindi ko mabuhat eh!" inis na sagot niya sabay talikod dito at nagmartsa na palabas. Nakakainis! Kailangan talaga lagi ipamukha sa kaniya na mabigat siya? Hmp! Humanda ka sa akin kapag pumayat talaga 'ko! " "Hey! That's not what I meant, Viel!" dining pa niyang pahabol na sigaw ni Ford bago siya makalabas ng kuwarto. "O bakit ganiyan ang mukha mo, Viel?" tanong ni Nana Aida na kalalabas lang ng kuwarto ni baby Ri at dala ang isang walang laman na basket. "Wala ho, Nana Aida. Inborn na ho na ganito mukha ko pati figure ko, pero kapag ako ho talaga pumayat who you kayo sa 'kin! Ano ho bang ulam? Gutom na ho ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD