Chapter 8: Closer

1768 Words
"Viel? Ano'ng ginagawa mo riyan?" Napalingon siya ng makarinig ng nagsalita mula sa likod niya. Si Ford na nakakunot ang noo habang may hawak na baso ng tubig. Marahas muna siyang bumuga ng hangin bago sumagot. "Baka lumalangoy sa damuhan? Bored ako eh," pabalang na sagot niya rito. Naiinis talaga siya na hindi naabutan ang misteryosong lalaki na iyon. Maaring maging lead iyon sa pag-iimbestiga niya. "Crazy!" muling napukaw ang atensyon niya ng marinig ang mahinang pagtawa ng binata habang umiiling. Inilapag nito ang hawak na baso sa rattan na lamesa ng garden at humakbang palapit sa kaniya. Umangat ang tingin niya ng makita ang kamay nitong nakalahad sa kaniya. She rolled her eyes at umiling. "Huwag na, baka hindi mo kayanin ang bigat ko at ikaw pa ang matumba," sagot niya sabay tayo mula sa pagkakasalampak. Pinagpagan niya ang likuran bago muling tumingin sa lalaki na nagpatigil sa kaniya. Napakurap siya dahil mataman lamang na nakatingin ang lalaki sa mukha niya. "What?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Nakakaramdam na siya ng awkwardness sa paraan ng pagtitig nito. Bigla naman na tila ito natauhan at ngumiti. Kita rin niya ang pagtaas-baba ng adam's apple nito. "Nothing," sagot nito sabay iwas ng tingin. Muli siyang bumuntong-hininga, hindi talaga siya makamove-on sa pagkadisappoint na hindi niya nahuli ang lalaking iyon. Lalo lang din siya nag-alala para sa seguridad ni Ford at ng dalawang bata. "Mr. Montecillo, I - - -," Hindi niya naituloy ang sasabihin ng sumingit ito. "Ford. Call me Ford," wika nito sabay pasok ng dalawang kamay sa bulsa ng shorts nitong suot. Nakasimpleng t-shirt na puti lang ito at short na pambahay pero lutang pa rin ang kakisigan ng hayup. Ang mga muscles nito ay naghuhumiyaw sa loob ng t-shirt nito. Yawa ka, Viel! Kung saan-saan nanaman napupunta iyang maharot mong isip! Sermon niya sa sarili. "Sir, I can't do that," depensa niya. Hindi niya naiintindihan ang trip nito ngayon. Dinig niya ang malakas na palatak nito. "I'm your boss, Viel. That's an order!" mahina pero mariin na wika nito na ngayon ay nakahalukipkip na. Sh*t! Napamura siya sa isip ng mapako ang mata sa nakaflex na braso nito mula sa pagkakahalukipkip. Parang ang sarap magpasakal! Char! Gusto niyang matawa sa iniisip pero pinigilan niya dahil baka sabihin ng lalaki ay nababaliw na siya. Hindi pa nga ba? Hays! Mukhang malapit na nga siyang mabaliw. Parang laging may conference ang mga brain cells niya at nagdedebate sa mga naiisip niya. "Ang awkward naman ho kasi ng gusto ninyo, Mr. Montecillo. Kayo na ang nagsabi na boss ko kayo so dapat lang na i-address ko kayo ng tama," paliwanag niya. Pero napaatras siya ng makita ang paghakbang nito palapit habang mataman na nakatitig sa kaniya. "Isa pang tawag mo ng Mr. Montecillo, hahalikan kita," banta nito habang sumasayaw ang mga mata sa aliw. Marahil nakita nito ang pagkalito sa reaksiyon niya. "Ford, mukha ngang maganda ang first name basis. Oo, maganda nga. Ayos ba Ford?" mabilis na sagot niya na may alanganin na ngiti sabay thumbs up rito na ikinatawa ng malakas ng lalaki. "You are so cute, Viel," nakangiti pa rin ito sabay abot sa pisngi niya at kinurot iyon. Sumimangot naman ang mukha niya. "So ano, kakahol na ba ako?" wika niya rito sa naiiritang boses. Tumawa ito muli ng malakas. Habang siya ay nakatunghay lamang rito dahil tila musika sa tainga niya ang tawa nito. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang saya na nararamdaman sa pagmamasid lang sa pagtawa ng amo niya. Tila may kumikiliti na kung ano sa tainga niya sa tawa nito. Idagdag pa na madalas itong seryoso lalo na kapag busy sa trabaho. Napasinghap siya ng kabigin siya nito at iakbay ang isang braso sa balikat niya habang ang isang kamay naman ay muling kumurot sa pisngi niya. "Hindi naman kumakahol ang mga ano hindi ba?" mapang-asar ang tono nito. "Ano'ng ano?" angil niya. Mabilis niyang pinalis ang kamay nito at siniko sa tagiliran para lumayo ito sa pagkakadaiti sa katawan niya. Pakiramdam niya ay halos lumabas ang puso niya sa pagkabog sa pagkakadaiti nila. "Hindi kumakahol ang ano?" ulit niya sa tanong. Akma itong sasagot ngunit naputol iyon ng marinig ang sigaw ni Nana Aida mula sa hagdan. "Viel! Ang gatas ng bata nasaan na? Aruuu, nagwawala na ang alaga mo napakatagal mo magtimpla!" Sabay pa silang napalingon sa loob ng bahay bago muling nagkatinginan. Pinukol niya ito ng masamang tingin habang ang lalaki naman ay nagsasayaw ang mga mata habang may sinusupil na ngiti sa labi. "Oho Nana Aida. Sandali lang po!" sigaw na sagot niya. "Go ahead, Mama Viel. Gutom na si Baby Ri," sambit nito. Akma na siyang maglalakad papasok ng maalala ang lalaking nakaengkwentro niya kanina. "Ford," sambit niya sa pangalan nito. Kita niya ang pagplaster ng ngiti sa labi nito sa binigkas niya. "Hmm?" "I think you need to add security sa bahay," sambit niya na diretsong nakatingin sa mga mata nito. Kita niya ang mabilis na pagpapalit ng reaksiyon ng mukha nito, mula sa maaliwalas na mukha napalitan iyon ng pagtataka dahil sa mabilis na pagsasalubong ng kilay nito. "What do you mean?" Bumuntong-hininga hininga siya. Pero hindi pa niya naibubuka ang bibig niya ng muling marinig ang sigaw ni Nana Aida. "Viel, nasaan ka na bang bata ka? Ang alaga mo ay hindi na mapatahan sa pag-iyak!" "Oho! Nandiyan na po Nana Aida!" tugon niya. Naramdaman niya ang paghawak ng kamay ni Ford sa braso niya at bumaba ang tingin niya roon bago niya tinignan ang mukha nito na puno ng pagtatanong. "Let's talk later. Papatulugin ko lang si baby Ri," sagot niya. Tumango naman ito bago binitiwan ang braso niya. Mabilis siyang tumakbo sa kusina at kinuha ang bote ng bata bago malalaki ang hakbang na umakyat ng hagdan at nagmamadaling pumasok sa nursery room. Doon inabutan niya ang namumula ng pisngi at ilong na si Baby Ri. Tanda na kanina pa nga ito umiiyak. Agad niyang kinuha ito mula kay Nana Aida. Hindi na niya pinakinggan ang pagbubunganga ng matanda hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng silid. Nakatuon ang pansin niya kay baby Ri. Naawa siya rito. Kasalukuyan na itong dumedede sa bote pero panaka-naka pa rin itong humihikbi. "Sorry baby love. Napaharot pa si Mama Viel sa Papa mo," mahinang pagkausap niya rito habang hinahaplos ang pisngi nito. Natigilan siya. Ano raw? Asawa ka girl? Kastigo ng isip niya. Napailing na lang siya at muling inihele ang alaga. Nakatulog naman na ito agad, marahil dahil sa pagod sa pag-iyak. Marahan niya itong inilapag sa crib at kinumutan. Kinuha niya ang tablet monitor kung saan malalaman niya kung nagising ba ito o umiiyak bago maingat na lumabas ng kuwarto. Maglalakad na sana siya pababa ng makita ang bahagyang nakaawang na pinto ni Klein. Sumilip siya at nakita niya ito na humugot ng malalim na buntong-hininga habang nakatingin sa nakasulat sa notebook nito. Kasalukuyan itong nakaupo sa study table. Marahan siyang kumatok at kita niya ang pagpitlag nito sabay sara ng notebook. "Hi Kuya, how are you?" Ngumiti ito. "I'm okay Mama Viel." Lumakad siya papasok at umupo sa kama nito. Pinaikot naman ng bata ang upuan para humarap sa kaniya. "Care to tell Mama Viel what's bothering you?" diretsang tanong niya rito. Napakurap ito at naglapat ang labi bago yumuko. Unti-unti na niyang nakakabisado ang ugali nito, alam niyang may itinatago ito o gumugulo sa isip. Bumuka ang bibig nito pero muling isinara. "It's okay, Kuya. You can tell anything and everything to Mama Viel, right?" Tumango ito at marahan na dinampot ang notebook sa study table bago bumaba sa upuan at lumapit sa kaniya. Inabot nito ang notebook sa kaniya sabay yuko. "We will be having a family day next week po sa school. But I know Papa can't come because he's busy with his work. I don't wanna bother him, Mama Viel," malamlam ang mga mata nito na umangat ng tingin sa kaniya. Tila hinaplos ang puso niya sa magkahalong emosyon na hindi niya maipaliwanag. Niyakap niya si Klein at hinalikan sa buhok. "I'll tell your Papa, okay? At huwag na huwag mo iisipin na istorbo ka sa work niya. Because the reason why he's working so hard is for you and Ri to have a good future. Do you understand my point, Kuya?" Ramdam niya ang pagtango nito habang yakap niya. Matalino si Klein at matured mag-isip. Nang makatulog si Klein ay lumabas na siya para naman kausapin si Ford. Hays, ang dami kong ganap today ah? Nakita niya si Ford na nakaupo sa sala habang nakadekuwatro at umiinom ng beer in can. Marahil naramdaman nito ang pagbukas ng pinto kung kaya't tumingala ito at nagtagpo ang mga mata nila. Siya ang unang nagbawi ng tingin. Aba, ang hirap naman kasi bumaba ng hagdan ng hindi ka nakatingin sa baitang ano! Haler? "Let's talk in the garden. Mauna ka na roon, kukuha lang ako ng hot chocolate para sa iyo," wika nito sa kaniya ng makababa siya. Ewan ba niya pero tila nahipnotismo na tumango na lang at naglakad na siya papuntang garden at umupo sa bench. "Here," turan nito sabay abot ng hot chocolate. "Thank you," wika niya sabay abot ng tasa. "Nga pala, may Family Day si Klein next week. Baka pwede mo mapagbigyan ang bata at maka-attend ka. He actually doesn't want to tell you, because he knows you're busy pero sana makapagbigay ka ng time." Umupo ito sa tabi niya kung kaya't umurong at tumagilid siya para makita ang mukha nito. Kumiling naman ang ulo nito para makaharap sa kaniya. "I'll clear my schedule next week. Kakausapin ko si Klein bukas and will tell him na pupunta ako," sagot nito ng nakangiti. Nagliwanag ang mukha niya. Natuwa siya para sa alaga niya, nakikinita na niya na magtatalon sa tuwa iyon. "Oh my, thank you Ford!" sa sobrang kasiyahan yata niya ay napahawak siya sa braso nito. "Ay sorry," hinging paumanhin niya ng mapagtanto ang inakto sabay muling layo ng upo rito. "It's okay, Viel. Feeling ko nga nakita ko na agad ang reaksiyon ni Klein no'ng nakita ko ang reaksiyon mo," nakangiti nitong wika. Kapwa sila natahimik. Ilang sandali pa ay narinig niya na nagsalita ang lalaki. "Come closer, Viel," napalingon siya sa winika nito. "Ha?" maang na tanong niya. Ngunit imbes na sumagot ay kumilos ang kamay nito at hinapit siya palapit rito. Lalo siyang ginapangan ng kung anong kuryente ng bumulong ito sa punong tainga niya matapos siyang hapitin. "I said come closer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD