CHAPTER 6 THIRD PERSON POV Hindi nakaligtas kay Khiki ang eksena na iyon. Habang nagliligpit siya sa loob ng bahay, napansin niyang may ingay sa labas—parang may nag-aaway. Agad siyang lumabas upang alamin kung ano ang nangyayari, at nang makita ang eksena, hindi maiwasan ni Khiki na mag-init ang ulo. Ang nakita niya: si Lucas, galit na galit, hawak ang kamay habang sinisikap palayo ang kanyang kotse mula sa isang pusa. Sa kabilang dako, si p***y na mukhang walang balak magpaawat. Parang sinasadya nitong humarang sa sasakyan, na parang nagpapakita ng depensa sa kanyang teritoryo. “Putangina, bakit ba kasi dito pa siya nagpupunta!” sigaw ni Lucas, halos mapuno ang paligid ng kanyang tinig. Sa likod nito, si Khiki na nagmamadaling lumabas mula sa bahay. Hindi siya maaring magpigil pa. “

