Chapter 76 *Abby* Pagkatapos kong bihisan si Jasmine ay binigay ko na siya kay Jason. Hindi na raw siya maliligo. Mamaya na lang daw pag-uwi namin. Ako naman ang naligo. Mabilisang ligo lang dahil baka tanghaliin kami sa palengke. Tulad ng kay Jasmine ay nagsuot lang ako ng preskong damit. Mainit sa palengke mamaya. Sana ay hindi siksikan. Maong short na hanggang sa taas ng tuhod at puting sleeveless ang suot ko. Ni-blower ko ang buhok para mapusod ko para walang sagabal mamaya sa pamamalengke. Ipinusod ko ng mataas ang buhok at siniguro kong walang takas na buhok. Kinuha ko ang sling bag at maliit na wallet. Hindi ako nagdadala ng malaking halaga kapag namamalengke. Mahirap na at baka manakawan. Nag-tsinelas lang ako dahil palengke lang naman. Ganito lang ako palagi kahit sa Pangas

