Chapter 48 *Abby* Habang nasa biyahe ay pinipilit kong hindi lumingon sa kaniya. Pasimple lang akong tumititig sa katawan niya. Mula sa mahaba niyang hita at sa nakakakaba niyang katawan ay parang magkakalagnat ako sa sobrang init na nararamdaman. Pakiramdam ko’y may bumarang buto ng rambutan sa lalamunan ko dahil kanina pa ako lunok nang lunok. Hindi ko maiwasang hindi manghina tuwing gagalaw ang mga muscles niya sa braso. Magulo ang buhok niya pero bakit ang gwapo pa rin niya? Dinaig pa ang mga bagong gupit. Sa buong biyahe ay sa kaniya lang ako nakatitig nang hindi niya nahahalata. Sumakit yata ang mata ko dahil doon. Kanina pa ako nakatitig sa gilid habang ang ulo ko ay deretso lang. Nangalay yata ang mga mata ko. Nang makarating kami sa bahay ay nakatitig pa rin ako sa kaniya.

