Chapter 36 *Abby* “Jason!” Malakas kong boses kasabay ng pagmulat ko ng mga mata. Ang t***k ng puso ko ay mabilis at malakas. Nanaginip yata ako ng masama? Kinapa ko ang kama at agad akong napalingon sa gawi kung saan nakapwesto kanina si Jason. Nasaan si Jason? Bumangon ako at hinanap siya sa banyo. Wala siya roon. Katabi ko lang siya kanina. Kinabahan ako at binuksan ang cabinet niya. Dumoble ang kaba sa dibdib ko nang makitang wala na ang helmet. Wala na rin ang jacket niyang sinuot kanina. Lumabas siya?! Binalot na ng takot ang dibdib ko. Agad kong kinuha ang phone ko at ni-dial ang number niya. Hindi ako mapakali dahil puro ring lang. Hindi siya sumasagot. “Jason, nasaan ka?” nag-aalalang bulong ko. Alas singko pa lang ng umaga. Medyo maliwanag na. Anong oras kaya siya umalis

