Chapter 41 *Abby* Kinabukasan ay namili si Tita ng mga vitamins at mga masusustansiyang pagkain para sa’kin. Kitang-kita sa mukha niyang excited siya. Si Vanessa raw kasi ay hindi niya madalaw kaya ako na lang ang tututukan niya sa pagbubuntis. “Ang dami niyo naman pong pinamili, Tita,” saad ko. Parang sobrang dami kasi ng binili niya. May prutas, may latang gatas at kung ano-ano pa na hindi ko alam kung kailangan ko ba o makakain ko lahat ng pinamili niya. Sinasalansan niya ang mga pinamili. Ayaw niyang tulungan ko siya dahil baka mapagod daw ako. Hinayaan ko na lang dahil ayaw namang niyang magpaawat. Sa kabilang banda ay naisip kong baka sa kaniya nagmana sina Rafael at si Jason. Ayaw na pinapakialaman sa gusto. Napangiti ako ng lihim. Puno na ang maliit na cabinet dito za silid n

