Chapter 42 *Abby* Sumunod ako sa kwarto ni Jason. Nakita kong inaayos ni Tita ang kumot niya. Pumasok ako at tinignan niya ako. Kumunot ang noo niya. “Don’t tell me, dito ka rin matutulog?” Matalas niyang tanong sa akin. Natigilan ako sa may pinto. Parang kanina pa siya naiinis sa akin mula pa sa hospital. Nasa boses niya ‘yon at mukha. “Anak, si Abby ‘yan. She’s your wife,” mahinahong saad ni Tita. “Wala akong maalala sa kaniya,” naiinis niyang sagot. “Alam ko, kaya nga ako nandito para alagaan ka at para maalala mo ‘ko,” nakakaunawang saad ko. Hinilot niya ang sintido. “Hindi ako sanay na kasama ka,” deretsong niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niyang ‘yon pero ngumiti pa rin ako sa kaniya. “Sabi mo sa’kin dati… ayaw mong humiwalay sa’kin at gusto mo ‘ko

