Chapter 60 *Jason* “Congratulations, Mr. Gomez. You did great!” Bati sa akin ng mga employee ko. Naging maayos at maganda ang panibagong ayos ng pinatayo kong restaurant. At ang pinakamaganda ay napabilang pa kami sa top 5 na best restaurant dito sa Florida. Big news at big achievement ito para sa aming lahat. Lalo na sa akin na binuhos ko lahat ng oras ko sa pagpapalago nito. Naging busy ako sa loob ng mahigit dalawang taon at ito na ang bunga ng itinanim ko. Pero sempre, hindi ko magagawa ‘yon kung hindi dahil sa mga empleyado kong masisipag. Nagsipalakpakan sila habang malalaki nag ngiti sa labi. Huminga ako ng malalim. Mukhang uuwi na talaga ako. After 2 and a half year, masasabi kong malayo na ang narating ng mga pangarap ko. Malayo na ang narating ng pinagpaguran ko. Sa Pi

