Chapter 61 *Abby* Matapos ang masaya at nakakabusog na kwentuhan ay nagpaalam na kaming uuwi na. Bukas ay may lakad pa kami ni Kevin. Titignan namin ang pwestong sinasabi niya para masimulan na ang pagpaplano. Isang linggo lang kami dito kaya kailangang asikasuhin na lahat bago kami bumalik sa probinsya. Humalik si Jasmine kina Rafael at Vanessa. Nakakatuwa dahil naging magkasundo talaga sila ni Raevan. “Bisita lang kayo dito, anytime,” nakangiting saad ni Vanessa. “Salamat sa inyo,” wika ko. Pinahatid kami ni Rafael sa driver nila. Sa byahe ay panay ang kwento ni Jasmine sa mga laro nila ng kuya Raevan niya. “Mukhang nag-enjoy ka do’n ah,” saad ko. “Yes po, Mommy. Sobrang… dami pong toys… ni Kuya Raevan,” wika niya kaya mahina akong tumawa. Nang makauwi kami ay kay Mommy naman

