Chapter 62 *Abby* “Meryenda po muna kayo,” tawag ko sa mga gumagawa dito sa Food House at nilapag ang niluto kong pancit bihon. Mainit pa ‘yon at umuusok pa. Hininto nila ang ginagawa at nakangiting lumapit sa akin. Si Kevin ay may inaasikaso sa labas pero babalik din maya-maya. Si Jasmine ay na kila Vanessa ngayon. Konti na lang at matatapos na. Naglapag din ako ng mga plato at tinidor. Sinalinan ko ang mga plato nila isa-isa. Nagmadali akong kumuha ng orange juice para sa kanila. Lima silang gumagawa. Noong isang araw lang kami nagsimulang mag-ayos dito. Marami kaming pinaayos at pinabago dahil na rin sa desisyon ni Kevin. Mas lumawak ang pwesto at mas gumanda dahil sa kaniya. Nakakuha kami ng limang tao para gumawa at magtrabaho dito. Mababait sila at masisipag. Nagiging mahiyain

