Chapter 39 *Abby* Nagising ako nang may pumasok na nurse para i-check si Jason. Hindi ko na namalayang umaga na pala. Tulog pa rin siya at wala pa rin pagbabago. Hindi pa rin siya nagigising. Ni hindi ako makalabas para makabili ng makakain. Baka kasi bigla siyang magising at gustong kumain. O hindi kaya’y uminom. Wala akong choice kundi lumabas para bumili. “Bibili lang ako sa labas. Mabilis lang ako,” paalam ko. Hinalikan ko pa ang pisngi niya bago tuluyang umalis sa silid. Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko agad si Kevin na naglalakad. Hindi ako maaaring magkamali dahil hindi naman siya malayo sa akin kaya kitang-kita ko. May dala siyang bulaklak at prutas. Mukhang may dadalawin dito sa hospital. “Kevin,” tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at agad niya rin akong nakilala. Na

