Chapter 38 *Abby* Gabi na at hindi pa rin ako makatulog. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Pinapakinggan ang ugong ng aircon. Ngunit ang damdamin ko ay labis na nag-aalala para sa mga mahal ko sa buhay. Kina Nanay at Tatay. . .kay Jason. Nag-init agad ang dulo ng mga mata ko. Ang hirap naman ng ganito. Parang hindi mo alam kung papaano umusad sa bawat oras na hindi sila maalis sa isip mo. Ang hirap kumilos kapag may mabigat kang iniisip. Nag-aalala ako para sa kanila. Sa mga magulang ko at sa asawa ko. Kung nasaan na ba sila. Okay lang kaya sila? Kamusta kaya sila? I silently cry. I silently sobbing just to release the pain in my heart. But it’s still here. Mabigat pa rin. I hug myself baka sakaling maibsan ang bigat na nararamdaman ko. Mariing akong pumikit kasabay

