"PLEASE naman, Lucey. Samahan mo na ako sa Bulacan," nagmamakaawang sabi ni Francesca. Kipit niya ang telepono sa leeg habang nakikinig sa pakiusap nito. may pinag-aaralan siyang papeles para I-assess ang sales projection nila sa forthcoming collection. Mahigpit ang competition sa market subalit malaki ang expectations nila na mangunguna ang Vainglory. "I'm not sure, Cesca. I got loads of work right now. Sana noong isang linggo mo pa sinabi sa akin para nailagay kita sa schedule ko." "Naman!" parang batang sintir nito. "Para namang hindi tayo friends. Mahal mo ako, hindi ba? Saka hindi naman ngayon ang alis natin papuntang Bulacan. Bukas pa. Importante lang talaga." "Kung isasama mo ako sa pagsasayaw mo sa Obando, forget it. Mas marami pa akong importanteng gagawin kaysa sumunod sa kah

