IBIG sapuhin ni Lucey ang noo nang marinig ang pakay nito. Si Francesca? Nagpunta sa lugar na iyon para mang-akit ng lalaki. Sa palagay niya ay sumosobra na ang pagkagusto nitong magkaroon ng anak. She's desperate. Well, at least mas matino na ang gusto nitong mangyari. Kumpara sa pagsasayaw sa Obando at fertility god, mas nag-iisip na ito ngayon. At alam niyang nag-ipon ito ng sandamakmak na lakas ng loob upang gawin iyon. She must give her an applause para planuhing mang-akit ng lalaki. "M-Magagawa po ba ninyo iyon?" tanong ni Francesca. Tinitigan niya ito. Alam niyang natatakot ang kaibigan subalit nakita niya na seryoso ito sa gagawin. Gusto talaga nitong magkaanak to the point na mang-aakit ng lalaki. May hula na siya kung sino ang aakitin nito. Si Duane, ang pinsan ni Mafi. Kaya a

