Pagkagising ko kinaumagahan…
Wala na si Sebastian.
Napalingon ako sa kabilang side ng kama.
Empty.
The sheets were already cold.
Napabuntong-hininga ako.
“Super busy talaga…”
mahina kong sabi sa sarili ko.
Hindi na ako nagtagal.
Diretso akong naligo, hinayaan ang mainit na tubig na dumaloy sa katawan ko, parang gusto kong simulan ang araw ko nang maayos—fresh, composed, and in control.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas ako ng kwarto habang inaayos ang buhok ko, saka ko agad kinuha ang phone ko at dinial ang number niya habang naglalakad pababa ng hagdan.
Ilang ring lang—
sumagot siya.
“Yes?”
Diretso ang boses niya.
Busy.
“Good morning love,” sabi ko, mas malambot ang tono.
“Good morning mrs,” sagot niya.
“Nasaan ka?” tanong ko habang patuloy akong bumababa ng hagdan papunta sa first floor.
“I’m downstairs,” sagot niya.
“Sa meeting room.”
Napalingon ako sa paligid habang nasa gitna ako ng hagdan.
Ah.
Right.
Yung meeting room sa bahay.
“9 AM pa lang ah…” sabi ko, bahagyang napangiti kahit may konting pagod sa boses ko.
“Busy ka na agad?”
“Meeting with the security team,” sagot niya, diretso pa rin pero hindi na kasing lamig kanina.
Napabuntong-hininga ako nang marahan.
“Of course…”
mahina kong sabi.
“Did you eat?” tanong niya bigla.
Napatingin ako sa dining area na ilang hakbang na lang mula sa baba ng hagdan.
“Hindi pa.”
“Go to the dining room,” sabi niya agad.
“I’ll be there in a minute.”
Napahinto ako sa huling baitang ng hagdan.
“Okay.”
“And Bella—”
“Yes?”
“Stay inside.”
Napakunot ang noo ko, pero hindi na ako sumagot.
“Okay.”
Pinatay na niya ang tawag.
Tahimik ang dining area nang makarating ako.
Malawak.
Maliwanag.
Puno ng natural light na pumapasok mula sa malalaking bintana na tanaw ang hardin.
Umupo ako sa dulo ng mesa, saka ko marahang inilapag ang phone ko sa tabi ng tasa ng kape na kakahain lang sa akin.
Mainit pa.
Umuuusok.
I wrapped my fingers around the cup, letting the warmth seep into my hands habang tahimik akong nakatingin sa labas—sa maayos na damuhan, sa mga halaman na tila perpekto ang pagkakaayos, sa mundong mukhang payapa… pero alam kong hindi.
Humigop ako ng kape.
Slow.
Measured.
Trying to ground myself.
Pero kahit anong pilit kong gawing normal ang umaga na ito—
hindi ko pa rin maiwasang isipin.
Security.
Meetings.
Warnings.
“And Bella—stay inside.”
Napabuntong-hininga ako nang marahan, saka ko bahagyang iniling ang ulo ko.
“Ang aga-aga…” bulong ko sa sarili ko.
Then—
narinig ko ang mahinang yabag.
Hindi ako agad lumingon.
Kilala ko na ang tunog ng paglakad niya.
Steady.
Confident.
At ilang segundo lang—
naramdaman ko na siya sa likod ko.
“Hey, love…”
mahina niyang sabi.
Bago pa ako tuluyang makalingon—
hinawakan na niya ang pisngi ko.
At hinalikan ako sa labi.
Soft.
Familiar.
Pero may kakaibang urgency.
Paglayo niya, saka ko siya tiningnan.
“Ang aga mo matapos ah,” sabi ko, bahagyang nakangiti.
“Still ongoing,” sagot niya habang umuupo sa tabi ko, hindi sa tapat—sa tabi.
Mas malapit.
Napatingin ako sa kanya.
“Iniwan mo sila?”
“For a minute,” sagot niya, casual, pero ramdam ko na hindi talaga siya fully present.
Inabot niya ang tasa ko, saka siya humigop nang hindi nagtatanong.
“Hey,” reklamo ko agad.
“That’s mine.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Now it’s ours.”
Napailing ako, pero napangiti rin.
Sandaling katahimikan.
Pero hindi ito yung awkward na katahimikan.
Kundi yung katahimikan na may iniisip ang isa sa amin.
At alam kong siya iyon.
Napansin ko ang slight na pag-igting ng panga niya habang nakatingin siya sa labas, parang may iniisip na hindi niya sinasabi.
“Seb…”
mahina kong tawag.
Hindi siya agad sumagot.
“Hmm?”
“Are you going to tell me what’s really going on?”
Doon lang siya napatingin sa akin.
Diretso.
Malalim.
At sa mga mata niya—
nandun na naman yung Sebastian na hindi ko pa lubos kilala.
Controlled.
Calculated.
Then he exhaled slowly.
“I’m handling it.”
Simple.
Diretso.
Pero hindi sapat.
Napakunot ang noo ko.
“That’s not an answer.”
Bahagya siyang tumahimik, saka niya inilapag ang tasa.
Lumapit siya lalo.
Mas malapit.
Then he gently held my hand.
“Nothing is going to happen to you.”
Tahimik.
Hindi iyon sagot sa tanong ko.
Pero—
parang iyon ang pinili niyang ibigay.
Tinitigan ko siya sandali.
Sinusubukang basahin kung ano ang hindi niya sinasabi.
Pero tulad ng dati—
hindi madaling basahin si Sebastian Montemayor.
“Seb…”
mahina kong ulit.
Pero bago pa ako makapagsalita—
tumunog ang phone niya.
Pareho kaming napatingin.
At sa isang iglap—
bumalik siya sa mundo niya.
He stood up.
“I have to go back.”
Of course.
Napabuntong-hininga ako nang mahina.
“Of course you do.”
Lumapit siya ulit sa akin.
Hinawakan ang pisngi ko.
This time—
mas matagal ang halik niya.
Mas mabigat.
Then he rested his forehead against mine for a second.
“Stay here.”
Hindi na ako sumagot.
Hindi dahil ayaw ko.
Kundi dahil—
alam kong kahit sumagot ako—
ganun pa rin ang mangyayari.
Tumalikod siya.
At naglakad palabas ng dining area.
At naiwan akong mag-isa.
Umiinom ng kape na—
hindi ko na maalala kung mainit pa ba.
At sa gitna ng katahimikan ng umagang iyon—
isang bagay lang ang malinaw.
Something was wrong.
And whatever it was—
hindi niya pa handang sabihin sa akin.
Hindi nagtagal matapos siyang umalis sa dining area, narinig ko ang muling pagbukas ng pinto mula sa kabilang hallway—sunod-sunod na yabag, mabibigat pero kontrolado, yung tipong alam mong tapos na ang usapan at ngayon ay aksyon na ang kasunod.
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko, awtomatikong hinahanap siya sa mga pumasok—
at doon ko siya nakita.
Si Sebastian.
Nakaayos pa rin.
Kalma ang mukha.
Pero mas mabigat ang presensya.
Sa likod niya—
dalawang pamilyar na mukha.
At isa doon ay hindi ko pa lubos kilala.
“Bella,” tawag niya, sabay lapit sa akin, inilagay ang kamay niya sa likod ko, marahan pero possessive—parang sinasabi sa lahat ng nasa paligid na ako ang sentro ng mundo niya.
“Come here.”
Lumapit ako.
Tahimik.
Pero alerto.
“This is Marco,” sabi niya, tinuro ang lalaking matangkad, seryoso ang mukha, pero may respeto sa paraan ng pagtayo niya.
“Ma’am,” sabi ni Marco, bahagyang yumuko.
“He’ll be your driver,” dagdag ni Sebastian.
Sandaling pause.
Then—
“and your primary security.”
Napatingin ako kay Marco, saka kay Sebastian.
“Primary?” tanong ko, bahagyang nakakunot ang noo.
“Meaning…” hindi ko na tinapos.
“Meaning he stays with you,” sagot ni Sebastian, diretso.
Tahimik akong tumango.
Then—
napatingin ako sa isa pang lalaki.
Mas tahimik.
Mas hindi halata.
Kung hindi mo talaga papansinin, iisipin mong isa lang siyang staff.
“This is Betah,” sabi ni Sebastian.
Bahagyang tumango ang lalaki.
Hindi siya ngumiti.
Hindi siya nagsalita.
Pero yung mga mata niya—
mapanuri.
Mabilis.
Laging gumagalaw.
“He won’t stay beside you like Marco,” dagdag ni Sebastian habang bahagyang hinihigpitan ang hawak sa bewang ko.
“He observes.”
Napakunot ang noo ko.
“Observes?”
“He’ll be around,” paliwanag niya.
“Hindi mo siya palaging makikita, pero nandiyan lang siya.”
Napatingin ako kay Betah.
This time—
mas maigi.
At doon ko napansin—
yung paraan ng pagtayo niya.
Yung awareness niya sa paligid.
Yung katahimikan na hindi komportable—
kundi mapanganib.
“He’s your shadow,” sabi ni Sebastian, mas mababa ang boses.
Natahimik ako.
Then—
“Stay-in sila,” dagdag niya, mas casual na ulit ang tono, pero alam kong hindi iyon simpleng detalye.
Napalingon ako.
“Stay-in?”
He nodded.
“May sarili silang quarters sa likod ng bahay,” paliwanag niya habang inaakay ako ng bahagya papunta sa side ng living area, parang ipinapakita niya sa akin ang buong setup kahit hindi ko pa nakikita.
“Connected iyon sa main house,” dagdag niya.
“Dalawang access point—one from the first floor, one from the second.”
Napatingin ako sa kanya.
“Secret passage?” tanong ko, bahagyang disbelief ang tono.
He didn’t smile.
“For emergency purposes.”
Tahimik.
Biglang mas naging totoo ang lahat.
Hindi na ito simpleng pag-iingat.
This was preparation.
For something bigger.
Napahawak ako sa braso niya.
“Sebastian…”
mahina kong tawag.
Pero bago pa ako makapagtanong—
hinawakan niya ang kamay ko.
Mahigpit.
Sigurado.
“Nothing is going to happen to you,” sabi niya, mababa ang boses, pero malinaw ang bawat salita.
Matapos ang lahat ng usapan tungkol sa security, sa mga taong biglang naging bahagi ng araw-araw naming galaw, at sa mga bagay na kahit pilitin kong intindihin ay hindi ko pa rin lubos maabot—bigla na lang nagbago ang atmosphere ng araw.
Parang may switch na pinindot si Sebastian.
At sa pagkakataong iyon—
pinili niyang maging asawa ko.
Hindi CEO.
Hindi strategist.
Hindi yung lalaking kinatatakutan ng iba.
Kundi—
yung Sebastian na sa akin lang.
“Come,” sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko, sabay bahagyang paghila palayo sa living area.
Hindi na ako nagtanong.
Sumunod lang ako.
At doon nagsimula ang araw namin—
bilang mag-asawa.
Inilibot niya ako sa buong bahay, hindi lang basta tour kundi parang gusto niyang iparamdam sa akin na parte ako ng bawat sulok nito—na hindi lang ito bahay niya, kundi bahay namin.
From the grand living area…
hanggang sa dining hall na parang pang hotel ang laki…
hanggang sa private library na puno ng mga librong halatang hindi lang display kundi ginagamit niya talaga…
hanggang sa gym, indoor lounge, at iba pang bahagi ng bahay na hindi ko pa napapansin noong unang dating ko.
Pero hindi doon nagtapos.
Dinala niya ako sa second floor—
kung saan naroon ang mga kwarto.
Isa-isa niyang binuksan ang bawat pinto, ipinapakita sa akin ang loob, ipinaliliwanag kung para saan ang bawat isa—guest rooms, private suites, extra rooms na parang handa para sa mga taong hindi pa dumarating.
“Grabe…” napailing ako habang papasok kami sa isa na namang malawak na kwarto, halos kasing laki na ng dati kong apartment.
“Sebastian…”
napatingin ako sa kanya.
“Ilan ba ‘to?”
He looked at me, calm as ever.
“Ten.”
Napahinto ako.
“Ten? As in… ten bedrooms?”
He nodded.
“All in.”
Napatingin ako sa paligid.
Malawak.
Tahimik.
Sobra.
At sa isang iglap—
napatawa ako.
“Dalawa lang tayo dito,” sabi ko, bahagyang nangingiti habang umiikot sa gitna ng kwarto.
Tumingin siya sa akin.
Tahimik.
“Seb…”
dagdag ko, this time may halong biro sa boses ko.
“Kailangan siguro natin punuin ‘to…”
Napangiti ako lalo.
“Marami-raming anak ‘to para lahat ng kwarto may occupant.”
Tahimik.
Hindi siya sumagot.
Hindi siya ngumiti.
Hindi siya gumalaw.
At doon ko napansin—
nakatigil siya.
Completely still.
Parang may tumama sa kanya.
“Seb?”
napalingon ako sa kanya, bahagyang nagtataka.
Pero bago pa siya sumagot—
nakita ko sa mga mata niya—
hindi iyon simpleng reaction.
Hindi iyon dahil sa biro.
May ibang ibig sabihin.
Mas malalim.
Mas mabigat.
“Ayaw mo ng anak?”
Diretso kong tanong, hindi ko na napigilan, habang nakatingin ako sa kanya—hinahanap sa mga mata niya kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng reaksyon niya kanina.
Natigilan siya.
Hindi siya agad sumagot.
At sa ilang segundong katahimikan na iyon—
biglang may konting kaba na pumasok sa dibdib ko.
“I’m sorry…” dagdag ko agad, bahagyang umiwas ng tingin.
“Biro lang naman yun…”
Pero bago pa ako tuluyang makatalikod—
hinawakan niya ang kamay ko.
Mahigpit.
“Bella…”
mahina niyang tawag.
Napatingin ako sa kanya.
This time—
seryoso siya.
Hindi yung usual na calm, controlled, untouchable na Sebastian.
Mas personal.
Mas totoo.
“I didn’t say I don’t want kids.”
Napahinto ako.
“Then…?”
mahina kong tanong.
Dahan-dahan siyang huminga, parang pinipili niya nang maigi ang bawat salitang lalabas sa bibig niya.
“Not now.”
Tahimik.
Hindi iyon sagot na inaasahan ko.
Pero hindi rin iyon masakit.
Nalito lang ako.
“Why?” tanong ko, this time mas mahina na, mas maingat.
Lumapit siya.
Mas malapit.
Hinawakan niya ang pisngi ko, marahan, parang ayaw niya akong masaktan sa kahit anong sasabihin niya.
“Because I want you to myself first.”
Diretso.
Walang pag-aalinlangan.
Napatitig lang ako sa kanya.
“I just got you, Bella,” dagdag niya, mas mababa ang boses, mas mabigat.
“And I don’t want to share you… not yet.”
May konting ngiti sa labi niya, pero hindi iyon biro.
Totoo siya.
“I want to enjoy this,” patuloy niya, hinahaplos ang buhok ko.
“Us.”
“Our time.”
“Our life.”
Tahimik ako.
Nakikinig.
“No pressure,” dagdag niya.
“No responsibilities… except each other.”
Napalunok ako.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman.
Pero sa paraan ng pagsasalita niya—
hindi iyon pagtanggi.
Kundi—
pagpapahalaga.
“Gusto kong maranasan muna natin lahat…” dagdag niya, this time mas malambot na ang tono.
“Travel.”
“Work.”
“Fight.”
“Make up.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Everything.”
Dahan-dahan niyang idinikit ang noo niya sa akin.
“Before we bring someone else into this world.”
Tahimik.
Pero sa katahimikang iyon—
ramdam ko.
He wasn’t rejecting the idea.
He was protecting something.
“Okay…” mahina kong sagot.
Hinawakan ko ang kamay niya.
“I understand.”
Napatingin siya sa akin.
“Do you?”
Bahagya akong ngumiti.
“Medyo…”
Napangiti siya.
At this time—
umabot na sa mata niya.
“Good.”
Hinila niya ako palapit sa kanya.
Yinakap.
Mahigpit.