CHAPTER 15

2356 Words
Kinaumagahan. May marahang haplos sa buhok ko ang gumising sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata— at agad ko siyang nakita. Si Sebastian. Nakatayo sa gilid ng kama. Nakaayos na. Ready nang umalis. “Good morning, wife.” Napangiti ako kahit antok pa. “Good morning, husband.” Bahagya siyang ngumiti. Umupo siya sa gilid ng kama, hinawakan ang kamay ko. “I’m off.” Simple. Diretso. Parang ang dali lang. Pero hindi. Napahigpit ang kapit ko sa kamay niya. “Text me when you land.” Mahina kong sabi. “I will.” Tumango siya. “Stay close to Marco.” Napatingin ako sa kanya. “And don’t go anywhere alone.” Napabuntong-hininga ako nang bahagya. “Okay.” “Come straight home after work.” “Seb…” “Bella.” Mababa ang boses niya. Hindi galit. Pero final. Napangiti na lang ako. “Okay, husband.” Bahagya siyang ngumiti. Lumapit siya. At hinalikan ako. Maiksi. Pero malambot. Parang paalam na ayaw pahabain. “I’ll call you.” “I’ll wait.” Tumango siya. Tumayo. Then one last look. Yung tingin na parang ayaw pa niyang umalis— pero kailangan. “I love you.” Mahina. “I love you too.” Ngumiti siya. Then— lumabas ng kwarto. At sa sandaling sumara ang pinto— naiwan akong nakahiga. Tahimik. Pero ramdam ko pa rin— ang presensya niya. At ang bigat ng bilin niya. At work, hindi ko namalayan kung paano nagsimula ang araw— at kung paano rin ito tuluyang lumalim. From the moment I stepped into my office— diretso agad. Emails. Meetings. Calls. Sunod-sunod. “Ma’am, your 10 AM is here.” “Send them in.” “Ma’am, the revised proposal needs your approval.” “Leave it on my desk.” “Ma’am, urgent call from—” “I’ll take it.” Halos wala na akong pahinga. At sa bawat oras na lumilipas— mas lalo akong nawawala sa trabaho. Which is exactly what I needed. Distraction. Focus. Something— other than Sebastian. Pero kahit gaano ako ka-busy— may isang bagay na hindi ko maiwasan. Ang phone ko. Paminsan-minsan— napapatingin ako dito. Checking. Waiting. Until— nag-vibrate ito. Napatingin ako agad. Sebastian. Message. Seb: Landed. Hindi ko napigilan ang maliit na ngiti. Me: Good. Seb: Where are you? Napataas ang kilay ko. Me: Office. Working. Ilang segundo lang— Seb: Good. Stay there. Napairap ako. “Of course…” mahina kong bulong. Pero kahit ganon— napangiti pa rin ako. “Ma’am?” Napalingon ako sa secretary ko. “Yes?” “May visitor po kayo.” Napakunot ang noo ko. “I don’t have anything scheduled.” “She said… personal daw po.” Napahinto ako. Personal? “Who is it?” Bahagyang ngumiti ang secretary ko. “Claudine, ma’am.” Napangiti ako agad. “Send her in.” Hindi pa man tuluyang bumubukas ang pinto— alam ko na. “BELLA!” Napatawa ako nang malakas. “Claudine!” Pumasok siya, same energy as always—confident, lively, at parang walang pinagbago kahit gaano katagal kaming hindi nagkita. “Miss you!” sabi niya sabay yakap sa akin. “Miss you too,” sagot ko, natatawa pa rin. Lumayo siya, tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Wow.” Napataas ang kilay ko. “What?” “Mrs. Montemayor.” Napairap ako. “Don’t start.” Tumawa siya. “Grabe ka… you look different.” “How?” “Mas… glowing.” Napatawa ako. “Please.” Umupo siya sa harap ko na parang siya ang may-ari ng office. “So…” Nakatingin siya sa akin. “Kwento.” Napailing ako. “About what?” “About everything.” Napangiti ako nang bahagya. “Busy ako, Claudine.” She smirked. “I can see that.” Then— bahagya siyang yumuko. “Pero hindi mo ako maiiwasan.” Napatawa ako. “I know.” Tahimik sandali. Then— napansin niya ang pinto. At si Marco. Nakatayo sa labas. Tahimik. Alerto. Napataas ang kilay niya. “Bodyguard?” Napabuntong-hininga ako. “Yes.” “Wow.” Tumingin ulit siya sa akin. “Level up ka na talaga.” Napailing ako. “It’s not like that.” “Really?” Tinuro niya ang pinto. “You have a man waiting outside your office like that?” Napatawa ako nang mahina. “Sebastian’s idea.” “Of course it is.” Tahimik sandali. Then— bigla siyang ngumiti. “Let’s go out tonight.” Napatingin ako sa kanya. “Claudine—” “No.” Putol niya agad. “You need a break.” “I’m fine.” “No, you’re not.” Diretso. Napahinto ako. Dahil sa tono niya. Best friend. Kilalang-kilala ako. “Come on, Bella…” Mas lumambot ang boses niya. “Just dinner.” Tahimik. Napatingin ako sa phone ko. Then— napabuntong-hininga ako. “Fine.” Bigla siyang napangiti. “Yes!” “But just dinner.” “Of course.” Hindi ko nasunod ang sinabi ni Sebastian. Alam ko iyon. At habang nasa loob ako ng sasakyan kasama si Claudine, papunta sa restaurant na siya mismo ang pumili—isang upscale place sa Makati na halatang hindi rin basta-basta—hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang nakatingin sa phone ko. “Relax,” sabi ni Claudine, napansin agad ang itsura ko. “I am relaxed,” sagot ko, pero hindi ko naitago ang bahagyang pag-aalinlangan sa boses ko. “Talaga ba?” tinaasan niya ako ng kilay. Napairap ako. “Okay… maybe not.” Tumawa siya. “Girl, asawa mo lang yun. Hindi ka prisoner.” Hindi ako agad sumagot. Dahil kahit paano— hindi naman mali si Sebastian. Pero— “I just needed this,” mahina kong sabi. At iyon ang totoo. Pagdating namin sa restaurant, agad kaming sinalubong ng staff at dinala sa table namin—isang cozy corner, medyo private, perfect for catching up. Pagkaupo pa lang namin— automatic na nagsimula si Claudine. “So… spill.” Napatawa ako. “Wala pang five minutes, ah.” “Exactly. Kaya bilisan mo.” Umiling ako, pero hindi ko napigilan ang ngiti ko. Habang kami ay abala sa kwentuhan— si Marco— nasa likod lang. Hindi nakaupo sa table namin. Nasa medyo sulok. Tahimik. Pero kitang-kita ko— nakatingin siya sa paligid. Alerto. “Marco,” tawag ko, bahagyang lumingon sa kanya. Lumapit siya agad. “Yes, ma’am.” “Kumain ka na rin,” sabi ko, tinuro ang paligid. “I’ll be fine here, ma’am.” “Marco…” “I’m okay.” Diretso. Walang pag-aalinlangan. Napabuntong-hininga ako. “Fine.” Bumalik siya sa pwesto niya. Tahimik ulit. Pero ramdam ko pa rin ang presensya niya. “Grabe,” bulong ni Claudine, bahagyang lumapit sa akin. “Ang intense niya.” Napatawa ako nang mahina. “He’s just doing his job.” “More like he’s watching your every move.” Hindi ako sumagot. Kasi— totoo. Pero hindi ko na pinansin. Instead— binalik ko ang atensyon ko kay Claudine. “So, tell me about your new boyfriend.” At doon na tuluyang napunta ang gabi. Kwento. Tawa. Asaran. Yung tipong matagal ko nang hindi nararamdaman. Normal. At sa ilang sandali— nakalimutan ko. Si Sebastian. Yung bilin niya. Everything. Natapos ang dinner namin ni Claudine na puno ng kwentuhan at tawanan—namiss talaga namin ang isa't isa. Paglabas namin ng restaurant— napansin ko ang katahimikan. Hindi yung normal na gabi sa Makati na puno ng ilaw at tao— kundi yung side entrance ng restaurant kung saan kami inilabas ni Marco, mas secluded, mas pribado, at halos walang tao maliban sa ilang parked cars at mahinang ilaw mula sa poste. “Dito tayo, ma’am,” sabi ni Marco habang inuunahan ako papunta sa sasakyan. Napatingin ako sa paligid. Medyo madilim. “Stay close,” putol niya agad. Mababa ang boses. Alerto. Agad akong sumunod. Sa likod ko, si Claudine— “I’ll just wait here, susunduin ako ni Ethan,” sabi niya habang kumakaway. “Text me when you get home,” sagot ko. “Of course.” Hindi na kami nagtagal. Binuksan ni Marco ang pinto ng sasakyan para sa akin. “Get in, ma’am.” Akmang sasakay na ako— nang bigla— may humarang. Isang sasakyan. Mabilis. Biglang preno sa harap namin. “s**t—” bulong ni Marco. Bago pa ako makareact— bumukas ang pinto ng sasakyang iyon. Tatlong lalaki. Naka-bonnet. Mabilis ang galaw. Sabay-sabay. “Marco!” Pero huli na. May tumutok ng baril sa kanya. Diretso. “Don’t move.” Nanigas ako. “Stay behind me, ma’am,” sabi ni Marco, pero ramdam ko— kahit siya— alam na alanganin na. Isang lalaki ang lumapit sa akin. Mabilis. Mahigpit ang hawak. Hinila ako. “Let go of me!” Sigaw ko. Pero parang wala lang sa kanya. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko. “Sebastian—!” Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang pangalan na lumabas sa bibig ko. Pero iyon lang ang nasa isip ko. “Ma’am!” sigaw ni Marco, pero hindi siya makagalaw—nakatutok pa rin ang baril sa kanya. Kinakaladkad ako. Palayo sa sasakyan. Papunta sa kanila. Nanginginig ang buong katawan ko habang pilit akong kumakawala. “Help! Let go of me!” Pero walang sumasagot. Walang tao. Walang makakarinig. Ibinukas nila ang pinto ng sasakyan nila. “Get her in.” Malamig ang boses. Walang emosyon. Pinilit nila akong isakay. Pero lumaban ako. Sumipa. Sumigaw. “NO!” At sa mismong sandaling iyon— Pfft. Isang mahinang tunog. Hindi malakas. Hindi tulad ng normal na putok ng baril. Pero sapat para mapatigil ang lahat. Napabitaw ang lalaking humahawak sa akin. “—what the—” Pfft. Isa pa. Tahimik. Pero deadly. Biglang nagpanic ang mga lalaki. “Sniper—!” “Move!” Nagkagulo sila. Nagtinginan. Then— tumakbo. Iniwan ako. Sumakay pabalik sa sasakyan nila— at mabilis na umalis. Naiwan ako. Nanginginig. Hindi makagalaw. Hindi makahinga. Then— mula sa anino sa gilid ng alley— may lumabas. Isang lalaki. Naka-itim. Kalma. Hawak ang baril— may silencer. Si Betah. Hindi ko siya nakita kanina. Pero nandun siya. Buong oras. Watching. Waiting. Lumapit siya sa akin. Mabilis. Pero controlled. “Ma’am.” Mababa ang boses. “Are you hurt?” Hindi ako agad nakasagot. Nanginginig pa rin ako. Then— bigla akong napayakap sa kanya. Mahigpit. “They tried to take me…” Mahina. “I know.” Kalma. “Not happening.” Sa likod namin— dumating si Marco. Mabilis. “Ma’am—!” Lumapit siya agad. Tinitigan ako. Checking. “Are you okay?” Tumango ako. Pero hindi ako sigurado. Dahil kahit tapos na— ramdam ko pa rin. Yung takot. Yung pangyayari. At higit sa lahat— yung realization. Hindi ito random. May target sila. At ako iyon. At sa pagkakataong ito— alam ko na— hindi na ito simpleng babala. Pagdating namin sa bahay— hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko. Kahit ligtas na ako. Kahit nandito na ako. Hindi pa rin kumakalma ang dibdib ko. Parang naririnig ko pa rin— yung yabag. yung sigaw. yung mahihinang putok ng baril. Nasa kwarto na ako ngayon. Pero hindi ako mapakali. Palakad-lakad ako sa loob, yakap ang sarili ko habang pilit hinahabol ang hininga ko, pero kahit anong pilit kong kumalma— hindi ko magawa. “Ma’am, you should rest,” sabi ni Marco mula sa pintuan. Umiling ako agad. “I’m fine.” Pero hindi iyon totoo. Kitang-kita naman. “Stay outside,” sabi ko, mas mahina na ang boses ko. Tumango siya. Hindi na kumontra. Pagkasara ng pinto— lalo akong natahimik. At doon— pumasok sa isip ko. Sebastian. Mabilis kong kinuha ang phone ko mula sa kama. At nang makita ko ang screen— nanlaki ang mata ko. 12 missed calls. Lahat— siya. Napahigpit ang hawak ko sa phone. “s**t…” Kanina pa. Habang nasa restaurant ako. Habang tumatawa ako. Habang hindi ko siya pinapansin. Napaupo ako sa gilid ng kama. Biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi lang sa takot— kundi sa guilt. Mabilis kong dinial ang number niya. One ring. Two. Three. Wala. “Come on…” Mas lalo akong kinabahan. Sinubukan ko ulit. This time— mas mabilis ang t***k ng puso ko. Pero ganon pa rin. Hindi siya sumasagot. “Why aren’t you answering…” Mahina kong bulong. Bigla akong tumayo. Hindi mapakali. Naglakad papunta sa bintana. Tumingin sa labas— parang may hinihintay. Hindi ko alam kung ano. Kung sino. Then— muli kong tinawagan. Pero— wala pa rin. At sa sandaling iyon— lalo akong kinabahan. Dahil alam ko— hindi siya yung tipo ng tao na hindi sumasagot. Lalo na— kung ako ang tumatawag. Napahawak ako sa dibdib ko. Mabigat. “Seb…” Mahina. Akala ko hindi ako makakatulog. Sigurado ako doon. Dahil kahit nakahiga na ako sa kama, yakap ang sarili ko, pilit pinapikit ang mga mata ko— hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari. Yung kamay na humila sa akin. Yung baril. Yung sasakyan. At yung pakiramdam— na ilang segundo na lang— mawawala ako. Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Huminga ako nang malalim. “Calm down…” mahina kong bulong sa sarili ko. Pero hindi ko mapigilan. Kahit ipikit ko ang mga mata ko— nandun pa rin. Yung takot. Yung kaba. At yung guilt— dahil hindi ko sinunod si Sebastian. Hindi ko alam kung ilang minuto— o ilang oras— ang lumipas. Dahil sa kabila ng lahat— nakatulog ako. Hindi ko namalayan kung kailan. Hindi ko namalayan kung paano. Basta— bigla na lang. Napagod ang katawan ko. Napagod ang isip ko. At kahit hindi ako payapa— dinala ako ng pagod sa tulog. Pero kahit natulog ako— hindi pa rin ako ligtas. Dahil kahit sa panaginip— hinahabol pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD