Pretending that I forgot his birthday

4275 Words
"Come in Ashley. Pasok ka." Pagkatapos kong kumatok ay pinatuloy ako ni Ate Ava sa kanilang bahay. "Uh, Ate Ava, kasama ko po si Ate Maxine. Kapatid ko po sya." inunahan ko na si Ate Ava. Alam ko naman kasi na magtatanong sya kung sino any kasama ko ngayon. Ngumiti si Ate Ava kay Ate Maxine, nakikipagkaibigan. "I'm Ava. Please to meet you." sabi ni Ate Ava pagkatapos maisara ang pintuan. Ngumiti rin naman si Ate Maxine sa kanya. Palagay ko nga'y magkakasundo silang dalawa sa ibang bagay. Pinangunahan ni Ate Ava ang daan patungo sa kanilang living room. Kami ay nasa likod lamang nya, pinapanood ang bawat kilos na kanyang ginagawa. Ate Ava was wearing a black and white striped short, black and white striped shirt and a piece of house slippers. On the other hand, I was wearing a denim shorts with a designer belt on, purple crop topped shirt with a design of butterfly and then I put my denim jacket on. Ayaw kasi ni Aldwin na nagsusuot ako ng maiikling damit. Napaka conservative noon e. Si Ate naman ay nakasuot ng blue jeans, white lace-up crop top shirt at denim jacket. Tinatamad pa nga syang sumama sa'kin pero napilit ko sya. Pinaupo kami ni Ate Ava sa couch na nasa living room. She asked us what we want to eat or drink so we replied that a water was enough. Magrereklamo pa sana si Ate Maxine pero sinamaan ko sya ng tingin. Ipinaalala ko sa kanya na ilugar nya ang kakapalan ng mukha nya. She seems to understand what I wanted to say because she accepted her defeat. Nagpaalam muna si Ate Ava na kukuha sya ng tubig sa kitchen. Tumango lang kami ni Ate Maxine. Tahimik lang kaming nag-intay sa pagbabalik ni Ate Ava. After several minutes ay umupo na rin si Ate Ava sa couch upang pag-usapan ang dahilan kung bakit ako nandito sa kanila. Uminom muna kami ni Ate Maxine ng tubig dahil uhaw na rin naman kami. "Ate Ava, nandito ako dahil kailangan nating magplano para sa birthday ni Aldwin." straightforward na sabi ko. Ate Ava was alarmed. She was a little surprised. "Oo nga pala!!! September 11 na ang birthday ni Aldwin!!!!" she sounded so excited so I put my index finger to my mouth, indicating that we should stay quiet because Aldwin might hear us. "Wala rito si Aldwin kaya hindi nya ito malalaman." medyo nawala ang kaba ko nang marinig ko iyon. What a relief! But wait... "Naglalaro 'yon ng basketball kasama tropa nya. Mamaya pa siguro ang uwi no'n." I was about to asked her but she answered first. "Si Aldous lang ang nandito sa bahay." dagdag pa ni Ate Ava. Nasiko ako ni Ate Maxine nang biglaan nyang inilapit ang mukha nya kay Ate Ava. Kanina lang ay bagot na bagot sya pero nang makarinig ng pangalan ng lalaki ay bigla syang ginanahan. "Sino si Aldous? Gwapo rin ba sya katulad ni Aldwin? Kasing-edad ko lang ba 'yon? Sa tingin mo, sya na kaya ang the one ko? May abs kaya sya?" bahagya kong siniko si Ate Maxine. Ako na ang nahihiya sa lahat ng pinagsasasabi nya. Mabuti na lamang at natatawa si Ate Ava sa mga tanong ni Ate Maxine. "100% sure na pasok sya sa standards mo." hindi ko alam kung sinasakyan lang ni Ate Ava ang trip nya o ano. "Magkwento ka naman tungkol sa kanya." bahagyang inuga ni Ate Maxine and katawan ni Ate Ava kaya't tuluyan na akong kinain ng hiya. Bakit ba kasi sinama ko sya rito? "Ate, nandito tayo para magplano hindi para lumandi, ha?" sarkastikong pagpapaalala ko sa kanya. Sumimangot sya na parang isang bata ngunit bandang dulo ay sumuko rin sya. Nagsimula na kaming magplano. Hindi naman sobrang creative 'yung paraan ng pangsusurprise ko sa kanya. Basta gusto ko lang na isorpresa sya. Bahala na kung ano ang magiging reaksyon nya. Ang mahalaga ay nageeffort ako bilang soon to be girlfriend nya. "So, Friday ang birthday nya. By that day, after class, ay dumederetso 'yon sa court para magpractice ng basketball. So, by Friday ay dito ka uuwi instead na sa house nyo? Am I right?" Ate Ava asked. "Tumpak Ate!" I energetically answered. May sinusulat si Ate Ava na kung ano sa small notebook nya. Hindi ko alam kung ano 'yon kaya hinintay ko na lang syang matapos. Si Ate naman ay nakaub-ob lang sa unan, bagot na bagot na talaga. May mga oras pa nga na pumupungay-pungay ang mga mata nya. May balak pa yata syang matulog dito. "Here. Nacompute ko na ang lahat ng expenses mo. Ang total nya ay maximum of 5000 and minimum of 3500." iniharap ni Ate Ava and notebook sa'kin. Bahagyang lumaki ang mga mata ko dahil ang laki pala ng perang magagastos ko. Ang hirap palang magbudget ng pera. Kulang na kulang and ipon ko. "Ang sakit pala sa bulsa." nag-iiwas ng tingin na bulong ko sa'king sarili. Tumawa naman si Ate Ava marahil dahil narinig nya ang aking sinabi. "Ate Ava, I-cancel mo na 'yung tarpaulin. Magtarpapel na lang tayo para less gastos. And then..." I paused, reviewing the different stuffs that Ate Ava wants to buy. " 'wag na rin tayong mag gelatin at leche flan. Bumili na lang tayong ice cream para sa dessert. Ayos na 'yon Ate." I gave her a thumbs up. "You don't have to worry. I'll pay for everything." galanteng ani Ate Ava. I protest on what she said but she said so many words to make me agree to her. She has a point though. She was a teacher so she has the ability to pay for everything. Aldwin was her own brother so she wants to treat him something special. "By the way, do you have a plan to sleepover on Friday?" tanong ni Ate Ava. Katatapos lang naming magplano kung paano namin isusurprise si Aldwin. "Wala Ate. Uuwi rin ako kaagad pagkatapos ng party." I answered. Ate Ava gave me a small nod. Nagpaalam sya sa'min na igagawa nya kami ng meryenda. She also offered to join them in lunch but I refused. Uuwi na rin naman kami. Pinilit lang talaga ako ni Ate Ava na magmeryenda kaya't wala na akong dahilan para tumanggi pa. "Oh, Aldous. Kamusta sugat mo?" nakasalubong ni Ate Ava si Aldous na naglalakad papunta sa direksyon namin. Nakaboxers lang ito at wala syang kahit anong damit na pang-itaas. Awtomatiko namang nag-angat ng tingin si Ate Maxine kay Aldous. Sinamba na nya agad ang pagkamatipuno ng kapatid ni Aldwin. "Ayos na ako." walang ganang sagot ni Aldous. Napuno agad ng pag-aalala ang aking mga mata nang malapitang makita ang sugat sa mukha nya. Medyo paga ang kanyang kaliwang pisngi at namumula rin ito. Umisod kami ng kaunti upang bigyan ng espasyo si Aldous sa couch. Manonood sya ng netflix kaya gusto nya pang humiga. Masama ang timpla ngayon ni Aldous dahil aware naman ako kung ano ang kahihiyan na ginawa nya sa school. I also understand how hurt he was knowing that Gwen likes Aldwin instead of him. I really understand the pain he was enduring. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi nakikisama si Ate Maxine sa mood ni Aldous. "Umalis ka nga sabi dyan. Hihiga ako. Bingi ka ba?" paos ang boses ni Aldous. Bigla tuloy akong naawa sa kalagayan nya. Sobrang hirap talaga kapag brokenhearted ka. Hindi lang puso ang naaapektuhan noon, kung hindi ang mood mo at ang buo mong pagkatao. Aldous was one of my example. At this moment, his personality changed a bit. Noon kasi ay binabati nya ako sa 'twing nakikita nya ako pero ngayon ay hindi na. He suddenly became a cold and ignorant person. Ganoon ang maaaring mangyari sa'kin kung sakaling saktan ako ni Aldwin. "Umalis ka kasi dyan. Matutulog ako. Sumasakit ang ulo ko." inda ni Aldous. "Ano namang pake ko?" nakikipagtalo pa si Ate Maxine. Minsan talaga, mas maangas pa sya sa isang lalaki. Napakatapang e. "Kung hindi ka aalis dyan, hihiga ako sa lap mo." pananakot ni Aldous. Hindi sya pinakinggan ni Ate Maxine dahil abala ito sa panonood ng netflix. Nalipat lang ang tingin nya kay Aldous nang tinotoo nya ang kanyang sinabi. Akala ko'y magagalit o masosorpresa si Ate Maxine ngunit parang nasiyahan pa ito. Hindi nga nagbibiro si Aldous dahil nakapikit sya habang hinihilot ang kanyang sentido. Masakit nga talaga ang kanyang ulo. Hinuli ni Ate Maxine ang kamay niya kaya't napamulat si Aldous. Nagtatanong na ang mga mata nito kay Ate Maxine. Hindi nagsalita si Ate Maxine bagkus ay hinilot na lang nya ang sentido ni Aldous. Sa una ay duda pa rin si Aldous sa kakayahan ni Ate pero nang masarapan ay nahimbing sya sa pagkakatulog. Hindi tumigil si Ate sa paghihilot sa sentido ni Aldous. Si Aldous naman ay nasasarapan dahil parehas na nakapikit ang kanyang mga mata. Dumating pa nga sa punto na humaharok na ito, himbing na talaga sa pagtulog. Kagaya ko ay nakatitig din si Ate sa mukha ni Aldous. Nilalaro nya ang buhok ng binata gamit ang kaliwang kamay. Ang kanang kamay naman nya ay ipinangsusundot nya sa mukha ni Aldous. Hinahawakan din nya ang parte ng mukha ni Aldous na may pass at sagot. Isang himala na mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Aldous kahit na sinusundot ni Ate ang pisngi. "Alam mo, crush na sana kita kaya lang isa kang basagulero kaya ayaw ko na sa'yo." nanlaki ang mata ni Ate Maxine nang mamataan na mulat na ang dalawang mata ni Aldous. "Edi mabuti. Ayaw ko rin naman sa'yo kaya parehas lang ang nararamdaman natin sa isa't isa. Don't worry, the feeling is mutual Ms." sarcasm was really obuse in his voice. Ate Ava called us to take a snack. It was lunch, actually. Kaya siguro sya natagalan dahil tanghalian na ang inihanda nya sa halip na meryenda. I did not complained at all. After eating lunch, I informed Ate Ava that I will be off now. Ate Maxine said that she will stay for some unknown reason. Mag-isa tuloy akong naglakad papunta sa highway. As I was walking, I saw Aldwin on the basketball court who was seating on the ball. He was wearing a basketball jersey. Pawis na pawis sya. Lalapit na sana ako sa kanya pero napatigil ako nang magsalita sya. "Hindi nya ba talaga alam na birthday ko na sa Friday? Konti na lang talaga, magtatampo na ako." he said which makes me laugh a little. I decided to went home because Aldwin continue playing basketball with his friends. Kumain ako ng hapunan since nakakain na naman ako ng lunch. After that, I decided to sleep early because I'm so exhausted. Kinabukasan, Monday, so may klase na naman kami. As usual, I was just listening to the teacher. There were also times that Aldwin was teaching me in Mathematics. Gano'n palagi ang nangyayari. Dumating ang araw ng Martes at Miyerkules kaya mas lalo pa akong nagiging busy. Same as Aldwin, busy din sya sa pag-aaral nya. "Sabay na tayo maglunch?" alok nya. I gave him a small nod and a smile. Dinala nya ang bag ko. Iniwan ko na ang mga libro ko dahil maglalunch lang naman kami. Kumain kami sa isang karinderya malapit as school. Inilibre ako ni Aldwin ng kanin at ulam kaya napangiti ako. Makakaipon ako nito ng maraming pera dahil palagi nya akong inililibre ng pagkain. Fried chicken and binili nyang ulam para sa'ming dalawa. Kalahating tasa lang ng kanin ang inorder ko. Nagda-diet kasi ako. Tahimik lang kaming kumakain. May mga pagkakataon na sinusulyapan nya ako kaya't nag-iiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko tuloy ay may dumi ako sa mukha. Pati pagnguya ko ay tinitingnan nya. Nakakainis na talaga! "Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan?" mataray na tanong ko habang umiirap sa kanya. "Wala lang. Bakit? Masama ba?" balik na tanong nya. "Kumain ka na nga lang dyan. Naiilang ako sa mga tingin mo." nag-iwas ako ng tingin. Sinunod nya nga ang sinabi ko pero nang magtagal ay tinitigan na naman nya ako. Tuloy ay mas lalo akong nairita. "Ano ba?" naaasiwang tanong ko. "Alam mo ba kung ano ang okasyon sa Friday?" he asked, the reason why I smiled secretly. So kaya pala sya tingin ng tingin sa'kin dahil itatanong nya kung naalala ko 'yung birthday nya. "Hindi." pagsisinungaling ko dahilan para mapasimangot sya. Thursday came and he did not even talking to me. Maybe he was angry thinking that I totally forgot his birthday. That's what he thought but the truth was I prepared a surprise party for me. "Happy birthday babe!" I exclaimed. I also throw a confetti right after I saw him entering the main door. "Happy birthday pre!!" his friends also greeted while messing Aldwin's hair. "Gago! 'Yung hairstyle ko!" Aldwin fixed his hair, laughing a little. "Blow the candle na babe and then make a wish." lumapit ako sa kanya upang mahipan nya ang kandila. He closed his eyes and then after that, he blow the candle. "Oy! Mga hinayupak kayo! Potek!!" natatawang sabi ni Aldwin, pinipigilan ang sarili na magmura. Paanong hindi sya magagalit e pinahidan sya nila Eron ng icing sa mukha? "Peace tayo pre. Birthday mo naman." pinahiran na naman ni Justin si Aldwin ng icing. Ang nangyari tuloy ay nagpapahiran na ng icing silang lahat. Kahit ako ay nakasali na rin. "Oy! Gago! Binaboy nyo na 'yung cake." tumatawa pa rin si Aldwin habang tumatakbo upang makatakas sa mga kaibigan. Ako naman ay nagpunta na sa lababo upang hugasan ang mukha ko. Bakit ba kasi ako nadamay rito? Pero okay na rin ito, kaysa naman sa maging killjoy. I help Ate Ava to serve the dishes that she cooked. Simple lang naman itong celebration na ito. May gold 'happy birthday' letter balloons for the decoration. And then, Ate Ava volunteered na sya na ang bahala sa mga pagkain. May trabaho naman sya kaya sya ang sumagot sa lahat. Actually, si Ate Ava lang ang nagdecorate nito. Dumating ako ay luto na ang mga pagkain. Eksakto namang cleaners sina Aldwin kanina kaya nauna akong nakarating sa kanya. And he did not know that I will throw a birthday party today. He was so clueless. "Uh... good morning po. E good afternoon po pala." I stand up when I saw Aldwin's father. Nakaupo na kami sa sofa sa may living room. Kumakain na ang lahat maliban sa'min ni Aldwin dahil pinupunasan ko ang icing na nasa mukha nya. "Gabi na jiha." mahinang tumawa ang ama ni Aldwin. "Ay oo nga po pala..." napakamot ako sa ulo, hiyang-hiya na talaga. Si Aldwin naman ay nageenjoy habang nakikita na natetensed ako. "Good evening po." I greeted politely. Aldwin's father smiled back and he glanced at Aldwin. "Happy birthday 'nak." said Aldwin's father. "Salamat Pa." Aldwin answered. "Ah, kain na po kayo do'n." magalang na sabi ko. Tinaas ng ama ni Aldwin ang kanyang kamay, pahiwatig na mamaya na. "May pupuntahan pa ako. Napaaway ang Kuya mo. Susunduin ko pa 'yon sa barangay." hinilot ng ama ni Aldwin ang kanyang sentido. Napatigil pa si Tito Fred dahil kinausap pa nya ang ibang kaibigan ni Aldwin. Siniguro nya muna na nag-eenjoy ang bawat isa sa kanila. Aldwin get some food for us. Kukuha sana ako ng sarili kong pagkain ngunit sinabi nya na magsalo na raw kami kaya hindi na ako nakatanggi. My friends weren't here. Inimbita ko naman sila but they did not make it. Others were busy and their parents did not allowed them to come. I must say that their parents were strict. "Anong iniisip mo?" I did not noticed that Aldwin was already here. He placed the plate on the center table. "Wala." I shook my head as an answer. Aldwin and I start to eat. I became uncomfortable when he trying to feed me but later on, I get to used to it. Thank God, our friends weren't watching otherwise they will tease us continously. After eating, Aldwin and I watched netflix inside his room. I thought, I gonna be able to spend more alone time with him but his friends ruin the perfect timing. Those jerk, really! They are getting into my nerves. Hindi ko na tuloy tinapos 'yung movie. I get so irritated because Aldwin's friends were so noisy. They were screaming so loud. I went out of his room to breathe some fresh air. Isinandal ko ang aking kamay sa railings dito sa may veranda. I was just standing, malayo ang tingin. I was thinking about Aldous and Aldwin. Did they fight? Bakit wala si Aldous ngayong birthday ng kapatid nya? Was he mad because of all people, Gwen likes Aldwin instead of him? Aish, why do I keep on worrying about that matter? Babalik na sana ako sa kwarto ni Aldwin kaya lang ay naestatwa ako nang maramdaman ang kamay ng kung sino sa likod ko. Niyakap nya ako ng mahigpit. His head was rested on my chin, the reason why I felt like someone tickling me. "Bitaw Aldwin." I whispered, afraid that his friends might hear or worst, saw us. I did not receive any respond from him. This guy! Pretending to be deaf na naman. "Aldwin, bitaw muna. Balik na tayo do'n." I said worriedly. "Nasa'n regalo ko?" he asked back, ignoring what I asked earlier. "Ano bang gusto mo?" I asked him. "Matamis mong oo." he hugged me so tight. "Ok." walang pakialam na sabi ko. Aldwin suddenly faced me with his excited expression. At the same time, he was confused. "Anong 'ok'?" he mimicked my voice earlier. "Sinasagot na kita." I smiled. I thought Aldwin will scream out of happiness but he was too silent. He bit his lower lip while staring at my face. He placed his index finger in his chin like he was thinking of something. "What are you thinking?" my brows furrowed. It was so unusual that he wasn't excited now that we are officially together. "Am I allowed to kiss you?" he stared at my lips while licking his. I looked away as my face heated but he pulled me closer to him. Without any warning, his lips met mine. I was caught off guard, thinking if I will going to pushed him away or I will just allowed him to kiss me. I was so nervous but he held the back of my head, stroking my hair in a reassuring way. His mouth was parting my shaking lips. He pressed his lips on mine and it feels so good... and right. "September eleven of two thousand and twenty one when our relationship became official." he stopped kissing my lips. I closed my eyes when he gave me a soft kiss in my forehead. Mabilis din na lumipas ang buwan. Wala naman masyadong kaganapan sa buhay ko. Ang aking atensyon ay nakatuon lang sa'king pag-aaral at syempre... sa'king boyfriend. Oh my God! Calling him as my boyfriend makes me want to consider myself as a lucky person! I never thought that he will like me back just like the way I like him. I never thought that my feelings will be reciprocated by him. I never thought that our feelings will become mutual. I was too lucky, am I? Many girls out there was being desperate para lang magustuhan sila ng taong gusto nila. Well, that is life. Minsan talaga, hindi tayo magugustuhan pabalik ng mga taong gusto natin. It's either, we are getting rejected or our feelings will be reciprocated. Gano'n lang naman kadali ang sistema ng buhay. Madaling intindihan pero masakit kapag ikaw mismo 'yung nakaexperienced. Maswerte na nga lang ako at nagustuhan din ako pabalik ni Aldwin. I don't know what will going to happen in the future but one thing for sure is that whatever happens, I will not let go of his hand. Natapos na rin ang third periodical exam namin. The results turned out so good so there's no need for me to worry for my grade. Noong nagfamily day ay wala namang masyadong nangyari. Hindi ko na pinapunta sila Mama dahil naiintindihan ko naman na busy sya lalong-lalo na si Papa. Nakalimutan ko palang ibigay ang sapatos kay Aldwin noong birthday nya kaya ibinigay ko na lamang 'yon noong christmas party na. Nagpalitan kami ng mga regalo ng mga kaklase ko noong christmas party. Si Aldwin ang nabunot ko kaya bale dalawang gifts 'yung ibibigay ko sa kanya. 'Yung isang pair ng sapatos ay para sa birthday nya tapos bumili ulit ako ng isa pang pares ng sapatos dahil sya ang nabunot ko. Tumayo ako dahil turn ko na para ibigay ang regalo sa nabunot ko. I was wearing a twinkle dress with a white blouse inside. Hanggang tuhod lang itong dress na suot ko. I was also wearing a white flat sandals and a white shoulder bag. "Sino ang nabunot mo?" Ma'am Cortez energetically asked. Kinuha ko ang microphone sa kanya. "Si Aldwin po." hindi ako matigil sa pagngiti. Ngumiti pabalik si Aldwin sa'kin, nang-aasar at nagyayabang. Nang tumayo sya para lumapit sa'kin ay tinukso na kami ng mga kaklase namin. Syempre, sa mga kaibigan ko, si Angel ang may pinakamalakas na sigaw. Si Justin naman ang nangunguna sa pagsigaw sa mga tropa ni Aldwin. Aldwin was wearing a white t-shirt na may naka print na A love A. He was also wearing a pants and a pair of white sneakers. Napansin siguro ng mga kaklase ko ang nakaprint sa t-shirt ni Aldwin kaya't mas lumakas ang mga sigawan. "Merry christmas babe." I smiled while giving the two paper bags to him. Actually, hindi pa naman pasko pero malapit na rin naman kaya binati ko na rin sya. He went closer to me to gave me a peck of kiss in the both of my cheeks. Mas lalong umingay ang buong classroom. "Merry christmas din babe." he greeted back habang ibinibigay ang dalawang paper bags sa'kin. Umupo na lang muna ako sa upuan ko dahil tatawag na raw ulit si Ma'am. Nakakahiya't center of attention na kami rito. Nagpalitan pa ng mga regalo ang iba kong mga kaklase. Pinagsalu-saluhan namin ang mga pagkain na dala ng bawat isa sa'min. Pagkatapos noon ay naglaro na kami ng iba't ibang mga games. Sari-sari ang pakulo ng class president namin. Naglaro kami ng bring me, group yourself, stop dance at marami pang iba. Hindi na sana ako sasali kaya lang ay pinilit ako ni Ma'am Cortez. Bawal daw kasi ang killjoy. Nabagot ako sa stop dance kaya sinadya kong magpataya. Nakakahiya kayang sumayaw! Si Eron ang nanalo sa stop dance. Itinaas nya ang ballpen na napanalunan nya. Tuwang-tuwa pa ang kumag! "The boat is sinking... group yourself into 2x+5, if x=5." ngumisi ang class president namin. Pisting yawa. Pinapahirapan pa kami e! Nabored ulit ako kaya't sinadya ko ulit na magpataya. Nanood na lang ako habang sila ay naglalaro. Sina Pats, Jake at si Aldwin na lang ang natira. Pahirap na ng pahirap ang mga equations kaya't nagsanib pwersa na silang tatlo sa pagsosolve. Ayon kina Jake at Aldwin, ang sagot 'daw' sa pagkahaba-habang equation na binigay ni Van ay '2'. Ibig sabihin noon ay papangkatin nila ang sarili nila sa dalawa. Nag pair-up sina Aldwin at Jake tapos si Pats ang walang kapartner. Akala ko'y sina Aldwin at Jake ang mananalo pero si Pats pa ang nanalo. '1' daw kasi ang sagot sa equation na binigay ni Van. Tuwang-tuwang kinuha ni Pats ang sketch book na prize na napanalunan nya. Mahilig syang magdrawing at magsketch. Samantala, si Jake at Aldwin naman ay sinisisi ang isa't isa. Mali kasi ang solve nila. Bago pa mag-away sina Aldwin at Jake ay pumagitna na ako sa kanila. Ang bababaw nila e. Nag-aaway sila dahil lang sa sketchbook. Ang immature. Naglaro na kami ng bring me. Wala ako ng lahat ng sinasabi ni Van. Puro school supplies naman kasi ang pinapadala nya. Ang iba ko ring mga kaklase ay nagrereklamo na. Sana naman daw ay huwag ng school supplies ang ipa bring me dahil wala naman kaming mga dalang gamit. "Okay, ganito na lang. Bring me, gwapong lalaki. And here's the twist, ie-explain nyo or simply, magbibigay kayo ng reason kung bakit nyo sya ikinoconsider na gwapo." said our class president. Biglang pumasok sa isip ko si Aldwin. Napatingin ako sa kanya. Awtomatiko akong napangiti habang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha nya. He was devilishly handsome. He looks even more handsome when he was smiling just like now. Sinusukat nya ang dalawang pares ng puting sapatos na regalo ko. He was an appreciative person, kaya sa kanya ako e. Ngumiti pa ng pagkaganda-ganda ang kumag kaya't lalo akong nainlove. Napatingin sa'kin si Aldwin. Tumayo ako upang hilahin sya para pumunta sa unahan. Nalilito akong tiningnan ni Aldwin pero hindi ko sya pinansin. "Eto na! Eto na sya!" inagaw ko ang atensyon ni Van. Napangiti sya nang makita kung sino ang hila-hila ko. "Si Aldwin ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo at sa paningin ko!" pag-amin ko. Sumigaw si Angel at si Justin. Sila talaga ang number one fan ng 'AshWin' loveteam. "Reason?" Van interviewed, kinikilig na rin. "Walang kahit anong dahilan. Gwapo sya kasi gwapo sya. Tapos ang usapan!" sabi ko dahilan para mamula ang dalawang tainga ni Aldwin. ➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡➡ ツ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD