SIMULA pa kaninang umaga ay hindi ko pa nakikita si Carlos. Sinubukan ko siyang hanapin sa buong campus nguni't hindi ko pa rin siya mahanap kaya umupo na lang muna ako sa isang bench malapit sa sidewalk. Mga ilang minuto akong umupo rito hanggang sa napilitan na akong umalis dahil sa presenya ng SLG na palapit sa akin. "And where the hell are you going on?" ang tigil sa akin ni Queenery habang nakahawak sa balikat ko. Wala akong nagawa kundi ang harapin sila. Naka-krus ang mga kamay nito habang nakangisi sa akin. "A-ano ang gagawin niyo?" ang utal na tanong ko. Hindi sumagot silang apat pero tumawa lang ang mga ito sa akin. "What do you think? Na may gagawin ulit kami sa'yo?" ang tanong ni Queenery. "A-ano ang gagawin niyo sa akin?" ang tanong ko ulit habang lumalakad paatras. Hin

