"GALIT ka ba?" Maliliit na halik ang ikinikintal ni RJ sa h***d na balikat ni Annalize habang nakatalikod siya rito at nakahiga nang patagilid.
"H-hindi. B-bakit naman ako magagalit? A-ako ang nagsimula. Inakit kita... t-tinukso—"
"Sshh, ano ka ba? Anong inakit, anong tinukso. Hindi ganoon iyon." Humigpit ang yakap ng mga braso nito sa kanyang baywang at hinapit pa siyang palapit upan maglapat ang mg katawan h***d sa ilalim ng kumot.
"P-pero ako ang ang nag-umpisa at—"
"Siguro nga, pero hindi naman ikaw ang tumapos kundi ako. Hindi ko na rin kasi kaya."
"R-RJ..."
"Sorry, alam kong bawal, mali. Hindi ako karapat-dapat sa iyo. Alangan ako sa kalagayan mo sa buhay. Pero pasaway din kasing puso ko. Ang totoo, alam ko na anumang oras ay bibigay ako... makakagawa ako ng mali, ng kapangahasan sa iyo. Kaya kung hindi mo iyon ginawa, alam kong isang araw, mapapatid din ang pagtitimpi ko."
"T-talaga?" marahan siyang humarap dito.
"Oo. Pero maniwala ka, hindi iyon simpleng pagnanasa lang. Mahal kita... mahal na mahal kita. Ikaw lang, sa iyo ko lang naramdaman ito. Walang ibang babaeng nakapukaw sa akin."
"Alam ko. Noong nakaburol ang nanay mo, nakakapagkuwentuhan kami ni Kulas. Mailap ka raw sa babae, suplado at masungit. Kahit iyong may ari ng isang building na pinasukan mo para mag-construction ay hindi mo pinansin ng magparamdam na type ka, sa halip ay nag-resign ka."
"Annalize..."
"Tapos, iyong anak ng operator ng dati mong nilalabasan ng jeep ay iniwasan mo rin nang diretsahang akitin ka."
"Oo nga, eh. Bukod kasi sa ayokong masabihan na oportunista, hindi ko sila type."
"Ako, type mo?"
Bahagyang natigilan si RJ.
"Type? Hindi, ah!"
"RJ—"
"Hindi lang kita type, mahal na mahal kita! Totoo iyon. Kaya ngayon, natatakot ako."
"Saan?"
"Natatakot akong magising sa panaginip na ito."
"R-RJ!"
"Alam ko, panaginip lang ito. Kaya ayoko nang gumising. Baka paggising ko, wala ka na sa tabi ko. Hindi ko yata kakayanin!" humigpit ang yakap nito sa dalaga, isinubsob ang mukha sa kanyang balikat at bahagyang napahikbi.
"RJ, ano ka ba? Hindi ito panaginip, totoo ito!"
"Ewan ko. Nang malaman kong ampon lang ako, na sanggol pa lang ako ay itinapon na ako ng mga magulang, sobrang sakit at galit ang naramdaman ko. Pakiramdam ko, hindi ko sila kayang patawarin. Pero ngayong kapiling kita, gusto ko silang pasalamatan dahil sa ginawa nila, nagkrus ang landas natin."
"RJ... huwag mo nang isipin ang kalagayan natin sa buhay. Hindi man tayo maunawaan ng mundo, baka matanggap naman tayo ng pamilya ko."
"Paano kung hindi?"
"Mababait sila, lalo na si Mama."
"Paano kung hindi?"
"RJ..."
"Kaya mo ba akong ipaglaban?"
Ilang sandaling natahimik ang dalaga...
"Annalize..." sa ilang sandali ay binalot ng kaba ang dibdib ni RJ...
"Sshh, kulang pa ba ang ginawa ko? Ako ang kusang tumawid sa nakaharang na pader sa pagitan natin, hindi ba? At hindi ko inakalang kaya ko iyong gawin. Sa palagay mo, ano pa ang mga kaya kong gawin para... paulit-ulit na maramdaman ang init ng pagmamahal mo?"
"Annalize... oh, Annalize, salamat! Salamat!" ang pag-asang ibinigay ni Annalize sa binata ay waring sapat na para muling mabuhay ang kapusukan at pananabik nito na paulit-ulit siyang maangkin...
Ang mga agam-agam sa kanilang dibdib ay nilunod nila sa tamis ng pagniniig na kanilang nasumpungan sa piling ng isa't isa...
______
TULALA ang mag-anak ng pagkaraan ng ilang buwan, iniharap sa kanila ni Annalize ang lalaking nais pakasalan dahil buntis na siya... sa binatang kamukhang-kamukha ni AJ...
"Anne, pakakasal ka sa kanya dahil kamukha ko siya, ganoon ba?" bahagyang mataas ang boses ni AJ ng sa wakas ay nagawa nitong magsalita.
"K-Kuya AJ, hindi! Nagkataon lang na—"
"Pero ano iyan? Isang driver na... oh, I'm sorry, ayokong manghamak ng kapwa, pero—"
"S-stop it, A-AJ!" pero iba ang reaksiyon ni Jessielyn, kumikinig ang tinig, nangingilid ang luha habang titig na titig sa mukha ni RJ, kayhigpit din ng hawak ng ginang sa asawang si Andro na halatang gulat na gulat din.
"Ma..."
"Tama ang mama mo, AJ, huwag ka munang magbitaw ng kahit na anong salita."
"Pa!"
"R-RJ... ang pangalan mo?" mayamaya ay marahang humakbang si Jessielyn palapit sa binata.
"Oho..." lihim na nagugulat si RJ sa kakaibag reaksiyon ng ginang, lalo sa mga mata nitong nangingislap na sa luha.
"Jessie, calm down, baka mali!" agad namang sumunod si Andro sa asawa at bumulong.
"A-Andro... n-nagkataon lang ba?" pahikbing bumaling ito sa lalaki.
"Jessie..."
"M-malay mo, baka ito na."
Napabuntong-hininga na lang ang lalaki.
"R-RJ... s-sinong mga magulang mo?"
"Ah... patay na ho ang nanay ko."
"Ang t-tatay mo?"
"Ah..." litong napabaling ang binata kay Annalize.
"M-ma, please, h-huwag ninyo namang—"
"H-hindi mo ako naiintindihan anak. P-pabayaan mo muna ako... m-may nais lang ako... tiyakin."
"Ma..."
"P-please..."
Napayuko na lang si Annalize, nagpatuloy naman si Jessielyn sa paglapit sa binata...
"K-kamukhang-kamukha ka ni AJ..." tumaas ang kamay ng ginang para haplusin ang pisngi ni RJ.
"Ah... nagulat din ho ako. Sinabi na ni Annalize na kamukha ko ang kanyang kuya, pero hindi ko rin inaasahan na hindi ko lang siya simpleng kamukha... kundi kamukhang-kamukha."
"A-ang pangalan mo, saan mo nakuha?" napasibi ang ginang, lumamlam ang mga matang lumuluha habang patuloy na hinahaplos ang pisngi nito.
Dumukot sa bulsa si RJ at kinuha ang lisensiyang nasa wallet at iniabot sa ginang...
"Eto ho ang buo kong pangalan, Richard James... El Greco..."
"H-ha?"
"E-El Greco?" maging si Annalize ay nagulat.
Sa ilan buwang pagkakakilala nila ng binata, at sa mga namagitan sa kanila, bakit ba hindi niya naitanong kahit minsan kung ano ang apelyidong ginagamit nito.
"Oh God! Sinong n-nagbigay sa iyo ng—"
"Ang Inang Julia ko ho, ang babaeng nakapulot sa akin sa ilalim ng isang puno."
"N-napulot ka?"
"Oho. Alam ni Annalize na malabo ang pagkatao ko, pero tanggap niya. Kung hindi ninyo ako kayang tanggapin, wala ho akong magagawa—"
"Anak! Baka ikaw nga! Oh God! Baka ikaw nga ang kakambal ni AJ!"
"Ho?" sa pagkagulat ni RJ, at ng lahat, biglang niyakap ni Jessielyn ang binata.
"Ma, anong ibig sabihin nito?" lalong nalito si Annalize.
"Maupo tayo, ipapaliwanag namin sa inyo ang lahat," pilit na hinamig ni Andro ang sarili upang payapain ang lahat...
________
THE DNA test is positive...
"Oh God! Oh God!" na lalong ikinabigla ni Annalize..
"A-anak, I'm sorry, pero itinuring ka naming tunay na anak, minahal ka namin talaga. N-nang hindi na namin mahanap ang kakambal ni AJ, ikaw na lang muna ang inampon namin at pinalabas na kakambal niya. Kahit na hindi pa rin kami tumitigil sa paghahanap sa nawalay kong kambal, at idinemanda namin ang ospital, patuloy kitang inalagaan. Kung wala ka siguro, baka hindi ako naka-survive na nawalan ako ng isang anak."
Napahikbi na lang si Annalize, napakasakit ng katotohanang iyon na malamang hindi pala siya tunay na anak...
Pero may dapat ba siyang ipagpasalamat...
"Anne, wala namang mababago, hindi ba? Pakakasal ka pa rin sa akin, dahil isang El Greco ang isisilang mo at mahal natin ang isa't isa, hindi ba?" humihingi ng kasiguruhan ang tinig ni RJ.
"B-baka hindi na ako karapat-dapat sa—"
"Huwag mong sabihin iyan... kahit sa isip, huwag na huwag mong paniniwalaan iyan! Kapag iniwan mo ako, mamamatay ako!"
"R-RJ!"
"Mahal na mahal kita, alam mo iyan, hindi ba?"
"O-oo, pero ang aking ina, s-siya ang dahilan ng mga taong nagdusa ka at naghirap—"
"Hindi! Siya ang dahilan kaya nakilala kita. Kaya ngayon ay maligaya ako at magkakaanak na tayo! Kapag nakita ko siya, magpapasalamat ako sa kanya."
"T-talaga?"
"Anak, tanggapin na natin ito lahat. Patawarin mo na ang iyong ina. Naiparamdam ko naman sa iyo ang pagmamahal ng isang ina, at ng papa mo, ng Kuya AJ mo. At ngayon, ang pagmamahal ni RJ... at ng magiging anak mo."
"M-ma... may kailangan kayong malaman."
"Ano iyon?"
"S-si Aling Sofia... ang pasyente ko, baka siya... ang aking ina."
"Ha?"
"Annalize, paano mo nasabi iyan?" maang na tanong ni RJ.
"N-noong huli ko siyang makausap, sinabi niya sa akin na ang pangalan daw na nakasulat sa damit ng sanggol na nadampot niya ay katunog ng El Greco. Hindi lang d-daw niya masyadong matandaan," pahikbing wika ng dalaga.
"Oh God! Kailangang makausap at makita ko siya! Natatandaan ko pa ang itsura ng babaeng kasabay kong nanganak sa ospital na iyon noon nang abutan ako ng pagli-labor sa biyahe kaya doon ako nasadlak! Baka nga siya!"
_______
"I'M SORRY, bukod sa karamdaman niya sa pag-iisip, alam mong may sakit din siya sa puso. Tumaas din ang kanyang BP at blood sugar. Hindi siya... nakaligtas sa unang atake."
"N-no! No!" hindi maipaliwanag ni Annalize kung ano ang mararamdaman.
Ngayong tiniyak ni Jessielyn na si Sofia nga ang babaeng nakasabay nitong nanganak sa ospital at tumangay kay RJ, nagdudumilat na sa kanya ang katotohanang wala na siyang magagawa kundi tangisan ang pagkamatay ng inang hindi man nakapiling, naramdaman naman niya kahit na sandali ang pagmamahal sa kanya sa mga sandaling hinahaplos nito ang kanyang buhok, o hawak ng mahigpit ang kanyang kamay...
"Anne, tahan na, ha? Ipagdasal na lang natin siya... at tanggapin ang nangyari. Narito lang ako, ang mga magulang ko, at ang batang isisilang mo. Ganito ang gusto ng Diyos para sa ating lahat... ikaw at ako, ang anak natin, at ang mga magulang ko, magsasama-sama tayo, ha? Mahal na mahal kita. Kapalaran ang nagtagpo sa ating dalawa, at alam ko, kapalaran nating magkasama habang buhay... "
"R-RJ! RJ!" napahagulgol na lang si Annalize nang yumakap sa binata...
Malungkot man at masakit ang katotohanan, isa lang ang sigurado, sa piling ni RJ, magiging maligaya pa rin siya sa hinaharap...
WAKAS
#Next... The Love Story of AJ and Xiandra