EL GRECO-FOREVER-LOVERS THRU ETERNITY
The Story Of AJ and Xiandra
He's a pilot, he can fly high... he can get what he wants... and with his handsome and gorgeous look, a dashing debonaire... girls go crazy about him and willing to jump into his bed in a single snap of his finger. But he didn't go for a casual s*x or fling. He's a hopeless romantic. Isang ideal at seryosong relasyon ang nais niya, an ideal girl or wife ang nais niyang ihatid sa harap ng altar... a submissive and vulnerable one that he's the one whose going to protect. Then he met Xiandra, a woman of the world, a little bit happy-go-lucky, an ultra-modern... an advocate of gender equality. So, she's a biggest turn-off for him. Pero isang gabi, naganap ang hindi inaasahan... and from that moment, hindi na siya makakapayag na hindi maging kanya habang buhay ang dalaga... even if he need to move heaven and hell...
Kabanata 1
NAGSIMULA nang lumapag sa runway ng NAIA ang dambuhalang jumbo jet...
Ilang sandali pa, isa-isa nang nagbabaan ang mga sakay niyon...
Kabilang si Aaron James, ang piloto ng naturang jumbo jet.
"Hi, AJ!" malambing na bati sa binata ng pinaka-sexy at pinakamagandang flight attendant na kasama niya sa flight na iyon nang makababa na siya ng hagdan ng eroplano matapos makababa ang lahat.
"Oh, hi, Sarah!" kaswal na tugon ni AJ, bahagyang nakangiti at maaliwalas naman ang mukha ng binata bagama't walang mababakas na pagtugon sa animo nagpi-flirting at nanghihibong ngiti at kislap ng mga mata ng babae.
Hindi rin siya nag-abalang huminto at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa arrival area habang hila ang kanyang trolley.
"Where are you going now? Next week pa ang susunod nating flight. Any plan kung saan ka magbabakasyon?" sumabay ito sa paglalakad niya bagama't sinisigurong makembot ang pag-imbay ng balakang at liyad na liyad ang dibdib na humahakab sa uniporme nitong black and pink.
And no doubt, she's one hot babe na walang lalaking hindi mabibighani.
"Well, I don't have plan yet. Anyway, okay lang naman ako sa bahay namin, or maybe uuwi ako sa province to visit my elders. Alam mo namang wala akong hilig na maglamyerda after ng flight ko. Mas gusto kong magpahinga sa bahay na kasama ang family ko o umuwi sa aming probinsiya."
"Really? Baka naman gusto mo akong samahan sa Baguio? Plano ko sanang umakyat para makapanood naman ng Panagbengga Festival doon."
"Oh, I'm sorry, Sarah, ayoko nang bumiyahe patungo roon. Isa pa, katakut-takot na traffic lang ang susuungin natin doon. Mas gusto ko talagang maglagi sa bahay." Nagpatuloy pa rin sa paglalakad ang binata.
"Ikaw talaga, napaka-home body mo. Aren't you bored with your life? Mula nang magkasama tayo sa flight last year, hindi ko nakitang lumihis ka sa routine mo. Madalas kitang yayain na samahan akong mag-out of town para naman makapag-relax, pero ayaw mo." Bahagyang napasimangot ang magandang babae.
"Wala talaga akong hilig sa mga ganyang lakad. And besides, kung saan-saang bansa na nga ako nakakarating bilang piloto, kaya sawa na rin ako sa pamamasyal."
"Hay, ang hirap mo talagang yayain. Anyway, samahan mo muna akong mag-coffee diyan sa Starbucks, o! Para naman makapagkuwentuhan tayo ng mga bagay-bagay tungkol sa mga sarili natin. Tagal na nating magkasama sa flight, but still, we don't have any chance to getting to know each other and—"
"Oh, I'm really sorry, Sarah! Bago ako bumaba ng airplane kanina ay nakatawag na sa akin si Mama! Naghihintay siya sa bahay dahil ipinagluto daw ako ng favorite kong ulam. Isa pa, nagpadala siya ng driver na susundo sa akin para daw hindi na ako mahirapang magbiyahe."
"Pero—"
"I'm really sorry, huh! Maybe some other time na lang. Excuse me, ha? Naghihintay na sa waiting area ang driver ko. Mauna na ako sa iyo."
"AJ—"
Pero nagmadali na sa paghakbang ang binata palayo rito hanggang mahalo na sa karamihan ng mga pasaherong palabas...
"Well, what did I said to you, ha?" nakangising wika ng isa pang flight attendant na nakasunod pala sa kanila.
Sexy rin ito at maganda, sopistikada ang tindig at malakas ang dating.
"O, bakit? Mangangantiyaw ka na naman, Ingrid?" napairap si Sarah sa babae.
"Kasi naman, sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Mahirap ma-hook ang isang kagaya ni Aaron James El Greco. Ilan na kaming sumubok na magpa-cute sa kanya bago ka pa dumating. Pero lahat kami, walang napala. Mailap siya sa mga babae. Kahit na gaano ka-sexy at kaganda, no pansin. Kahit nga iyong ilang pasahero na foreigner or mga beauty queen na nagpapa-cute sa kanya kapag nakikita siya, walang dating."
"Hmp! Hindi lang mukhang mama's boy ang lalaking iyon, mukhang bading din!"
"Oy, ano ka ba? Isa siyang El Greco, at wala sa lahi nila ang bading."
"Eh, bakit ganoon siya? Wala ba siyang mga mata. Hindi ba niya nakikita kung gaano kaganda at ka-sexy ang mga kagaya natin?"
"Well, maybe may hinahanap siyang kung anong katangian sa isang babae kaya siya ganoon? May nagbulong sa akin na isang kaibigan na girlfriend naman ng barkada niya. Hopeless romantic daw si Aaron James. Conservative. Biggest turn-off sa kanya ang mga modernang babae. Gusto daw niya sa isang relasyon ay iyong pangmatagalan, isang ideal na realasyon."
"Ganoon? So, mag-iiba ako ng style? Kailangan ba ay magpakamanang ako, hindi na magpa-sexy, magpa-demure sa harap niya para naman mapansin niya?"
"Well, kung kaya mo ba? But I don't know kung ilang percent ang effect."
"Hmp! Ah, basta! Gagawa ako ng paraan! By hook or by crook, he will be my man!"
"So, goodluck! Basta walang sisihan at walang iyakan sa bandang huli, ha!"
"OH!" pahinamad na isinandig ni Aaron James ang likod sa likurang upuan ng kotse at pumikit.
"Inaantok ba kayo, Sir?" nakangiting tanong ng driver na si Mang Jose.
"Konti! Kumusta sa bahay?"
"Ayos naman, Sir! Nasa bahay ang mag-asawang RJ at Annalize dahil alam nilang darating ka ngayon."
"Talaga ho?" bahagyang sumigla ang tinig ng binata at napaayos ng upo. Kumusta na ho si Annalize? Malaki na ba ang tiyan? Si RJ ho, nakakapag-adjust na ba sa kanyang bagong buhay?"
"Aba'y oo naman! Matalino ang kakambal mo. Sabi nga ng mama at papa mo ay likas na maabilidad at kayang iakma ang sarili sa paligid. Bukod sa pagkuha niya ng advance sa Business Management, personal din siyang tinuturuan ng papa mo sa pamamahala sa office. Si Ma'am Annalize naman ay nag-leave na sa ospital dahil manganganak na next month."
"Wow! Makikita ko na pala ang pamangkin ko!" lalong nakadama ng excitement si AJ sa narinig...
Kaya pala mahal na mahal ko noon si Annalize at alagang-alaga ay siya ang magiging asawa ng tunay kong kakambal. I have no regrets na minahal at inalagaan ko siya nang husto. At kahit nalaman kong hindi ko siya tunay na kakambal, I still love her as my twin sister not just as sister-in-law. Well, that's why I believe in destiny... and forever. Sino ba naman ang mag-aakalang magiging sila. Ang dalawang baby na nagkapalit, nagkatagpo sa takdang panahon at nagmahalan. Kagaya nina Mama at Papa, alam kong magtatagal din ang relasyon nila. I saw love in their eyes!
Napabuntong-hininga na lang si Aaron James...
Well, heto na naman ako, umiiral na naman ang pagiging hopeless romantic. Kaya tuloy wala akong mapiling babae na mamahalin, may hinahanap akong ideal na relasyon. Anyway, since I believe in destiny and forever, I know that someday, I will meet the woman that is going to make my heart beat like crazy! A woman that makes my life turn three hundred sixty degrees!
Nangingiti na lang sa sarili si AJ habang naiisip iyon...
Ah, basta, kapag hindi umakma sa mga katangian ng babaeng nais kong mahalin ang makakatagpo ko, mas mabuting tumanda na lang akong binata!
AARON James El Greco! Hmm, so, you're a pilot now, huh! And you're still single. Choosy ka talaga! Sabagay, kahit naman noon, napakaseryoso mo sa buhay. You're an MVP to our school, a heartthrob, girls go crazy about you. Ang lalakas nilang tumili noon kapag nagbabasketball ka, lalo na kapag nakaka-shoot ka ng bola. At kabilang ako sa kanila noon. Kahit isang ngiti mo lang, o kahit isang pirma sa slumbook ko noon, masaya na sana ako. But you're the snobbish type! Palagi akong umuuwing bigo, magdamag na iiyak sa unan ko at gigising na maga ang mga mata. Sa klase ay hindi makasagot sa tanong ng teacher dahil puyat at masakit ang ulo. Wala ring ganang kumain kahit na gutom. But still, I didn't know if you're aware in my existence to your world. Oh, those crazy days of mine! It will never-ever happen again now!
Pabuntong-hiningang patuloy na tinitigan ng dalaga ang life-style magazine of the rich and famous na binabasa kung saan naka-feature ang mga sikat, the most-sought after bachelor in the country...
This time, I'll make sure na hindi na uli ako masasaktan. This time, I can be the winner...
"Hey, what's that, huh? Ang guguwapo naman ng mga boylet diyan, huh?" maarteng wika ng kaibigan niyang si Dayanara na naupo sa kanyang tabi kagaya niya ay international model din pero mas sikat siya rito.
"Ah, article about the most-sought after bachelor in the country."
"Really? And why is that? Kailan ka pa naging interesado sa mga guwapong lalaki? I thought you're not interested in any man kahit na gaano kaguwapo at kayaman. In twenty-eight years of your life, walang lalaking nakapasok sa mundo. Kahit na gaano ka-bigtime ang suitors mo, iisa lang ang kapalaran, basted."
"Bakit? Dahil nagbasa ako ng ganitong article, interesado na ako sa mga lalaki? Of course not! Iisa pa rin ang pananaw ko sa buhay, ano? Men were just pain in the a*s! And I don't need them to make me happy! As long as I have my own money, a fantastic career, beautiful houses and dresses, high-tech gadget and appliances, and everything, happy na ako, ano? And I can go anywhere I want as a jet-setter, what more can I ask for? Ayoko ng may lalaking hahawak sa leeg ko, magdidikta ng mga bagay na dapat kong gawin at hindi dapat gawin, okay na ako sa buhay ko!"
"Talaga lang, ha? But how about if you meet someone like him?" turo nito sa larawang nasa magazine.
"Aaron James El Greco?" bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makita kung sino ang tinutukoy nito.
"Yeah! Alam mo ba kung gaano ka-hot ang isang iyan? Ang daming babaeng nagnanais na makilala at ma-hook siya. The dashing-debonaire, the pilot of the century. Look at him! Bagay na bagay sa kanya ang uniporme ng isang piloto. Pero mas bagay din sa kanyang maging modelo or artista, hindi ba? Tiyak na ang daming mababaliw sa kanya."
"Hmm, well, you're right, he's devilishly handsome in the real sense of that word. But I'm not impress, at lalong hindi ko pagpapantasyahan ang isang kagaya niya."
"At bakit naman?"
"Because I know him personally."
"Really? How come?"
"Well, we're schoolmate. Third year high ako at fourth year siya. He's the MVP of our school. He's also a heartthrob. Pero may isa pa siyang katangian na lakas maka-turn off."
"And what is that?"
"He's an ice king. Snobbish!"
"What do you mean?"
"Sa dinami-dami ng babaeng humahanga sa kanya noon sa school, wala siyang pinapansin. Suplado at masungit, he's not easy to please."
"Ganoon? Well, baka naman bading?"
"I don't know."
"Hmm, hindi ka rin ba napansin ng lalaking iyan noon kaya medyo bitter ang voice mo?"
Lihim na natigilan si Xiandra, bakit tila may munting kurot sa kanyang puso ang katotohanang narinig sa bibig ng iba."
"Of course not! I'm too young that time, ano? Kung ngayon ay wala akong panahon sa mga boys, lalo naman noon na concentrated ako sa pag-aaral."
"Talaga?"
"Of course! Kaya tigilan mo na iyang kasasabi na baka isa ako sa hindi niya pinansin noon."
"Oo na! Even you're sound too defensive!"
"Heh!"
Tinawanan lang siya ng babae at humakbang palayo sa kanya.
Hmp! No way! Never kong aaminin kahit na kanino ang napakalalim na sugat ng iniwan sa puso ko ng isang kagaya niya! That was a thing from the past. Ayoko ng magmahal, ayoko ng masaktang muli. Ayokong maparis kay mama na sa pagnanais na mahalin ng lalaking mahal niya, nakagawa ng mga bagay na lalo lang nakasakit at sumira sa kanyang buhay... Isang bagay na lang ang gusto ko. I want to have my own child... iyong matatawag kong sa akin lang.