"s**t! s**t! Bakit ba iyon ang nasabi ko? Bakit ba biglang pumasok sa isip ko na alukin siyang maging driver ko?" naiinis na isinubsob ni Annalize ang mukha sa unan habang nakadapa sa kama.
Mabuti na lang at hindi niya tinanggap! Ang gusto ko lang naman ay makausap siya, marinig ang kanyag boses kaya ako tumawag. Pero nakakataranta naman kasi ang paraan niya nang pagsagot, pabarubal, parang galit dahil naistorbo sa tawag ko! Kung anu-ano tuloy ang nasabi ko! Hay, mabuti na lang talaga at hindi siya pumayag...
Bumago siya nang higa, tumihaya sa kama at nakipagtitigan sa kisame...
Ano bang nangyayari sa akin? I'm a degree holder, isa akong psychiatrist! I'm very good in profiling people! Marami na rin akong pasyenteng natulungang gumaling sa kanilang emotional and mental problem. I'm very good in words! Kaydami kong naibibigay na payo sa mga pasyente ko para mapayapa ang mga kalooban nila. Kahit ang talagang mga mental patient na nahahawakan ko ay nagagawa kong pagalingin kung minsan. Pero ano ito? Ilang beses ko pa lang nakikita ang lalaking iyon, pero hindi na siya maalis sa isip ko. Baka ako ang nababaliw, ah! Dahil kamukha siya ni Kuya AJ?
Ipinikit na lang ng dalaga ang mga mata, baka sakaling makatulog na siya...
_______
PERO minsan pala, kahit sa pagtulog ay kayhirap takasan ang tunay na nararamdaman ng puso at isip...
"Kiss me, RJ... kiss me..."
"Annalize..." lumamlam ang mga mata ng binatang nakatitig sa kanya.
"RJ..." and she swear, she really like that kind of stare... iyon bang malamlam ang mga mata nito, bahagya pang napapalunok sa pagkakatitig sa kanyang mga labi na bahagyang nakaawang... parang sabik na sabik na siya ay mahalikan...
"Annalize... isa kang tukso..."
"Hindi, RJ, isa lang akong babae... isang mahinang babae na naghahangad na mapansin mo, maangkin mo... mahalin mo..." bahagyang paos ang kanyang himig...
"Annalize..."
"Please... kiss me..." saka kumabig ang isang palad niya sa batok ng binata, kinabig ito upang magkalapit ang mga mukha nila... "Kiss me..."
"Oo, Annalize... oo! Hindi ko na rin kaya! Gusto ko na ring matikman ang mga labi mo..."
At iglap lang, magkalapat na pala ang mga labi nila... magkahinang... habang magkadikit na rin ang kanilang mga dibdib, nadarama ang t***k ng puso ng isa't isa...
And that kiss... ah, kaytamis pala ng halik mula sa lalaking isinisigaw ng kanyang puso...
RJ, I love you... I love you... bulong ng kanyang puso... so, she kiss him back, mas mapusok, mas marubdob... nais ipadama rito ang naghuhumiyaw na damdamin...
Ilang sandaling nagtagal ang halik na kanilang pinagsasaluhan... tila ayaw nang maglayo ang mga labi nila...
Mayamaya pa, nagsimulang kumilos ang mga palad nila, naglalakbay sa katawan ng isa't isa... dumadama... humahaplos... sumasamba...
"RJ!" napasinghap na lang siya nang maramdaman ang isang palad nitong nakasapo na pala sa kanyang dibdib... then, he gently caressing it... "R-RJ..." at wala siyang nagawa kundi ang mapasinghap, mapakiwal ang katawan...
That tingling sensation... ah, it makes her blood boiling to the core... waking up her inner passion...
"R-RJ..." she gently comb his hair...
"Annalize... napakaganda mo, alam mo ba iyon, ha? Nakakabaliw ka! Annalize..."
At sapat ang masusuyong bulong na iyon para mas lalong mawala sa huwisyo ang dalaga...
"RJ... I love you... I love you... angkinin mo ako... sa iyo lang ako..."
Malakas na tunog na cellphone ang nanuot sa kanyang pandinig...
"Hah!" pasinghap siyang napamulat. "A-aray!" saka nasapo ang balakang na tumama sa lapag dahil sa pagkahulog sa kama.
Oh my God! That dream! Anong klaseng panaginip ba iyon? Ang laswa! Nakakahiya! Bakit ganoon?
Napatulala na lang siya sa pagkakatitig sa kawalan.
Pero malaswa nga ba iyon? We'd kiss each other... and he's caressing me... at kahit sa panaginip... bakit... kaysarap sa pakiramdam... as if... nararamdaman ko nga ang kanyang haplos at halik... ang kanyang init...
"Annalize!" mahihinang katok mula sa pinto.
"Hah! M-ma!"
"Are you already awake?"
"Ah, yes, Ma!" nagagahol pa siyang napatayo mula sa pagkakalupasay sa lapag at agad na tinungo ang pinto para pagbuksan ang ina. "Good morning, Ma!" pero bahagyang mailap ang kanyang mga mata... she feels guilty sa harap ng ginang dahil sa katatapos lang na ligaw na panaginip na iyon...
"Good morning, Hija! Sabi mo kagabi ay maaga kang aalis ngayon dahil magsisimula ka na sa bagong ospital na in-apply-an mo, hindi ba?"
"Ah, o-oho."
"Then, mag-shower ka na at bumaba sa kumedor, ha?"
"Ah, sige ho."
"Anyway, are you okay?"
"H-ho?"
"Well, namumula ka kasi."
"H-ho? Ah, wala ho ito! M-medyo matagal lang nadikit sa unan ang isang panig ng mukha ko kaya namula."
"Hija, buong mukha, pati leeg, o!"
"H-ha?"
"Anyway, kung wala ka namang nararamdaman, be ready at nang makapasok ka na, okay?"
"Y-yes, Ma!"
"Good!" Iyon lang at tumalikod na ang ginang at bumaba.
"Hay!" nanlalatang napasandal na lang sa saradong pinto ang dalaga.
Nahalata din ni Mama ang pagkabalisa ko! Pero paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na dahil iyon sa ligaw na panaginip ko? Ah, that man, bakit ba naliligalig ako ng dahil sa kanya?
Naiinis at nalilitong tinungo na niya ang banyo para mag-shower... kailangan talaga niya ng cold-shower dahil sa pakiramdam na hindi pa talaga lubusang namamatay ang init na nilikha sa kanyang buong pagkatao ng panaginip na naranasan...
________
"HAH!" napabalikwas nang bangon si RJ...
"Anak, gising ka na pala!"
"Inang, kanina pa ba kayo nakaupo diyan sa gilid ng papag?"
"Oo, gusto nga sana kitang gisingin, pero parang ang ganda ng panaginip mo."
"Ho?"
"Nakangiti ka, ang aliwalas pa ng bukas ng mukha mo. At ano nga iyong pangalang sinasambit mo? Naulinigan ko kasi."
"Inang!" awtomatikong namula si RJ.
"Annalize... tama ba ang narinig ko? Iyon ang pangalang tatlong beses mong sinambit. Sino iyon, ha?"
"Ho? Naku, wala ho! Wala naman akong kilalang Annalize!" napaalis siya sa papag at tinungo ang lababo para maghilamos.
Hindi niya maaamin sa sarili na ang naging laman ng kanyang panaginip ay ang magandang dalagang nakilala na nag-aalok sa kanya ng trabaho...
It was an erotic dream... a very passionate dream... or, maybe a wet dream...
Sa kanyang panaginip ay magkahinang daw ang mga labi nila ni Annalize, magkalapat ang mga katawan, habang masuyong humahaplos at sumasamba sa katawan nito ang kanyang mga palad... at iyong pagnanais na bigyan ng katuparan ang lahat...
And right at this moment, he still feel his hard-on kaya patuloy siyang naghihilamos ng malamig na tubig sa pagbabakasaling tuluyang mamatay ang paglalagablab ng kanyang kaibuturan...
"Talaga? Akala ko pa naman ay may nakilala ka ng magandang dalaga na hanggang sa panaginip ay nakakasama mo!" nanunudyo pa rin ang himig ng matanda na tinungo na ang mesa at inalisan ng takip ang pagkaing naroon.
"Wala ho!"
"O, sige, wala na kung wala. Mabuti pa ay kumain ka na at nang makapasok ka na."
"Wala na hong trabaho sa construction. Tapos na iyong kontrata ni foreman. Maghahanap na lang uli ako."
"Ganoon ba?"
"Oho. Pero huwag kayong mag-alala, baka mapakiusapan ko si Mang Eliseo na whole day ko na lang ilabas ang jeep niya."
"Pero sabi mo ay madalas masira, hindi ba?"
"May alam naman ako sa paggawa ng makina."
"Mabuti pa, para ka makatipid ay huwag mo na lang muna akong ibili ng mga gamot ko. Medyo maayos na naman ang pakiramdam ko."
"Naku, iyon naman ho ang hindi puwede! Kailangan ninyo na patuloy na uminom ng gamot para magtuloy-tuloy ang paggaling ninyo. Basta huwag ninyo lang isipin iyon at ako ng bahala."
Si RJ talaga ang bahala, pero malaking problema talaga sa kanya ang araw-araw na gastusin nilang mag-ina sa bahay at ang mga gamot na kailangan ng matanda na may sakit sa baga at may kumplikasyon pa sa puso...
Lalo pa kung may problema rin ang minamaneho niyang jeep...
______
"PASENSIYA na RJ, kailangan ko nang ipataas ang makina. Hindi na kaya ng paulit-ulit na pagpapa-repair at pagpapalit ng mga piyesa. Mas nalulugi ako sa gastusin."
"Ganoon ho ba?" nanlata ang binata nang malamang ipinasok ni Mang Eliseo sa talyer ang jeep na halinhinan nilang inilalabas.
"Oo. Papapalitan ko na rin kasi ang kaha kapag na-overhaul na ang makina. Pero huwag kang mag-alala, kapag nailabas na sa talyer ang jeep ay tatawagan kita agad. Maghapon ko nang ipalalabas sa iyo ang jeep dahil medyo mahina na rin ang katawan ko."
"Talaga ho?"
"Oo. Malaki na ang tiwala ko sa iyo, kaya alam kong iingatan mo iyon."
"Salamat ho. Sige ho, aalis na ako."
"Oo, ingat ka."
"Oho!"
Maganda man ang pangako nito sa kanya, may isa pa talagang problema, sa ngayon ay wala talaga siyang trabaho...
Three hundred na lang ang pera ko, kapag bumili ako mamaya ng bigas at ulam, ubos na ito, gamot pa ni Inang. Kailangan kong maglakad-lakad na para makahanap ng trabaho o malalabasang jeep...
Pero sa maghapong iyon, bigo si RJ na makakita ng trabaho o bagong jeep na mailalabas...
Si Annalize, tawagan ko kaya? Iyong alok niyang maging driver, tanggapin ko kaya? Pero baka nagbibiro lang siya nang sabihin iyon. Baka nagti-trip!
Napabuntong-hininga na lang si RJ.
Isa pa, delikado. Kung anu-ano na ngang napapanginip ko na kasama siya, baka sa huli, sumabit pa ako... sa kasong r**e.
Pero sa totoo lang, mas lamang ang pagnanais niyang tawagan ang dalaga at tanggapin ang inaalok nitong trabaho...
_____
"SIYA si Aling Sofia, twenty-seven years na siya rito ayon sa kanyang record na nadatnan ko na dito," wika ni Doctora Samson.
"Talaga? At sa buong panahon ng pananatili niya rito, may ilang pagkakataon lang na nagpakita siya ng pagbabalik sa realidad?" titig na titig si Annalize sa matandang babaeng nakaupo sa gilid ng single-bed.
"Yeah! At sa bawat pagbabalik niya, palagi niyang sinasabi na may nagawa siyang malaking kasalanan. Napagpalit daw niya ang isang sanggol sa kanyang sanggol na naiwan sa ospital."
"Oh! Totoo kaya iyon?"
"Well, maybe! Since naging dahilan iyon ng kanyang pagkabaliw, baka nga! Maybe it's her guilt feeling, sobrang pag-iisip sa nagawang pagkakamali."
Napabuntong-hininga na lang si Annalize.
"Okay, pag-aaralan ko na lang maige ang record niya."
"Yeah. You should do that! Nakakaawa din kasi siya. Hindi naman siya bayolente na kagaya ng ibang pasyente na nagwawala at nananakit kapag lumilibat ang diwa. Medyo maingay nga lang kaya nabubulahaw ang ibang pasyente rito na nagiging dahilan para magwala na rin at mag-ingay ang iba pa. Anyway, thank you so much for considering to work in this mental institute, Doctora El Greco. Malaking bagay na magkaroon kami rito ng mahuhusay na doktor na kagaya mo."
"Oh, don't mention it, Ma'am. Kahit na sabihin pang maliit ang sasahurin ko rito dahil pinatatakbo lang ito ng mga madre at ilang NGO na umaasa lang sa mga donasyon ng mga pilantropo at pulitiko, still, it's my pleasure working with you, Dra. Samson. You're my favorite teacher during my college days."
"Ikaw talaga, hanggang ngayon, Ma'am pa rin ang tawag mo sa akin!"
"But of course! Anyway, kailan ko siya maaring makausap?"
"If you want, puwede na ngayon. Ewan ko lang kung papansinin ka. Look, nakatulala na naman siya. Kadalasan ay ganyan siya. Kahit na kinakausap ng mga doktor at nurses ay walang matatanggap na response mula sa kanya. Bihirang-bihira lang talaga siyang kumibo."
"Ganoon ba? It's okay, pagtitiyagaan ko na lang na kunin ang kanyang atensiyon."
"Okay, bahala ka. Let's get inside, ipakikilala kita sa kanya."
"Sige." Pinihit ni Doctora Samson ang doorknob ng pinto at humakbang papasok.
Sumunod si Annalize sa may edad ng doktora...
"Sofia, may bisita ka..."
Pero walang reaksiyon mula sa babaeng nakaupo sa gilid ng kama... nakatitig sa kawalan habang nilalaro-laro ang dulo ng maikling buhok...
"Sofia... tingin ka naman sa akin. Ipakikilala kita sa magandang doktora na ia-assign ko sa iyo."
Wala pa ring reaksiyon mula rito.
Bahagyang lumingon sa kanya ang doktora.
"Sige lang ho, ipakilala ninyo sa ako sa kanya. Baka naman naririnig niya tayo, ayaw lang talagang mamansin," nakangiting wika ni Annalize.
"Okay. Halika rito. Ah, Sofia, may ipakikilala ako sa iyo, ha? Siya si Doctora Annalize El Greco, ang magiging bago mong doktor."
Bahagyang kumislot ang gilid ng bibig ng babaeng nakaupo pero hindi nag-abalang sumulyap sa kanila.
"Ah, kumusta kayo, Aling Sofia? Ako ho si Doctora Annalize El Greco. Ako na ho ang magiging doktor ninyo mula ngayon. Maari kayong magkuwento sa akin, kahit ano, makikinig ho ako." Bahagya siyang lumapit sa matanda at iniharang ang sarili sa harap nito para pukawin ang pagkakatulala sa kawalan...
Tila naman nakuha nga ng dalaga ang pansin ng babae... bahagya itong tumingala sa kanya at tumitig...
"A-Annalize... E-El Greco?" saka mahinang sambit... habang unti-unting nagbabago ang bukas ng mukha...
Mula sa blangkong ekspresyon, bahagyang kumislot ang talukap ng mga mata nito...
"Oho... Dra. Annalize El Greco, pero maari ninyo akong tawaging Annalize, o kaya ay Anna, bahala kayo. Tatawagin ko naman kayong... Aling Sofia, o kung gusto ninyo, Tita Sofia," nakangiting wika ng dalaga, pero lihim na siyang kinakabahan dahil sa simpleng paglalapat ng kanilang paningin.
"Annalize... Anna... kaygandang pangalan. Kayganda mo... bagay sa iyo ang pangalan mo..." bahagyang kumislap ang butil ng luha sa gilid ng mga mata nito.
"Talaga ho? Salamat ho. Maganda rin ang pangalan ninyo, bagay sa inyo."
"P-pero mas bagay sa iyo ang pangalan mo, anak."
"H-ho?"