Chapter 12

1426 Words
Chapter 12 Claire's POV "Congrats! Pasok daw kayo sa semi-finals!" masiglang bati sa akin ni Faye sabay akbay sa akin. "Oo, kinabahan nga ako eh," sambit ko. "Sino 'yon?" pag-iiba niya ng topic. "Alin?" "Iyong kaaalis lang na babae na mukhang sosyal," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay napahawak ako sa mga paninda namin. "Nanay ni Shyra. Ipa-adjust daw 'yong schedule ng cheering para sa anak niya," napalibot ang kaniyang tingin sa mga kaklase namin na nasa loob ng gym at nakaupo sa mga plant box. Kumakain sila ng mga binili nilang cookies at chocolate. "Oo nga, wala nga si Shyra kaya pala walang maingay na nagjo-joke ng corny," pabulong niyang sagot sa akin. Natawa ako nang mahina sa sinabi niyang 'yon. Mas lumapit pa siya sa akin at bumulong. "Chocolate ka ba? Kasi maitim ka pero sweet." Matapos niyang sabihin 'yon ay unti-unting lumalakas ang tawa ko pero pinanatili kong kaming dalawa lang ang nakakarinig. Hindi ko nga lang alam bakit lumabas nanaman ang tawa niyang parang dolphin at naging dahilan 'yon para maagaw niya ang atensiyon ng iba. "Balita ko nga may nanliligaw sa kaniya," alam ko na kung saan papunta ang paraan ng pananalita niya. Hindi siya ganoon kadaldal sa iba pero pagdating sa akin hindi siya nauubusan ng kwento. "Pakialis ng mga nasa ibabaw," sambit ni Ann. Nakahawak siya sa kabilang dulo ng table at si Michael naman sa kabila pang dulo. Tahimik lamang si Ann habang pinagmamasdan kami ni Faye na nagliligpit ng mga tirang paninda. Natapos kaming mag-ligpit at inilagay namin sa malalaking tupper ware ang mga pagkain. Nilagay na rin namin sa isa pang tupper ware ang mga icing, piping bag at mga paper cup. Maaga pa at wala na rin naman kaming gagawin. Hindi rin nagpapalabas agad ang guard dahil patakaran ng school na 4:30 ang labas. Nakaupo kami sa plant box at ang iba ay naka-indian seat sa harap namin kung saan parte na ng simento ng gym. "Ang galing-galing nila Claire at Don kanina," nakapaikot lamang kami at magkakalapit lamang kaya kahit anong usapan ay magkakarinigan kaming lahat. "Miss president, anong isusuot natin bukas?" tanong ni Romy na nakahawak sa cellphone niya at nakatayo sa gilid ni Faye. "Iyon bang t-shirt natin last year nasa inyo pa?" tanong ko sa kanila. "Oo." "Wala na." "Kupas na." Sabay-sabay silang nagbibigay ng kanilang mga sagot kaya hindi na rin ako makapag-desisyon nang maayos. "Iyon kasing akin nasa akin pa pero medyo pasira na 'yong tatak. May tastas na rin sa ilalim at medyo kupas na. Para maganda, mag-white t-shirt nalang tayo at jeans." "Hindi kaya bawalin ng guard?" tanong agad ni Faye. "May ID naman kayo, 'di ba? Ipapakita niyo lang 'yon, alam naman niyang may event," kampante kong sagot sa kanila. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko at kasabay niyon ang mahinang ringtone. Sapat na 'yon para marinig ng mga kalapit namin. "Excuse me," sambit ko at kinuha ang cellphone at tsaka nagmadaling lumayo sa kanila. "May manliligaw si Claire, feeling ko lang." "Ha? Wala naman akong nakikita." "Faye, mayroon ba?" "Ewan ko pero wala namang ipinapakilala sa akin." Nasa labas ako ng gym at nasa harap ng building na katabi ng gymnasium pero rinig ko pa rin ang mga usapan nila. "Hello?" 'yon agad ang bungad ko. Hindi ko kilala ang tumatawag dahil number lamang ang nakalagay. Ang tagal ko ring tinititigan ang number kanina pero hindi 'yon familiar. "Hello?" sambit ko ulit pero walang sumasagot. Ni mahinang boses o bulong ay wala. Ni isang paghinga o kahit ligaw na hangin ay wala akong naririnig. Hindi rin naman naka-hang dahil walang tunog sa linya ko, siguro ay naka-mute. "Hello?" muli kong sambit. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero wala talagang sumasagot kaya pinatay ko na ang tawag. Nagdesisyon akong bumalik sa pwesto namin kanina. Nakatingin silang lahat sa akin na parang may ibig sabihin. Alam ko naman na ang nasa isip nila pero hindi ko nalang pinansin. May parte sa akin na nakakaramdam ako ng hiya dahil na rin sa mga tingin nila. Kahit kaklase ko sila ay kahit papaano may mga bagay pa rin akong hindi dapat sabihin, kahit kay Faye na kaibigan ko. Hindi ko lang masyadong maramdaman ang pagka-hiya dahil palaisipan sa akin ang tumatawag. Wala lang akong load pero gusto ko sanang itanong kung sino siya. Kilala ba niya ako o baka naman namali lang ng number. "Sino 'yon?" bulong ni Faye. "Hindi ko alam. Number lang tapos wala namang nagsasalita. Nakailang hello ako pero walang sumasagot," paliwanag ko sa kaniya. "Baka manliligaw mo," saad naman ni Kyla na dahilan para mapalingon ako sa kaniya na nasa harap ko lamang. Nakatingin silang lahat sa akin at hindi ko alam kung bakit natikom ang bibig ko sa sinabi niyang 'yon. "Sira ka talaga! Wala akong manliligaw at isa pa ayokong tumanggap kung may nagbabalak man," iyon na lamang ang nasagot ko dahil medyo awkward na ang atmospehere. Alam kong naghihinala na si Faye sa akin pero ayokong sabihin ang tungkol kay Wyett. "Nag-text si sir pwede na raw tayong lumabas. Pinapalabas na raw lahat ng senior high," nabaling ang atensiyon namin kay Michael na nag-announce nang biglaan. Nagsitayuan naman ang mga kaklase namin at ang iba ay nag-umpisa nang maglakad palayo. Naiwan ako at akmang aalis na ako nang hawakan ako ni Faye sa kamay. "Bakit?" hindi siya sumagot agad. Nakatingin lang siya sa akin. Alam ko na ang sasabihin niya at medyo kinakabahan ako. Nagpapawis ang kamay ko dahil na rin sa kaba at sana ay hindi niya 'yon napapansin. "May sasabihin ako," mas lalong nagpawis ang kamay ko sa sinabi niyang 'yon. Wala akong idea sa sasabihin niya pero kabadong-kabado ako. "Ano 'yon?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at halos idikit na ang mukha niya sa mukha ko. "Hindi ba nag-uusap tayo kanina tungkol kay Shyra? Feeling ko narinig ni Anne. Parang kaseryoso kanina tapos naka-irap sa atin," wika niya. "Hayaan mo na. Huwag ka kasing masyadong maingay kapag ganoon," sagot ko na lamang. Tanging kibit-balikat lamang ang naisagot niya. Minsan hindi rin nakakatulong ang kaingayan ni Faye. Nakauwi na ako sa bahay namin. Hindi na ako sumabay kay Wyett dahil hindi man sabihin ni Faye ay alam kong todo hinala na siya. Nasa kusina si kuya at si Faye ay nakahiga sa kama ko habang nagbabasa ng libro. Lumabas na muna ako para kausapin si kuya tungkol sa tumawag sa akin. "Kuya," naabutan ko siyang nakaharap sa laptop at may isang pirasong bond paper na nakatabi roon. "Bakit?" "May tumawag kasi sa akin kanina. Number lang tapos hindi rin nagsasalita," sambit ko agad. "Patingin nga," binuksan ko ang cellphone at inilagay sa history ng calls para makita niya ang number. "Familiar ba 'yong number sa'yo?" tanong ko. "Hindi. Hayaan mo na, baka namali lang ng tawag. Baka scammer pa 'yan, malay mo may tracker sila, mate-trace nila 'yong location," sambit niya at hindi na ako umapela pa. Bumalik na ako sa kwarto at nagbabasa pa rin si Faye. Nahiga naman ako sa tabi niya at tinignan ang cellphone ko. Maraning notifications doon at sa dami niyon ay isa lamang ang umagaw sa atensiyon ko. "BIZARre-LAPIDANG PUTI (Music Video)" iyon ang nakalagay sa notification kaya iyon ang una kong pinindot. Napunta sa Watch MV ang pag-pindot kong 'yon. Sa application na 'to ay puro music video lamang ang mapapanood. Naka-playlist ang mga kanta ng bawat banda at madaling hanapin 'yon dahil ang naka-register na followers ng BIZARre ay 250,973. Damang-dama ko ang bawat lyrics. Habang pinagmamasdan ko ang mga detalye sa music video ay sumasagi sa imahinasyon ko ang mukha ni Marco. "Nais kitang yakapin kahit saglit Ngunit siya ang nais mo kahit puno ng pait." "Inaawitan ang hindi naririnig Pinipilit awitan ng muntig himig Ika'y naliligaw nanaman Gustong lapitan ngunit may humahadlang." Akala ko ay papatak ang luha ko pero nasa gilid lamang at tila gusto lamang mamuo roon. Parang pinupunit ang puso ko tuwing naaalala ko siya. Ang pagod kong katawan, parang mas napapagod lalo. Nagpatuloy lang ako sa panonood at patuloy ko ring nakikita ang mukha ni Marco lalo na ang mata niyang paulit-ulit na inaagaw ang atensiyon ko. "Inaawitan ang nasa lapidang puti Pinipilit siyang makapiling na muli Ika'y nakakulong nanaman" Nakahawak si Aikiel sa maskara niya. Kulay itim 'yon at may kaunting puti sa gilid. Naka-suot siya ng puting polo at itim na pantalon. Tanging labi niya lamang ang nagiging klaro. "Gustong lapitan..." unti-unting lumalayo ang camera sa kaniya. Unti-unti ring nakikita ang bawat detalye ng kaniyang mukha. "...sana'y huwag hadlangan Sana'y huwag hadlangan"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD