Chapter 11

1309 Words
Chapter 11 Claire's POV Nakatingin pa rin ako kay Sir Gino matapos niyang sabihin 'yon. Pinipilit ko pa ring intindihin. Napapatanong pa rin ako sa isip ko kung bakit nagbago bigla ang isip niya. "Who is the scientist who introduced the model of the atom similar to the solar system?" Nagtaas agad ng kamay ang mga kalaban ni Michael pero siya ay tahimik lamang. Naramdaman ko na rin ang paglapit sa akin ng mga kaklase namin. Nanonood na rin sila. "Sumali pala si Michael? Akala ko nagback-out?" rinig kong sabi ni Romy. Pati sila ay hindi makapaniwala na sumali si Michael. "Ernest Rutherford." Nagpalakpakan ang mga nanonood sa harap na mga teacher matapos sumagot ang kalaban niya. Natapos ang tatlong questions sa easy round ay hindi sya sumasagot. Kahit na naiisip kong sumali siya para may representative ang section ay gusto ko pa rin na may place sya kahit papaano. Isa lamang ang pipiliin kapag natapos ang elimination. "For the average round, A gaseous mixture contains oxygen and nitrogen in the ratio of 1: 4 by weight. Therefore the ratio of their number of molecules is?" Nagtinginan ang dalawa niyang kalaban habang siya ay nakatingin lamang sa kaniyang mga kamay na tila nagbibilang. Napaisip din ako at naalala kong hindi ko nga pala masyadong alam ang bagay na 'yon. Katahimikan ang bumalot sa kanila at ang host ay naghihintay rin ng sasagot. Itataas na sana niya ang bell hudyat na wala nang pwedeng sumagot nang magtaas ng kamay si Michael. "The ratio is 7:32," napatingin ang host sa papel na nasa kaniyang kamay. "That is correct," sambit nito. Napasigaw naman ang mga kaklase ko dahil sa unang beses ay nagkaroon ng puntos si Michael. "Pabili po," napatigil ako sa panonood nang may tumawag sa harap ko. Ako lamang ang nakadikit sa table kaya ako na ang umasikaso. "Ano'ng sa'yo?" pabulong kong tanong. Bumibilis ang t***k ng puso ko nang magtama ang paningin namin. Naghahalo-halo ang nararamdaman ko sa ngayon. "Tatlong cookies at kung," humina ang boses niya sa sumunod niyang sinabi "ano'ng gusto mo? Ililibre kita." Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at muntik kong mabitawan ang tongs na hawak ko sa pagkuha ng cookies. "H-hindi na," sagot kong muli sa pabulong na paraan. "Oh sige. Chocolates na rin, lima," kumuha lamang ako ng karagdagang order niya at inilagay sa paper cup. Pagkaabot ko ng mga binili niya ay iniabot niya rin ang pera at hindi ko na alam kung anong klaseng takbo ng utak ko ang nararanasan ko. Hindi niya lamang iniabot ang bayad, pinagdikit pa niya ang mga kamay namin. "Thank you," mahina kong sambit at iniwas na ang kamay mula sa kaniya. Kumukuha na ako ng panukli at naramdaman ko naman ang paglalakad niya palayo. "Keep the change!" sigaw niya habang sinasalubong ang mga kaibigan niyang nasa dulo at palabas ng gym. "Hoy!" mas bumilis ang t***k ng puso ko at ramdam kong para akong nanghina sa panggugulat ni Faye sa akin. Nawala rin naman agad ang pagkataranta ko nang tumawa siya nang malakas. Kung ide-describe ko ang pagtawa niya, parang dolphin pero hindi ganoon katinis sa huni. "Bakit?" tanong ko agad sa kaniya dahil alam kong may sasabihin siya sa akin. "Wala lang. Curious lang kung sino 'yong nag-keep the change." "Grade 12 din 'yon," tipid kong sagot. Gusto ko pa sanang magbigay ng mga impormasyon sa kaniya pero hindi ko na ginawa dahil baka maghinala pa siya. "Super thank you sa kaniya. Nga pala, patapos na sila Michael, pasok siya sa semi-finals." Muli nanaman akong napaisip kung bakit nagbago ang isip niya. Ano nga bang pakialam ko sa bagay na 'yon? Mababaw na bagay 'yon at hindi dapat gawing big deal. Mga thirty minutes pa at kami na ang tinawag. Ramdam ko ang kaba ko at hindi ko alam kung maayos ang magiging pakiramdam ko mamaya. Baka atakihin ako ng anxiety ko. Habang naglalakad kami ni Don papunta sa stage ay tahimik lamang ako. Pakiramdam ko ay hinihigop unti-unti ang lakas ko. Bigla namang umakbay si Don sa kanang balikat ko. "Wag kang masyadong ma-pressure. 'Pag hindi mo alam, sabihin mo agad sa akin. At isa pa, hindi natin kailangang mag-first place, basta mapatunayan natin na ginawa natin ang best natin." Mahina lamang ang boses niya pero sa mga sinabi niyang 'yon, kumalma ako kahit papaano. Isa-isang nagpapakilala ang bawat contestants. Puro STEM ang nandito ngayon, katulad lamang din sa individual quiz bee pero may white board kaming pagsusulatan ng sagot namin. "Go, Claire!" kahit may kalayuan ay rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Faye at halos mamaos na siya. Tinignan ko lamang ang mga teacher na nasa harap namin na nagsisilbing mga judge. Bumalik ang kaba ko kaya iniwas ko ang tingin at ibinaling ko ang aking paningin sa mga tao na nasa bandang likod. Nakita ko ang pag-senyas niya ng thumbs up. Nag-umpisang manlamig ang pakiramdam ko. Kahit hindi pasmado ay naglalabas ng malamig na pawis ang mga palad ko. Pinili ko nalang umiwas ng tingin dahil baka hindi ko kayanin, unti-unti na akong kinakabahan nang todo. "Are you ready? For the first question..." bahagyang humihina ang pandinig ko at tinignan kong muli ang mga tao sa paligid. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya at nakangiti lamang siya sa akin. "Calculus," nagpantig ang tenga ko nang marinig ko 'yon. "What are the two main branches of calculus? 3,2,1, write!" Nanginginig ang kamay ni Don habang isinusulat ang mga 'yon. Parang naglalaro lang siya habang isinusulat ang mga sagot. "Time's up!" agad itinaas ni Don ang white board at para naman akong nalungkot dahil hindi ko man lang siya natulungan. "The answer is..." nagtitinginan ang mga kalaban namin pero ako ay nanatiling nakatingin sa host. "Differential and integral." "Yes!" halos tumalon na sa tuwa si Don nang malamang tama ang sagot namin. Sino ba namang makakatalo sa kanya, first honoe namin 'yan. Natapos ang elimination round at luckily, panalo kami. Pagkababang-pagkababa namin ay nag-apir kaming dalawa. Kahit na ang nasagot ko lamang ay "what is 1004 divided by 2?" Ramdam ko pa rin ang kaba. Akala ko nga hihimatayin ako kanina sa taas pero hindi ko nalang tinignan ang mga kalaban at nag-focus sa white board na sinusulatan namin. "Congrats!" masayang bati ni sir. Nasa likod lamang siya ng mga teacher na nagsilbing judges sa contest. "Announcement! Bukas na po ng umaga ang semi-finals ng quiz bee at sa hapon ang finals." Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng pants ko. Binuksan ko 'yon at nakita ko ang oras. Malapit nang mag-alas tres. "Claire," nilingon ko ang katabi ko at si Michael 'yon. "Pabili nga ng cookies," bulong niya at dire-diretsong pumunta sa stall namin. "Around 4, magligpit na kayo ha?" matapos sabihin 'yon ni sir ay umalis na siya. Napatingin ako sa paligid at pinagmasdan ang mga kaklase ko. Natapos ang jingle, cheering at poster making. Ayos naman, kumpleto ang mga contestants pero walang Shyra na nagpakita. "Hello! STEM A ba 'to?" tanong ng isang babae. Hindi siya estudyante rito at hindi rin teacher. Siguro ay magulang siya ng isa sa mga senior high school. Naka-3/4 floral blouse at skinny jeans. Naka-flat sandals sin siya at may bag na branded. "Yes po," sagot ko. "Masama kasi 'yong pakiramdam ni Shyra. Baka pwedeng ipa-adjust sa mga organizer 'yong cheering? Leader daw kasi ang anak ko," nakatitig lamang ako sa kaniya habang sinasabi niya 'yon. "A-ano po kasi, tapos na po 'yong cheering," alam kong hindi maganda ang resulta nito pero wala na akong magagawa. Kahit magsinungaling ako ay wala pa ring mangyayari dahil tapos na ang laban. "Ay ganoon ba? Sige," nagbigay siya ng isang ngiti at kinuha ang mga cookies na inihahanda ko para sa akin dahil bibili ako. "Iuuwi ko para kay Shyra, thanks!" tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad na parang walang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD