Chapter 10

1888 Words
Chapter 10 Claire's POV "Hoy!" nabalik ako sa huwisyo nang ikaway ni Faye ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. "Natahimik ka." "A-ahh, wala. Ikaw talaga, wala akong manliligaw. Alam mo namang walang break-up na naganap sa amin ni Marco," matapos kong sabihin 'yon ay sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. "Sabagay," sambit niya at tsaka nagkibit-balikat. Naghugas lamang siya ng kamay matapos maghugas ng pinagkainan namin at nauna na siyang pumasok sa kwarto ko. Sumunod na rin ako sa kaniya at isasara ko na sana ang pinto nang pumasok sina Katkat at Carl. "Katkat," lumapit si Katkat kay Faye at si Carl ay naglakad papunta sa tabi ng cabinet ko na pinaglalagyan ng mga gamit sa school. "Suplado ka ah," sambit ko rito. Nakaupo si Faye sa kama ko habang si Katkat ay nasa hita niya at naka-kandong. "Sinong mas gusto mo, ako o si Claire?" tanong niya rito. Tanging pagpikit lamang ang nagawa ni Katkat kaya natawa ako nang mahina. "Ako, hindi ba?" tanong niya rito. Isang "meow" ang isinagot ni Katkat at biglang tumalon pababa. Humakbang ako nang kaunti palapit sa kama ko habang pinapanood ko si Katkat na naglalakad palapit sa study table. Agad siyang tumalon pero hindi sa study table kundi sa cabinet. Sa pagtalon niyang 'yon ay naging dahilan para maiba ng pwesto ang picture frame. "Katkat," mahina lamang ang boses ko at sapat para marinig naming dalawa sa loob ng kwarto ko. Naglakad ako palapit kay Katkat at iaayos ko pa lamang ang natumbang picture frame nang hilahin 'yon ni Faye mula sa kamay ko. "Si Marco 'to," pabulong niyang sambit. Hindi ko na binawi 'yon sa kaniya. "Bakit hindi mo na siya dinadalaw?" ang tanong niyang 'yon, napagtigil 'yon sa akin, pati ang t***k ng puso ko ay tumigil. Hindi ko alam kung naka-ilang buntong hininga ako bago ako sumagot sa kaniya. Marahil ayokong pag-usapan ang bagay na 'yon dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko. "Busy," tipid kong sambit sa kaniya. Matapos niyon ay dahan-dahan kong kinuha ang picture frame mula sa kaniya. Sa halip na maibalik ko 'yon sa kinalalagyan ay mas hinigpitan ko ang paghawak dito. "Alam mo, kami rin ang naaapektuhan sa nararamdaman mo," pabulong niyang sambit. Hindi ako sumagot ng kahit anong salita pero isang ngiti lamang ang ibinigay ko sa kaniya. Dahan-dahan kong inilapag ang picture frame sa kinalalagyan nito at inilagay sa harap ang isang maliit na paso na may halaman upang hindi na ulit magalaw masyado. Araw na ng event, lahat ay busy at inagahan ko na rin ang pagpasok para maka-tulong na rin sa iba. Nagdala ako ng isang sandok at kawali. Nagpabili rin kami ni Faye ng paper plate at paper cups na paglalagyan ng mga ibebenta. Sobrang ingay sa building ng buong senior high school ngayon. Sa baba ay nadaanan namin ang mga nag-papractice ng jingle, cheering, at iba pa. Pagdating naman sa hallway sa taas ay makikita ang mga nagbubuhat ng mga lamesa at iba pang gamit na ilalagay sa gilid ng gym kung saan itatayo ang mga tolda at doon kami magtitinda. "Excuse me!" malakas na sigaw ang nanggaling sa room namin. Apat na lalaki ang nagbubuhat sa dalawang maikling lamesa na nasa room namin. Gumilid ako saglit upang paraanin sila. Nakita ko si Prince na susunod sa kanila. "Pwedeng padala na rin sa booth?" tanong ko sa kaniya at iniabot ang kawali at sandok. Kinuha naman niya 'yon agad. "Claire!" rinig ko ang pagtawag ni Don sa akin na nasa bintana lamang. Madali naman akong nakapasok sa room kahit siksikan ang mga tao. "Ready ka na?" tanong niya agad sa akin. Hawak pa rin niya ang reviewer samantalang ako ay hindi na nagawang mag-review pa. "Siguro. Medyo kinakabahan ako, alam mo naman," halos bulong lamang ang sagot ko at kahit gaano kalakas ang boses ko ay tila paos pa rin 'yon. "Sinong nagdala ng gasul?" pasigaw na ang boses ng mga naka-assign sa booth namin. Natanaw ko na rin sa labas ng gym ang mga kaklase naming nagtatayo ng tent. Maliit lamang 'yon, parang ganoon sa mga ipinapahiram tuwing may lamay. "Announcement po! Magpa-register na ang mga lalaban sa bawat contest. Attention, magpa-register na ang mga lalaban. Pumunta na rito sa ating gymnasium at mayroong mga table dito para sa inyo. Thank you," iniligpit ko ang mga gamit ko sa bag at isinukbit 'yon. "Tara?" tanong ni Don sa akin. Nasa pinto na siya pero hindi ako sumunod sa kaniyang direksiyon. Nilapitan ko ang mga kasali sa jingle at cheering. "Nasaan 'yong leaders niyo?" tanong ko sa kanila. Naghintay ako ng ilang segundo pero nag-aayos pa sila ng mga costume nila. "Excuse me?" muli kong sabi. "Si Jessica papunta palang yata," sagot ni John na kasama sa jingle. "Si Shyra?" tanong ko naman sa kabilang grupo. Napatigil silang lahat at nagtinginan lang. "Ha?" "Baka male-late. Wala namang nai-text sa akin," sagot ni Joanna. "Magpa-register na kayo. Ikaw nalang ang tumayo munang leader, Joanna. John, pumunta na rin kayo," pag-utos ko sa kanila. Mas lalong nadaragdagan ang kabang nararamdaman ko. "Eh pero, Claire. Baka magalit si Shyra kapag ako ang pumirma," nag-aalalang wika ni Joanna. "Hindi pwedeng ma-late ngayon. Kailangan niyong magpa-register. Magalit man siya, ipaliwanag mong kailangan nakalista ang pangalan niyo roon," mahinahon kong sagot. "Good morning, my dear students!" tumayo si sir sa harap at pinanood ang mga nag-aayos ng costume. May ilang naka-suot na at may ilang kasalukuyang inaayos ang costume nilang nagkakalas-kalas. "Nakapagpa-register na ba kayo?" tanong niya sa amin. "Magpapa-register pa lang po," sagot ko. "I'm sorry I wasn't able to come here earlier. Isa kasi ako sa nag-aasikaso sa mga booth at tinutulungan ko sila sa pag-aayos ng mga tent. Don't worry I'll watch everyone who'll join the contest. Goodluck mga anak," isang ngiti ang ibinigay niya sa amin bago lumabas sa classroom. "Claire, halika na," pagtawag ni Don kaya lumapit na ako sa kaniya at paalis na kami nang tawagin kami ni Joanna. "Claire, ako ba talaga?" nilingon ko lamang siya at sulyap lamang ang ginawa ko pero pagkatapos niyon ay hinila ko na si Don pababa para makapila sa registration area. Nasa gilid kami ng gym at unti-unti na ring sumisikat ang araw. May lilim naman sa gym dahil sa mga punong nasa tabi at may bubong na nakatapat sa pila. May tatlo pa sa unahan namin at nakita ko naman ang pagpila rin ng mga kasama namin. Habang naghihintay sa pila ay napalingon ako sa kanan namin. Nag-iwas din agad ako ng tingin nang bigla ko siyang makita. "Wyett, kumusta kayo ng nililigawan mo?" tanong ng isa niyang kasamang lalaki. Nararamdaman ko ang malakas na pintig ng puso ko. "Parang sira 'to," iyon lamang ang isinagot niya. "Ano nga?" tanong ulit sa kaniya ng kasama niya. Pinakikinggan ko lang sila dahil ayokong lumingon sa kaniya. Baka kilala ako ng mga kaibigan niya at batiin pa ako. Walang nakakaalam na may manliligaw ako. "Next!" nabalik ako sa huwisyo nang tawagin kami ng teacher na naglilista sa registration. "Pangalan, section, pirma," sunod-sunod niyang itinuro ang pagsusulatan sa papel at kinuha ko naman ang ballpen na nakalapag sa tabi ng folder at iyon ang ipinang-sulat. Nang matapos ako ay hinintay ko si Don at iniwanan na namin ang mga kasama namin. Gusto pa sana namin silang hintayin pero natatakot ako dahil baka bigla akong tawagin ni Wyett o baka makilala ako ng mga kaibigan niya. "Sa booth tayo?" tanong niya sa akin. Tumango lamang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad papunta sa booth. Pagdating namin ay buo na ang tent at nakaayos na rin ang mga table. Inaayos na nila ang ibang iniluluto at may mga bumibili na rin. "Tulong muna tayo," lumapit pa kami lalo sa booth at pumwesto sa pinaka-table kung saan bumibili ang iba. "10 pesos nga pong nuggets," kaharap ko lang ang sumigaw na 'yon at pagtingin ko sa kaniya ay ibang tao ang nakaagaw sa atensiyon ko. "Nuggets daw," pagkasabi ko niyon kay Don ay nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko na ulit sila tinignan at ibinilin ko nalang kay Don na siya na ang mag-asikaso sa mga 'yon. Habang tumatagal ay mas lalong dumarami ang mga bumibili. "Nuggest po." "Cookies nga." "Dalawang chocolate." Nagkakagulo na sila at nalilito na rin ako sa mga sinasabi nila. Halo-halong ingay ang naririnig ko mula sa mga tao sa stage, sa mga naglalakad sa gym at ang mga costumer namin. "Ang tagal!" nagsisigawan na rin sila na puro pagrereklamo. Nag-uumpisa nang manginig ang kamay ko at iba na rin ang bilis ng t***k ng puso ko. Para na rin akong kinakapos sa hininga. Alam ko rin sa sarili kong parang hindi na ako tatagal sa ganito. "Don," nanginginig man ang kamay ko ay nagawa ko pa ring kalabitin sa balikat si Don. "Ikaw na muna, masama pakiramdam ko." Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya at dali-dali na akong pumunta sa likod kung saan naroroon sila Faye. "Tubig," sabi ko sa kaniya. Kinuha ko ang color violet na tumbler niya at siguro ay nakalahati ko ang tubig doon. Makalipas ang ilang oras ay lunch na. Nagpadala ng pagkain si Sir Gino para may kanin kaming makain. Ang ibang lalaking nag-tayo ng tent ang nag-aasikaso sa booth namin. Kahit na lunch ay marami pa ring bumibili. "Ang bait talaga ni sir," sabi ni Faye habang binabalatan ang fried chicken na ulam. Dalawang klase ng ulam ang ipinahanda ni sir, chicken wings at pork chop. Habang kumakain ay may naalala akong gawin. Naghanap ako ng pwedeng mautusan at nakita ko naman agad siya. "Michael!" nasa tapat lang namin syang nakaupo sa plant box habang umiinom ng tubig "Pwede ka bang mautusan?" tango lamang ang isinagot niya sa akin. Tumayo ako at kumuha ng sampung piraso ng nuggets, limang piraso ng cookies at 5 pirasong chocolates. Habang inaabot ko kay Michael ang mga ipabibigay kay sir ay nakatingin sa akin ang mga kaklase ko. "Para saan 'yan?" tanong ni Don. "Ibibigay kila sir," sagot ko. Iilan lang naman silang nasa faculty kaya kakaunti lang din ang inihanda ko. "Pakibigay nalang kay sir, thank you," sambit ko sa kaniya. Matapos ang oras ng lunch ay nag-handa na ako ng nuggets sa bawat paper cups para hindi na sila ma-rush mamaya. "Good afternoon! Let us continue our program. May we call on the contestants in Individual Quiz Bee." Pikikinggan ko lang ang mga sinasabi ng teachers na nagsisilbing mga MC. Hindi ako matatapos sa ginagawa ko kung manonood pa ako. "Let's welcome our contestants from STEM, introduce yourself." "Ako po si Paulyn Bautista from grade 12 STEM-A." "Hello! My name is Charlo Hernandez from 12 STEM-C." "I'm Michael Valdez, 12-STEM-A." Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko 'yon. Akala ko noong una ay namali ako ng dinig pero hindi ako nagkamali nang makita ko siya sa stage. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasali siya, pero akala ko ba hindi na siya sasali? "Papasukin ng langaw 'yang bibig mo," napalinhon ako kay sir na nasa harap ng booth namin habang pumipili ng mga chocolate. Kanina pa pala ako naka-nganga at hindi ko man lang namalayan. Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na kasali siya. "Sir, buti po napilit niyo si Michael na sumali," sambit ko. "Hindi ko siya pinilit. Matapos niyang mag-back out hindi ko na siya kinausap ulit tungkol doon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD