Chapter 15
Claire's POV
Napabangon ako mula sa kama ko. Naglakad ako para isindi ang ilaw. Nang lumiwanag ang buong kwarto ko ay pinagmasdan ko ang paligid.
Nahagip ng paningin ko ang picture frame na nakapatong sa isang lamesa. Lumapit ako roon at kinuha ang frame. Kapang-kapa ko ang medyo magaspang na texture nito dahil sa alikabok. Pati ang mismong salamin ay naaalikabukan na rin.
"Bakit ka nagpakita bigla sa panaginip ko?" Iyon nalang ang nasambit ko habang mahigpit na nakahawak sa picture frame.
"Claire!" Muntik kong mabitawan ang hawak kong picture frame nang biglang buksan ni kuya ang pinto na naging dahilan din ng pagkagulat ko.
"Kuya..." napahugot ako ng malalim na paghinga kasabay ng saglit na pagpikit. "Bakit?"
"Bakit gising ka pa?" tanong niya. Nag-iisip ako ng isasagot ko habang nakatingin sa kaniya. Nakasimangot siya at biglang binuksan ang cellphone na nasa kanang kamay.
"Bakit ikaw, gising pa?" tanong ko pabalik.
"Ikaw nga ang tinatanong ko tapos ipapasa mo sa akin. Siraulo ka!" Napairap siya sa akin at akala ko ay aalis na siya pero bigla siyang naglakad papasok.
Tinitigan niya ang hawak ko at kinuha 'yon mula sa akin. "Bakit hawak mo 'to?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa bagay na 'yon.
Napabuntong hininga ako at biglang pumasok sa imahinasyon ko ang mukha niya kanina sa panaginip ko.
"Nanaginip ako," pabulong kong sambit.
"Akala ko ba kayo na ni Wyett? Magkasama lang kayo kahapon ah," sambit niya.
Nahiga ako at tumagilid upang tumalikod sa kaniya. Niyakap ko ang unan ko at binaluktot ang katawan. "Ayokong sagutin siya nang wala pa akong kasiguraduhan."
"Pero bakit mo napanaginipan?" Akala ko ay tapos na kami sa usapang 'yon. Bakit niya ba ako tinatanong? Hindi nga ako aware na magpapakita siya sa panaginip ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit siya nagpapakita.
"Death anniversary niya," Iyon lamang ang masasagot ko. Nagtatampo ba siya dahil hindi ko naalala?
Naririnig ko ang paggalaw ni kuya. Rinig ko ang kaniyang mga yabag at ang paglapag ng picture frame sa lamesa. Matapos 'yon ay naramdaman ko ang pagbalik ni kuya palapit sa akin. Maya-maya pa ay bigla siyang naupo sa kama ko pero hindi ko siya nilingon.
Katahimikan lamang ang bumalot sa buong kwarto. Habang rinig ko ang malalim niyang paghinga ay pinili ko nalang pumikit.
Nakikita ko ang mukha niya sa pagpikit ko. Nakatingin lang siya sa akin habang hinahawi ang buhok ko. Kinakanta niya 'yong paborito naming kanat ng BIZARre.
"You are the moon in my universe." Nakahawak siya sa kamay ko at hinahaplos ang ulo ko. Pinapatahan niya ako habang umiiyak dahil kinakabahan ako nang mga oras na 'yon. Nag-aalala ako dahil baka pumalpak ako sa school.
"You are my light my saving grace. The only thing that matters to me..."
"Your face is the only thing I can see." Nagsabay ang boses namin pero mas dama ko ang emosyon sa boses niya. Sa dami ng babae sa paligid niya ako 'yong pinili niya.
Inalis ko muna 'yon sa isip ko pero ibang bagay naman ang pumasok. Kung akala ko ay masakit na 'yong kanina, mas masakit pa pala 'to.
Bumabalik lahat lahat ng mga pangyayari noong araw na 'yon. 'Yon ang mga oras na pakiramdam ko nawala ako sa sarili ko. Hindi ko maipaliwanag at para bang namanhid lang ang aking buong katawan.
Hindi ko nagawang tignan at harapin siya nang mga oras na 'yon. Pakiramdam ko ay babagsak ang buong katawan ko kung sakali mang nakita ko siya. Ni hindi ko rin nagawang buuin ang aking loob kahit noong huling araw namin siyang nakita. Ginamit ko nalang lahat ng lakas ko dahil alam kong pagkatapos ng araw na 'yon ay hanggang alaala nalang siya.
Naaalala ko pa noong ipinatong ko ang bulaklak sa ibabaw ng salamin na 'yon. Tanaw na tanaw ko ang maamo niyang mukha, ang puti niyang suot at ang katawan niyang wala nang buhay.
Nakatitig lang ako roon habang unti-unting nanghihina ang aking mga tuhod, "You are the moon in my universe. You are my light my saving grace." Kahit hindi ko alam kung saan huhugutin ang hangin ay pinilit kong bigkasin ang mga salita para alayan siya ng awit.
"The o-only thing that ma-tters to me." Halos pabulong nalang ang boses ko pero pinipilit kong lakasan dahil iniisip ko baka naroroon lang siya noong mga oras na 'yon.
"Your face is the o-only thi-ng I can..."
"Claire!" Agad akong napadilat sa pagtawag na 'yon. Doon ko lang din nalaman na kanina pa pala ako umiiyak.
Hindi ako lumingon sa kaniya ni bumangon. Gusto ko nalang itago lahat ng nararamdaman ko. Alam kong hindi na tama dahil makalipas ang dalawang taon dala-dala ko pa rin ang sakit.
"Huwag kang umiyak," sambit niya kaya hinayaan ko ang sarili kong humigop at bumuga ng hangin.
"Bakit ba..." Gusto ko sanang magtanong pero huwag nalang siguro. Mahirap ipaliwanag ang sitwasyon ko at mukhang malabong masagot ang mga tanong ko.
"After 2 years, you're still there."
Hindi nalang ako sumagot dahil totoo naman. Gusto ko mang kalimutan ay pakiramdam ko hindi ko pa kaya. I even said to myself that it's not hard to fall inlove with Wyett pero mukhang mas mahirap umahon sa sitwasyon ko ngayon.
Nilingon ko si kuya at gustong-gusto ko siyang yakapin pero ayoko. Ayokong magmukhang palaging mahina dahil hindi palaging nandiyan siya.
"Matulog ka na, babantayan kita." Kinuha niya ang mga unan sa bandang paanan ko at ihinagis 'yon sa akin.
"Doon ka na, ayoko ng may kasama!" pasigaw kong sabi sa kaniya at tumalikod.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya at naramdaman ko nalang ang paglayo niya mula sa akin. Naglakad siya papunta sa pinto at narinig ko nalang na nakalabas na siya.
Lumabas ako mula sa kwarto. Alam kong late na akong nagising dahil pasikat na ang araw. Hindi ako ginising nang maaga ni kuya siguro ay dahil alam niyang puyat ako, pati siya ay napuyat ko.
"May lakad ako mamaya kasama mga kaibigan ko no'ng high school." Nagsasalin siya ng mainit na tubig sa tasa at tsaka ito hinalo gamit ang maliit na kutsara.
"Anong oras?" tanong ko. Nag-umpisa akong magsandok ng kanin para sa aming dalawa dahil alam kong hindi pa siya kumakain.
"10 ang usapan pero hindi ko alam, depende kay Drake."
Nag-umpisa na kaming kumain at naninibago ako sa katahimikang bumabalot sa amin. Sa mga nagdaang linggo ay palaging maingay tuwing magkasama kami.
"Nakausap mo na ba sa Faye?" Binasag niya ang katahimikan pero hindi ko magawang dugtungan. Hindi ko pa nakakausap si Faye tungkol sa nangyari kahapon. Hindi ko rin magawang buksan ang usapan. Alam kong masakit ang nangyari para sa kaniya.
Napatingin ako sa kaniya at nakatitig lang siya sa akin habang ngumunguya. Nakahawak siya sa baso at nagbabalak uminom pero mukhang hinihintay niya ang sagot ko. Umiling nalang ako bilang sagot. "Hindi ko lubos maisip na ginaganon sila. Akala ko puro saya lang sa pamilya nila." Ako rin, kuya. Kahit magkakalayo tayo nila mama at papa ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila.
Matapos kumain ay tinulungan ko na siya sa gawaing bahay. Maya-maya pa ay gumayak na siya at sinundo siya ng kaibigan niya noon na si Kuya Drake.
Mag-isa lang ako sa bahay at hindi ko rin alam kung bakit. Gusto kong mag-isa pero ayokong walang kasama.
Pumasok muna ako sa kwarto at kinuha ko ang cellphone ko para i-charge. Pagkasaksak ko nito ay sumabay ang pagtanggap ko ng message. In-unlock ko agad ang cellphone ko para basahin 'yon.
Wyett
Pupunta ako sa inyo, may ibibigay ako. May pupuntahan din tayo, gumayak ka kahit casual lang.
Nag-reply nalang ako ng "sige" kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. May tiwala naman ako sa kaniya at sure akong hindi niya ako ipapahamak.
Naghanap ako ng pantalon at fitted na t-shirt. Habang naghahanap ako sa cabinet ay nagising naman si Katkat.
Sumandal siya sa binti ko ay ikiniskis ang ulo niya roon. Maya-maya pa ay bigla naman siyang pumikit kaya hinayaan ko na muna.
Nagpatuloy ako sa paghahanap ng fitted top. Nakita ko ang blouse na round neck at puff sleeves. Kinuha ko rin ang skinny jeans at ang sandals ko na may maliit na heels.
Kinuha ko na ang tuwalya at dumiretso na sa banyo para maligo. Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto. Dalawa na sila Katkat at Carl na nasa kwarto ko at talagang umakyat pa sila kama ko.
Kinuha ko ang mga panloob at isinuot na 'yon. Nakatingin ako sa salamin at bahagya kong naaaninag ang dalawang alaga namin. Nakakailang pala kapag nanonood sila habang nagbibihis ang amo.
Nakatitig si Katkat habang si Carl ay nakahiga at pagulong-gulong lang. Nagpatuloy na ako sa pagbihis at napansin ko ang bahagyang pagpayat ko. Lumuwag sa bewang ko ang pantalon at medyo maluwag din ang manggas ng pang-itaas ko.
Nag-ayos ako ng bahagya gamit ang polbo, lipstick at mascara. Pagkatapos ay nag-umpisa na akong manuklay pero habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok ay napatingin ako sa isang bagay.
Kinuha ko 'yon at nag-umpisa nanamang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Mas masakit pala kaysa kagabi. Dalawang taon na pero parang ilang linggo palang ang nakalilipas.
Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay nakikita ko pa rin kung paano pumatak sa frame ang mga luha ko. Bigla ko namang narinig ang busina ng motor sa labas.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa sala. Sinilip ko iyon mula sa bintana at siya na 'yon.
Bakit parang may nagtutulak sa akin na huwag sumama? I feel like it's cheating once I go with him.
Bumalik ako ako sa kwarto. Nakatingin pa rin ako sa picture frame. Hindi ko gustong basta-basta nalang i-reject si Wyett. He's nice, hindi niya ako tinatratong isang biro at hindi ko gustong saktan siya. Pero...
Bumusina siyang muli at napahawak naman akong muli sa frame. Niyakap ko 'yon at kahit na para na akong tanga sa ginagawa ko ay hindi ko na talaga alam.
Naglakad ako papunta sa saksaka at kinuha ang cellphone ko. Alam kong isang pagsisisi ang mangyayari sa huli pero hindi ko talaga pwedeng ipilit. I never had a break-up with Marco, it's... cheating.
Matapos kong i-send ang text message na 'yon ay napahawak ako nang mahigpit sa cellphone habang yakap pa rin ang picture frame. Maya-maya ay narinig ko ang pagbusina niya at ang pag-andar ng motor. Napaupo nalang ako at napasandal sa kama ko.
Ayokong manakit pero ayokong maging paasa. Hindi ko talaga kaya at hindi ako handa. Sorry, Wyett.
Nakapikit lang ako habang nakahawak sa buhok ko. Nasa pagitan ng aking hita at dibdib ang picture frame habang nakalapag sa tabi ko ang cellphone.
Paulit-ulit kong binabasa ang text message na 'yon. Tama nga ba? Do I have to do that? Pakiramdam ko napakalaking pagkakamali ang nagawa ko. I hurt him when all he did were good things.
Makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na akong tumayo mula sa pwesto ko. Kung mali man ang ginawa ko, gusto kong malinawan sa lahat. I have wasted a lot of days and times na hindi ko man lang naisip si Marco. I almost forgot him when Wyett came. Siguro...
...nagseselos lang siya.
Muli akong humarap sa salamin at nag-ayos ng sarili. Alam kong ayaw 'to ni kuya pero I need to do this. Alam kong ito 'yong paraan para matapos lahat ng gumugulo sa isip ko.
Lumabas ako papunta sa highway at pumara ng XLT para pumunta roon. I don't have any gift or something to give. Ayos na siguro sa kanya na pumunta ako.
Nang makarating ako ay dire-diretso lang ako sa paglalakad. Isang linggo rin na hindi ako nagawi rito. Saglit lang akong naglakad at nakarating na rin ako roon.
"Hello, I missed you." Bigla ko nalang naramdaman ang mainit na tubig na umaagos sa pisngi ko. "Pasensya na, ngayon lang nakadalaw. I've... I've committed a sin."
I know wherever he is, alam niya ang ginagawa ko. He's always there for me when he's still here at kahit 'di na namin siya kasama ay alam kong palagi siyang nakabantay sa amin.
"I entertained another guy... I'm---I'm sorry." I can't find the right words to say. Gusto ko nalang humingi ng patawad sa kaniya. Pakiramdam ko ang sama-sama kong girlfriend.
"We didn't say proper goodbyes. Alam ko, Marco na palaging sinasabi sa akin ni Kuya na humanap na ako ng iba kasi...it's been two years. I'm still in grief, I'm still...in pain. I'm still inlove with the man who left me. Sa'yong sa'yo pa rin ako."
Luckily, ako lang ang narito ngayon. Ayokong may makakita sa akin sa ganitong sitwasyon. I hate people staring at me while in this kind of situation.
Ibinaluktot ko lang ang tuhod ko at niyakap ang mga 'yon. Nakatingin pa rin ako sa laipdang 'yon habang iniisip ang mukha niya. Na-iimagine ko 'yong ekspresyon ng gwapo niyang mukha habang umiiyak ako at nagsusumbong tungkol sa hindi magandang nangyari.
"I tried finding another man. I tried, Marco. Pero wala, pakiramdam ko niloloko lang kita, 'yong sarili ko. Ayokong manakit ng iba dahil lang sa maling desisyon."
"Marco, enlighten me. Do I have..." Napayuko ako sa mga tuhod ko. Doon ko hinayaang bumagsak nang tuluyan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung malakas ba ang paghagulgol ko o sapat lang dahil ayokong marinig ng iba kung sakali mang may daraan.
Muli akong tumingin sa lapidang 'yon at tsaka ko siya tinanong. "Do I have to find another man and let you go?"
Nang lumingon ako sa paligid ay ninais ko nalang lumubog sa pwesto ko ngayon.