Chapter 16

1667 Words
Chapter 16 Claire's POV Nang malinawan ako sa nakikita ko ay agad kong pinunasan ang mga luha ko at tumalikod mula roon. Ramdam ko ang lakas ng bawat t***k ng puso ko. Dali-dali akong tumayo at nag-umpisang maglakad na parang walang nangyari at nakakita. Napatingin ako sa relo ko at ni hindi man lang ako naka-30 minutes doon. Gustuhin ko mang magtagal pa ay hindi na pwede. Nag-vibrate ang cellphone ko at kinuha ko naman agad 'yon. Napatigil ako sa paglalakad at napahawak nang mahigpit sa cellphone ko. Hindi ko inaasahan ng message na 'yon. "Hello, Claire." Isang matamis na ngiti ang ibinungad niya sa akin. Matagal-tagal na rin noong huling beses akong napunta rito. Hindi sa ayokong pumunta pero umiiwas ako sa mga salita at sakit. "Kumusta?" tanong niya habang kumukuha ng plato mula sa cabinet sa kusina. Nanatili lamang akong nakatayo sa tabi ng pinto nila. "Maupo ka," sambit ng kaniyang asawa. Nakayuko akong naglakad papunta sa kusina at naupo sa isa sa nga upuan doon. Tahimik lamang ang buong bahay. Naroroon lamang sa harap ko ang matandang lalaki habang nakatingin sa kaniyang asawa na naghahanda ng pagkain. "Honey, patulong nga rito," sambit ng kaniyang asawa habang isinasalin ang ulam sa mangkok. Agad tumayo ang lalaki at kinuha ang mga pagkain na naisalin na. May tortang talong na nasa plato na kalalapag lamang sa mesa at may sinasandok pang nilagang baka. Habang hinihintay kong matapos sila sa kanilang ginagawa ay napalingon ako sa paligid. Siguro'y nasa pitong buwan na noong huli akong napunta rito. May mga nabagong gamit, doob palang sa ilaw ng kitchen nila, dati ay isang fluorescent light lang ang naroroon pero ngayon ay may chandelier na. Umagaw ng atensyon namin ang tunog na nagmumula sa kabilang parte ng bahay. Lumabas mula sa kwarto ang kapatid ng boyfriend ko, si Kuya Dexter. "Naka-kalahating araw ka na, ngayon ka lang bumangon." Halata sa tono ng boses nito ang pagkainis sa kaniyang anak. "I've been up all night. Tsaka lang ako dinapuan ng antok noong bandang alas singko," sagot nito. Naka-shirt pa siya at shorts, magulo ang buhok at medyo mapungay ang mata. Hindi ko na alam kung anong year na siya sa college pero he's three years older than Marco. "Oh, Claire, nandito ka pala." Nagbigay ako ng isang tipid na ngiti sa kaniya. Napatigil naman ako sa patuloy na pagtingin dahil sa pag-oobserba, "Wala ka na ba talagang balak na ituloy ang course mo?" Napaupo na lamang siya sa tabi ko at kumuha agad ng kanin at ulam. Ni hindi niya man lang pinansin ang daddy niya sa tanong nito. "Enrollment na ulit sa susunod na buwan, wala ka na bang gagawin sa buhay mo?" tanong pa ulit ng daddy niya. Hindi na siya nag-aaral? He used to be that achiever student way back in high school. Grade 7 kami noong graduating siya as grade 10. Salutatorian siya ng batch nila at isa sa mga puring-puri ng teachers pagdating sa kasipagan. "Sa dami ng oras na pwede niyong itanong 'yan, talagang ngayon niyo naisipan. At talagang isinakto niyong may kasama tayong bisita." He has a point. Kung ako rin ang tatanungin bigla ng ganoon at isasaktong may bisita, magagalit din ako. Those things should be personal. It doesn't matter to me kung huminto siya sa pag-aaral 'cause I know him, may pangarap siya pero kung nagkataon na sa ibang bisita, ewan ko nalang. "Bakit, sa dami ng oras na 'yon, nagbigay ka ba ng panahon na harapin kami?" Matapos itanong 'yon ng daddy niya ay napuno ng katahimikan ang buong bahay. Tanging ang tunog lamang ng pagtatama ng kutsara't tinidor at mga plato ang naririnig. "Busog na ako." Matapos sabihin 'yon ni Kuya Dex ay tumayo na siya. "Nice to see you, Claire." Napabuntong-hininga ang kaniyang daddy at ang mommy naman niya ay tila nangungusap ang mga mata. Nang matapos kaming kumain ay tumayo ako upang mag-prisinta na ako na sana ang maghuhugas ng pinggan pero si Tito Ver ang nagsabing siya na ang bahala. Tinawag ako ng kaniyang asawa upang maupo muna sa sala nila at binuksan niya ang air-con doon. Naupo ako sa sofa na pang-isahan lang at doon naman siya sa mas mahaba. "It's been two years, Claire. Are you still missing him?" Hindi na ako nabigla sa tanong niya pero nakaramdam pa rin ako ng kirot sa puso ko. "Opo. I'm still into him. Kung nandito pa rin siya hanggang ngayon, siguro masaya siya dahil malapit na kaming mag-college." Nag-iwas ako ng tingin matapos kong sabihin 'yon. Nararamdaman ko ang mga nagbabadyang luha mula sa mga mata ko at ayokong may nakakikita sa aking umiiyak. "Claire, huwag mo sanang masamain..." Nilingon ko siya na naka-pwesto sa harap ko ngayon. Dumating si tito at dinalhan siya ng tsaa, humigop muna siya roon at tsaka itinuloy ang sinasabi, "Are you dating someone right now?" Napatigil ako sa pagtingin sa bawat galaw niya at nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata. Nanlamig ang pakiramdam ko at medyo bumibilis ang t***k ng puso ko. "Hon, 'wag mo nang itanong 'yan, masyadong personal," sambit ni tito. "H-hindi po, ayos lang. I actually don't have someone special right now. Mahal ko pa rin po ang anak niyo." Really, Claire? Yeah, I'm still inlove with Marco pero isang kasinungalingan sa part na wala akong pinayagan na pumasok sa buhay ko. "Good to hear. You know, hanggang ngayon masakit pa rin sa akin na nawala si Marco at young age. His death was sudden, alam kong isa ka sa pinaka-naapektuhan niyon." Pinipilit kong magbigay ng isang pilit na ngiti. Sa totoo lang, sa loob ko napakasakit na pag-usapan ulit 'to. "By the way, we went to his grave yesterday but we arrived late. We were expecting na nauna kang dumalaw pero pagdating namin doon, walang bulaklak or anything." Mas lalo akong kinabahan dahil sa tanong ni tito. Do I disappointed them? "A-ahh, may event po kasi sa school, hindi po ako pwedeng umalis dahil class president po ako ngayon. Balak ko po kahapon na after ng event nalang ako dadalaw pero pagod na rin po ako kaya kanina lang ako nakapunta." Ilang kasinungalingan pa ba ang sasabihin ko? How much do I need to say para kumbinsihin sila? I have my own life pero hindi ko pwedeng isantabi si Marco, siya pa rin ang boyfriend ko kahit anong mangyari. Lumipas ang ilang sandali at nagpaalam na ako sa kanila. Sa tricycle na ako sumakay para maipapasok hanggang sa kanto namin. Habang nasa biyahe ay nakatanggap ako ng text mula kay kuya. Tinatanong niya kung kumain na ako at ang sabi ko ay oo. Hindi ko na sinabing doon ako kumain kila Marco dahil baka magalit siya. Nakarating na ako sa amin at pagpasok ko palang sa bakuran namin ay may kumatok na sa gate. "Claire!" Sa boses at pagsigaw palang ay alam ko na kung sino 'yon. "Kararating mo ba? Saan ka galing?" Iyon ang ibinungad niya sa akin pagpasok niya palang mula sa gate. Habang isinasarado ko ang gate ay may nakita akong papunta sa amin kaya isinara ko 'yon agad. "Pumasok ka," sabi ko kay Faye at patakbo akong pumasok sa loob. Isinara ko rin ang pinto at buti nalang ay nasa loob ang mga pusa. "Bakit?" Nagtatakang tanong ni Faye. Sumilip ako sa bintana at nakita kong naroroon pa siya. Nakatanaw lang sa bahay namin at tila may iniisip na malalim. "Kinakabahan ako sa'yo. Sino ba 'yan? Stalker mo, may utang kayo o ano?" "Manliligaw ko." Nang mapagtanto ko ang sinabi kong 'yon ay nilingon ko siya. Nakatitig lang siya sa akin habang nanlalaki ang mata. Maya-maya pa ay nakita ko ang pagbuo ng isang malapad na ngiti sa kaniyang mukha. "Anong pangalan? Kailan pa?" Halatang na-eexcite siya dahil ni hindi ako tumanggap ng manliligaw mula pa noon. Hinila ko siya papunta sa sofa at muli kong tinanaw si Wyett na nasa labas. "May lakad dapat kami ngayon," sambit ko kay Faye pero hindi pa rin ako mapakali. "Oh? Bakit ayaw mong lumabas?" Tumayo siya at bubuksan na sana ang pinto nang pigilin ko siya. "Mali 'to." Nilingon niya ako habang nakakunot ang noo. Mas lalo siyang naguluhan sa mga sinasabi ko. "Faye, listen, last week pa siya nagpakilala sa akin. We even dated at pinakilala ko rin kay kuya." Habang sinasabi ko ang mga pangyayari ay nakahawak siya sa kaniyang bibig at pilit pinipigilan ang sarili na tumili. "May looks siya, bakit ayaw mong lumabas?" "Hindi pa ako handa." "Ha? Paano? Tinanggap mo siya bilang manliligaw mo tapos hindi ka pa handa?" "I'm cheating on Marco." Napayuko ako at parang tutulo nanaman ang mga luha ko. Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na 'yon para akong nanghihina. "How? Marco's gone long ago. Alam kong gusto niyang makalaya ka mula sa kaniya. Pati ang kuya mo 'yon ang hiling at ako mismo." Alam kong medyo naiinis siya sa dahilan ko pero wala akong magagawa. Ayokong ipilit ang sarili ko. "Nagkagusto ako sa kaniya pero kahapon ang death anniversary ni Marco. Hindi ako nakapunta kasi..." Nilingon kong muli si Faye at ibinaling ko agad ang tingin ko sa bintana. Wala na si Wyett. "...nag-date kami ni Wyett." Hindi na niya napigil ang sarili at medyo napalakas ang boses. Inalog-alog pa niya ako at tila gigil na gigil sa sobrang kilig. "So bukod sa nagkagusto ka sa kaniya, ano pang ibang nangyari?" "Noong gabi, mahimbing na 'yong tulog ko pero nagpakita siya sa panaginip ko. Para siyang nagagalit kasi nag-entertain ako ng iba. Faye, I'm still committed to him, wala kaming official break-up at walang isang nag-confirm na wala na kaming relasyon." "Pero you should end," sambit ni Faye. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin at nakasandal sa pinto. "Dalawang taon na, Claire. Hindi na siya babalik. Oo masakit kasi you've been in a relationship with him pero panahon na para alisin 'yong sakit na nararamdaman mo." "You also said that your suitor is Wyett? Wyett Lopez? Swerte ka sa kaniya kapag nagkataon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD