Chapter 17
Claire's POV
"What do you mean swerte?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Does she know him?
"Nanligaw si Wyett sa pinsan ko noong grade 10 tayo. Araw-araw niyang sinusundo tapos may baon pang tubig para hindi mauhaw 'yong pinsan ko galing sa practice ng volleyball. Personal din siyang nagpakilala sa magulang at tipong pati sa amin. Sweet si Wyett at magalang, walking green flag kumbaga."
Napangiti nalang ako nang pilit. Is she tempting me to come back to Wyett? Oo ma-effort si Wyett pero kung may walking green flag man, si Marco lang 'yon.
Matagal din ang katahimikan sa pagitan namin. Nakatingin lang siya sa akin habang ngumingiti na parang nang-aasar.
"Teka nga, bakit nga ba hindi mo sinasabi sa akin? Isang linggo na pala siyang nanliligaw sa'yo pero hindi mo man lang ipinakilala."
"Ayokong may ibang makaalam. Hanggat hindi pa ako handa ayokong sabihin sa'yo."
Napataas ang isa niyang kilay na tila naguguluhan. Siguro ay nagtatampo siya dahil hindi ko man lang binanggit o hindi man lang ako nagbigay ng clue na may nanliligaw sa akin.
"Kaibigan mo ako, Claire. Why would you hide things?"
"Kasi I love to keep things confidential. Para namang hindi mo ako kilala," sambit ko sabay tawa nang mahina. "Teka nga bakit ba puro ako ang tinatanong mo? Kumusta na pala sa bahay niyo?"
Nang itanong ko 'yon ay unti-unting napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mali ba ako ng pag-iiba ng usapan?
"A-ahh, sorry."
"Hindi, ayos lang. Gusto ko rin naman na may masabihan ng mga ganitong bagay. Hindi katulad mo na malihim, ako gusto kong nagsasabi sa'yo."
Why is she saying those words? Nagtatampo ba siya dahil sa paglilihim ko? Is she thinking that I'm being unfair for not saying those things?
"Pasensya na pala sa nadatnan mo kahapon. Madalas ganoon sa bahay kapag walang nakahaing pagkain sa mesa. Lahat kasi kami ay busy, si lola ang naiiwan sa bahay." Habang sinasabi niya 'yon ay nakikita ko ang kirot sa kaniyang mga mata. Kahit na ano pang nagawa nila hindi naman nila deserve na tratuhin ng ganoon.
"Ano palang nangyari sa babae? 'Yong pinsan mo 'yon kung hindi ako nagkakamali."
"Pinili nalang nilang lumipat ng titirahan. Sa'min 'yong bahay na 'yon pero habang ginagawa kinausap ng tita ko 'yong tatay ko na kung pwede ay maghati nalang sila sa pampagawa. Dahil sa wala ngang kasama ang lola ko, doon nalang din nila pinatira." Hindi niya magawang tumingin sa mga mata ko. Nanatili siyang nakatingin sa itaas at paminsan-minsan ay inililipat ang tingin sa paligid.
Lumipas pa ang ilang sandali at nakatanggap ng tawag si Faye na kailangan na niyang umuwi. Habang nag-aabang ng masasakyan si Faye ay sinamahan ko siya sa labas nasakto rin namang paparating na si kuya.
"Pauwi ka na ba?" tanong agad ni kuya hindi pa man siya nakararating sa harap ng gate namin. Dali-dali siyang bumaba mula sa sasakyan ng kaibigan niya at pumasok sa gate namin para kuhanin ang motor.
"Maiwan ka na," sambit niya at pinanood ko lang silang makaalis mula sa amin.
Hindi naman nagtagal at nakabalik na si kuya. Hindi niya nga lang ako kinikibo o pinapansin. May nagawa ba ako o ayaw niya lang talaga ng kausap?
Nakita ko siyang nakaupo sa kusina habang kausap sila mama. Medyo mahina ang boses nila at parang may pinag-uusapan na hindi ko dapat malaman.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko ang mabigat na paglapag ng paa ni kuya sa sahig.
"Bakit ka nakipagkita sa pamilya ni Marco?" Tila mas lalong bumukas ang tenga ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. Matalim ang kaniyang tingin at tila nagpipigil lang ng galit. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang kaba. Parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito.
Pero hindi ko naman nabanggit sa kanya. "Kuya, paano mo---"
"So totoo nga na nagpunta ka sa kanila?" Ang bobo mo, Claire. Masyado kang nahalata sa sagot mo.
Napayuko nalang ako at papasok na sana ako sa kwarto ko nang tuluyan nang magbitaw ng mabigat na salita si kuya, "Subukan mong pumasok diyan, hinding-hindi kita kakausapin. Kuya mo ako, Claire, kapag kinakausap kita, sumagot ka."
"Nagpunta ako sa kanila, doon ako kumain," pabulong kong sagot.
Narinig ko ang pagpitik ng kaniyang dila sa loob ng kaniyang bibig na nagsanhi ng tunog na alam ko ang ibig sabihin.
"Bakit ka pumunta? Akala ko ba nagpapaligaw ka na?" Mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob na sumagot nang tanungin niya 'yon. "Sagot!"
Tuluyang nanikip ang dibdib ko dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. "Hindi ko kaya. Pakiramdam ko niloloko ko lang palagi 'yong sarili ko, si Marco, si Wyett. Hindi ako nagiging totoo at mas lalong nagtataksil ako kay Marco."
"Matagal nang wala si Marco, Claire. Two years are too much for you to move on." Can't he understand what I'm trying to say? Hindi ba niya naiintindihan o ayaw niya lang intindihin?
Napapikit ako nang mariin at itinikom ang aking bibig. Hinayaan kong lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi habang nakayuko.
"M-mahal ko si Marco at ayokong paasahin lang si Wyett. Kuya, kilala mo ako, hindi ko ugaling manakit ng tao." Matapos kong bitiwan ang mga salitang 'yon ay naramdaman ko agad ang mainit na brasong dumikit sa aking balikat. Mas lalo ko nang ibinuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigil.
"Sorry," bulong ni kuya. Wala naman siyang kasalanan. Alam kong gusto niya lang akong maging masaya.
Nasa gate na ako ng school at napatingin ako sa aking relo. Maaga pa naman kaya pinili ko nalang maglakad nang saktong bilis habang nakasabay sa mga tao. Naiilang ako kapag naglalakad mag-isa kaya kahit hindi ko kilala ang mga kasabay ko ay nakasunod lang ako sa kanila. May kasabay akong babae at may dala siyang paper bag sa kanang kamay at tumbler sa kaliwa. Nasa harap naman namin ang mag-jowang mabagal maglakad. Nakaakbay ang lalaki sa babae at kahit nakakainis sa paningin dahil ang bagal nila ay hinayaan ko nalang. Parehas naman kaming makaka-benefit dito, makapagtatago ako sa mga tao at mas mahaba ang oras nila. Isa pa, hindi pa ako nakasisigurong tapos na ang usapan tungkol sa akin dahil sa nangyari noong Friday.
Halos mapatalon ako kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko nang biglang may umakbay sa akin. "Mare." Nakatapat ang tenga ni Don sa akin sabay kiliti sa aking baywang. Medyo naiirita ako roon dahil umaga palang ay nangungulit na siya ngunit ayokong ipahalata.
Sabay kaming naglalakad at kung titignan ay humahampas ang balakang niya na parang isang contestant sa pageant. Hindi siya nagpapahalatang medyo malambot siya pero nahahalata ko na 'yon mula pa noon. "Kumusta ka no'ng Friday?" tanong niya. Muli akong bumalik sa lungkot na nararamdaman ko kanina.
Napapaisip nanaman ako at napatingin sa paligid ko. May ilang nakatingin sa akin at ang ilan ay hindi. Napako ang tingin ko sa tatlong babaeng nakaupo sa bench sa harap ng bakanteng room. Nakikita ang mga pumapasok sa gate mula roon at nakaharap sila sa pathway. Nagbubulungan sila at nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay may ilang babae pang lumapit sa kanila at lahat ay sinusundan ako ng tingin.
Sumasakit ang dibdib ko dahil sa nakikita ko. Malakas ang loob ko pero hindi ko maiwasang masaktan sa mga nakikita ko. Lalo na kung alam kong wala akong nagawang mali tapos basta nalang silang mag-uusap na parang wala ako. Ayoko kasi sa lahat 'yong napapahiya ako kapag hindi naman dapat.
Nasa classroom na kami at may kani-kaniyang ginagawa ang lahat. Ilang minuto nalang ay malapit na ang flag ceremony kaya mas lalong umiingay sa loob kasabay ng pagdating ng iba pa naming kaklase.
"Claire!" tawag sa akin ni Kyla. "Bakit umuwi ka agad noong Friday? Hindi mo man lang natapos 'yong awarding."
Nagbigay ako ng pilit na ngiti, "Alam mo naman 'yong nangyari 'di ba? Gusto ko munang umiwas sa g**o," sambit ko.
"Panalo naman tayo sa ibang contest kaya masaya si Sir Gino. Medyo disappointed lang dahil sa nangyari."
Naglalakad kami papunta sa gym. Katapat 'yon ng faculty ng junior high school at may kalayuan mula sa building namin. Wala pa si Faye kaya si Kyla ang kasabay kong naglalakad. Medyo maraming tao ang kasabay namin dahil nagtatawag na ang head teacher ng MAPEH at sinabing bilisan namin ang pagpunta roon.
Dahil sa pag-aapura ng karamihan ay hindi maiwasan ang tulakan at nasaktong sa akin bumangga ang naitulak. Hindi ako sanay tumingin sa tao kahit nabangga na ako ng mga 'yon, "Sorry," sambit nito. Napahinto ako saglit dahil kilala ko ang boses na 'yon.
Tumingala ako upang tignan siya pero nakalayo na siya at kahit na likod nalang niya ang natatanaw ko ay alam kong siya 'yon.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kyla. Sa sobrang pagkadala ko sa pagkakabangga namin ay hindi na ako nakapagsalita at tanging pagtango lamang ang naisagot ko.
Nakapila na kami sa gym, sa gilid kami naka-pwesto. Si Kyla na ang pinagbilang ko para sa attendance dahil wala pa si Faye.
Habang nag-iingay ang lahat ay tahimik lamang ako at nakayuko. Kahit na wala namang nakatingin sa akin ay pakiramdam ko pinagmamasdan nila ako at hinuhusgahan.
"Kumusta pala 'yong nililigawan mo?"
"Hindi ko rin alam." Nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang usapang 'yon. Unti-unti akong lumingon sa gilid namin at nakita ko ang pila ng mga lalaki sa ibang section. Doon ko rin napagtanto na ako nga ang tinutukoy nila dahil alam na alam kong siya 'yon.
"Paanong hindi mo alam?" tanong muli ng kaibigan niya. Sa pagkakataong 'yon ay lumingon ako sa kanila upang pagmasdan ang usapan nila.
Sumagot siya sa kaibigan niya pero hindi ko na marinig nang maayos dahil natakpan na ng ingay ang mga boses sa paligid ko kaga muli akong yumuko.
Natapos ang flag ceremony na hindi ko man lamang nalaman ang isinagot niya. Kahit na ako ang lumayo ay nasasaktan pa rin ako. I slightly had feelings for him that's why ako na ang umiwas. Marco is still watching me.
"Maiiwan po ang mga class president at secretary." Nang sabihin 'yon ng assistant principal ay nagsikilos na ang lahat upang bumalik sa classroom pero nanatili lamang ako. Wala si Faye kaya siguro ako nalang mag-isa.
Naglakad ako papunta sa ibaba ng stage. Naroroon ang lahat at nakapila sila. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mapayuko dahil nararamdaman ko nanaman ang mapanghusgang paligid.
"Ikaw, anong section ka?" tanong ng head ng senior high school. Alam kong ako ang tinatanong niya dahil nakatingin silang lahat sa akin.
"12-STEM A po." Pabulong kong sambit.
"President?" tanong niya muli at tumango lamang ako. "Nasaan ang secretary mo?" tanong niya muli sa akin.
"W-wala po," sagot ko lamang at tsaka ako yumuko muli.
"Okay, sige. Kaya kayo pinatawag ay dahil- Yes? Anong section ka?" Napalingon ang lahat sa likod kung saan nanggagaling ang tinatanong ng teacher.
"12-STEM A po, secretary." Napalingon ako sa likod dahil sa narinig kong boses. Hindi 'yon si Faye at mas lalong hindi si Kyla o si Don.
"Come here," saad ng head teacher. Naglakad si Michael papunta sa tabi ko upang pumwesto.
"As what I'm saying, pinatawag kayo dahil magkakaroon ng activity next month, ang Binibining Kalikasan. Bukod sa pageant na gagampanan ng mapipiling muse and escort, magkakaroon din ng contests. Mayroong poster making for senior high school and model room for junior high school." Tahimik kong pinakikinggan ang bawat detalye dahil ako magbibigay ng information sa lahat.
Natapos na ang meeting at isa-isa na silang umalis pero hinintay ko munang makaalis ang lahat bago ako lumakad. Napansin ko rin kasi na naroroon siya at ayoko munang magkaroon kami ng interaction.
Nag-umpisa na akong maglakad upang makabalik na sa room pero napatigil ako nang maramdaman kong sumasabay siya sa paglalakad ko.
"Sabay na tayo," sambit niya. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil siguro ay hindi ako sanay sa pakikitungo niya. Tahimik si Michael at madalang mag-umpisa ng usapan.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang maisip kung bakit siya ang pumunta bilamg secretary. Hindi siya nag-aalok ng tulong at mas lalong hindi siya basta-basta tumutulong kung walang permiso ng tutulungan niya.
Malapit na kami sa room at hindi ko pa rin maialis sa isip ang tanong ko, "Bakit ka sumama sa meeting?" tanong ko at tsaka ako lumunok upang mabawasan ang kaba.
"Lahat may kasamang secretary o kung hindi naman, basta may mga kasama sila, ikaw lang ang wala. Ayokong magmukha kang kawawa," sambit niya na nagpakirot nang kaunti sa puso ko. Ganoon ba ako ka-miserable sa paningin niya? Mukha ba akong kawawa?
Nasa room na ako at last period na. Tahimik lamang sila habang nagsusulat ng iniwang slideshow presentation sa amin. Nasa laptop 'yon at nagfa-flash lamang sa projector na nakatutok sa whiteboard.
Habang balot kami ng katahimikan ay may ilang bulungan na naririnig sa buong room. Hindi ko na 'yon pinansin pero napukaw agad ang atensyon ko dahil sa usapan nila.
"Naaalala niyo si Marco?" tanong ng first honor namin.
"Santos? 'Yong galing sa kabilang high school na palaging inilalaban sa mga contest?" tanong din ng isa.
"Oo. Hindi ba patay na 'yon?" sambit niya na nagpakirot muli sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako lalabas mula sa kwartong 'yon.
"Oo, noong grade 10 pa." Nauubusan ako ng hangin at kahit gaano pa kalawak ang kwartong kinalalagyan ko ngayon ay nagmimistula itong masikip dahil sa nararamdaman kong kakapusan ng hininga.
Pinipilit kong isara ang tenga at isip ko pero kusa itong nabubuksan, "Hanggang ngayon hindi natin alam kung anong totoong dahilan," saad ni Don na isa rin sa madalas ilaban noon.
Napayuko na lamang ako at nagkunwaring namamali ng sulat upang hindi na makita pa ng iba ang mga luha ko. Biglang sumara ang pinto dahil sa malakas na hangin kaya napatingin lahat doon at ako ay napapikit na lamang. Maya-maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan.
Nakikisabay nanaman ang panahon sa nararamdaman ko. Para bang ang lalim ng koneksyon ng panahon sa akin. Pero sa buhay kong puro ulan, kailan kaya ako makakakita ng sikat ng araw? 'Yong hindi lulubog at mananatiling nakatanglaw sa akin.
Uwian na at katitila lang ng ulan. Huminto na rin ang hangin. Naglabasan na ang mga kaklase ko kaya nagdesisyon akong magpaiwan.
Napansin kong nakaupo lamang ang katabi ko at tahimik. Nang silipin ko ang mukha niya ay natutulog siya. Malapit nang mag-alas singko kaya tinapik ko ang balikat niya upang magising.
"B-bakit?" tanong niya habang namumula ang mata.
"Uwian na," matipid kong sambit.
Naghintay ako nang ilang minuto pero ang inakala kong aalis na siya ay naupo lamamg siya at tumingin sa bintana.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong kong muli.
"Mamaya," sagot niya. Mukhang matagal pa siyang tatambay sa room kay kinuha ko na ang bag ko upang umalis.
"Claire!" hindi pa man din ako nakakalabas ay nilingon ko siya. "Panyo mo," sambit niya habang itinuturo ang panyong naiwan ko sa desk.
Nasa labas na ako ng room at iniisip kung saan ako daraan. Maraming tao sa gate ngayon dahil hindi sila nakaalis noong umuulan. May ilang naghihintay ng sundo at may ilang naghihintay ng kasabay sa pagsakay.
Nasa gilid ako ng building namin. May puno roon na nagsisilbing lilim kaya doon muna ako tumayo. Ayoko sa maraming tao at ayokong makita ng maraming tao.
Habang nakatayo ako roon at nakatanaw sa mga tao ay biglang may tumabi sa akin. Medyo lumayo ako dahil hindi ko siya kilala.
"Hello, Claire!" Nagulat ako nang bigla niyang sambitin ang pangalan ko. Napatigil ako nang ilang segundo at tsaka ako napatanong kung bakit niya ako kilala.
"Hindi mo ako kilala, 'di ba?" Bakit nagtatanong pa siya eh halata naman sa reaksyon ko? "Ako si Patrick." Inilahad niya ang kamay niya upang makipag-shake hands pero tinitigan ko lang 'yon. Agad din naman niyang binawi ang kamay niya, siguro ay napagtanto niyang baka napapahiya siya.
"Sa GAS ako, matagal na kitang nakikita noong grade 11. Ang ganda mo kasi kaya agaw atensiyon 'yon para sa akin." Maganda? May mga lalaki pala talagang ganoon, basta maganda attractive agad. They sometimes don't consider the traits of someone. Siguro nga nagandahan siya sa akin pero hindi niya ako lubos na kilala at bagsak ang personality ko para sa iba.
"Kung ayos lang sa'yo, pwede bang makipagkilala pa lalo?" Hindi ko na siya nilingon nang tanungin niya 'yon. Hindi masyadong magaan ang loob ko sa kaniya kaya gusto ko nalang umiwas.
Naglakad na ako papunta sa gate nang makita kong kakaunti nalang ang tao. Nasa labas na ako at nagbabalak na maglakad papunta sa highway nang may tumabi nanaman sa akin kaya naglakad nalang ako nang tuluyan kahit mag-isa.