Chapter 18

2994 Words
Chapter 18 Claire's POV Wednesday na at sa bawat araw ay nakikita ko si Wyett. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako affected o hindi ako nalulungkot pero hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin. "Good morning, class. Like what I've said yesterday, we will have a quiz." Iba't ibang reaksyon ang narinig ko mula sa kanila. May ilang nakasimangot dahil hindi prepared at may ilan na chill lang at tila kampante na makakapasa. Habang iniaabot sa mga nasa harapan ang mga papel ay ipinaayos sa amin ang mga upuan. Ang kanina'y may kaunting espasyo sa bawat upuan ay mas naglayo-layo pa. Nang makuha na namin ang mga papel ay nakatingin pa rin ako kay Sir Gino. P.E. teacher namin siya at sa mga unang linggo ay nakatatlong lesson na kami sa kaniya. "This is your first quiz composed of three lessons. Ngayon, I gave the clues in your papers kung anong lesson ang kinabibilangan ng mga tanong para alam niyo ang isasagot. I don't want anyone to fail in this quiz and in my subject. Bukas sa Chemistry tayo." Naglingunan ang iba sa amin pero hindi ako nag-abalang mag-overthink pa sa kung anong mga tanong ang lalabas sa quiz bukas. Natapos ang halos isang oras at natapos ko rin on time ang quiz. Nagpaalam na si sir at sinabing siya nalang daw ang magchecheck. "Good morning!" Tatayo palang kami upang batiin din ang teacher pero sumenyas siyang maupo na kami. Nag-umpisa siyang magsulat sa blackboard ng direction para sa activity namin. "Okay, so our lesson is about the freedom. What are the things that comes to your mind when you hear the word freedom?" Matapos niyang sabihin 'yon ay clueless pa rin ako sa mga sinasabi niya. Tila lutang ang utak ko at wala sa huwisyo para intindihin ang mga 'yon. "So I want you to pair up with your seatmates and bring out a piece of clean paper and a pen." Kumuha ako ng isang long pad at isang ballpen. Kahit wala akong naiintindihan sa gusto niyang ipaliwanag ay nanatiling bukas ang tenga ko. "On the top of your paper write the word freedom. Now, with your partners, ask them how they define freedom. Mga anak, magkakaiba tayo ng pananaw sa freedom kaya dapat tanungin niyo sila, ha?" Si Michael ang nasa sulok at ako ang katabi niya. Hindi naman pwedeng makipag-pair ako sa isa ko pang katabi dahil apat kami rito sa likod at sakto ang bilang para sa pair-up. "After you write down their answers, relate one thing about you that involves freedom," Napa-'ha?' ang iba dahil naguguluhan sila. Hindi ko rin ma-gets at isa pa ay mahina ako pagdating sa reflection. Philosophy is more on human perspective and how you reflect or view your life. "Okay sige, for example my definition of freedom is my ability to do what I want. Kaya kong magpahinga kung kailan ko gusto at kaya kong mag-trabaho kung kailan ko rin gugustuhin. Ngayon base sa sinabi ko, ano 'yong bagay na mailalagay niyo na related sa sinabi ko?" Napakunot na ang noo ko sa mga sinasabi niya. Ni isa ay parang walang nakaka-gets sa amin. Napatawa nang mahina si ma'am habang naka-tingin sa akin. "Ikaw, Claire, ha. Masyado ang kunot ng noo mo," sambit niya. Napatingin naman ako sa kaniya at iniayos ang ekspresyon ng mukha ko. Nasa huling row na ako, napansin pa niya 'yon? "Okay let's go back to the topic. Mula sa sinabi ko kanina, ang pwedeng ilagay ay ang kwento ng buhay niyo. For example, I am always manipulated by the society. Palagi kong naiisip kung ayos lang ba ang pananamit at itsura ko para sa iba. Minsan gusto kong magsuot ng fitted na damit pero dahil nakikita ng iba na malaswa 'yon, hini ko nalang isinusuot. Nahihirapan akong i-express ang sarili ko." "Dahil doon, pakiramdam ko ay wala akong kalayaan," Nang sambitin niya 'yon ay unti-unti akong nalinawan at napatango ang bawat isa sa amin. "That example is related to my definition of freedom, 'di ba? Okay, start na, I will give you forty-five minutes." "Anong sa'yo?" tanong ni Michael. Alam kong kailangan naming madaliin pero wala akong maisip. Minsan naiisip ko wala yatang silbi 'yong pamumuhay ko. "Sa akin 'yong fulfillment. 'Yong pakiramdam na walang kulang sa'yo. Na kahit imperfect ka, pakiramdam mo perpekto ang buhay mo. That's freedom." Hindi ako nagtapon ng tingin sa kaniya dahil naka-focus ako sa pagsusulat habang sinusundan ang mga sinasabi niya. Nang matapos kong isulat 'yon at basahin ulit ay nagkaroon ako ng mababaw na idea. "Happiness," mahina kong sambit. Nilingon ko siya at nakatingin siya sa akin habang nakahawak nang maluwag sa ballpen niya. "Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ng bawat isa sa atin, masasabi mong kalayaan ang nararamdaman mo kapag nagawa mong pakawalan lahat ng lungkot na nararamdaman mo. Kaya kung may lungkot kang hindi mo mabitiwan, hindi ka malaya." Mukha siguro akong tanga na nagbibigay ng mababaw na pananaw tungkol sa "freedom". Mababaw ako mag-isip kaya nga ako nag-STEM kasi hindi ako pwede sa HUMSS kung mababaw 'yong pag-intindi ko sa mga bagay. Habang paulit-ulit kong binabasa ang sagot niya ay nakakaramdam nanaman ako ng kirot. Angkop na angkop sa akin 'yong sagot ko. "Okay, pass your papers forward." Nang makarating na sa harap ang mga papel namin ay pinagbali-baligtad ito ni ma'am at parang nagbabalak basahin lahat 'yon. "Two people will present their answers here, okay? Sharing tayo ngayon. Don't worry, once na nakapag-recite kayo, malinaw ang boses automatic perfect kayo. Pero may additional points base sa papel, okay?" "Let start with..." Nakatingin kaming lahat sa kaniya at halatang kabado ang iba. Butil-butil ang pawis ni Faye at si Don ay pinagdidikit ang kamay na tila pinipigil ang panginginig nito. "Claire." Of all students, bakit ako pa? Ayokong humaharap sa kanila kapag recitation. Dahan-dahan akong tumayo upang kuhanin ang papel. Nang nasa harap na ako ay para akong nanghihina. Hindi ako fluent sa English pero pinayagan kami sa Taglish. Kaso nga lang natatakot ako. Kapag nagsalita ako baka i-judge nila ako. Baka bigla nalang akong siraan sa iba at i-chismis kung paano ako mag-reflect sa Philosophy. Pumikit ako at bumuntong hininga tsaka nagsalita si ma'am, "Start na." "T-the definition of freedom I got i-is fulfillness. May mga imperfections tayo, may mga flaws. Palaging may kulang, palaging hindi sapat. Pero sa kabila ng m-mga pagkukulang na 'yon, pakiramdam natin minsan ang p-perperkto ng buhay." Napatingin ako may Faye na nakatitig lang sa akin. Sa pagtitig ko sa mga mata niya ay para akong sumisilip sa pagkatao niya. Kita ang lungkot at bakas ang problema. "I experienced losing loved ones. Nakakabaliw kapag minsan kang mawalan ng importanteng tao sa buhay mo. You always feel incomplete. You always feel like your life is full of problems. You often feel like you don't have much things to do in life. Kasi 'yong tao na 'yon ay itinuturong mong mundo at kalahati ng buhay mo. Kapag nawawalan tayo ng mahal sa buhay, pakiramdam natin ang pangit na ng buhay natin. We never see the positive side of life." Napabuntong-hininga muli ako. Mabigat ang topic na 'to pero siguro isa itong paraan para ilabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. "Ikinukulong natin 'yong sarili natin doon sa imperfections and flaws ng buhay. Palagi tayong nakatingin sa missing part. Kaya hindi natin nararamdamang malaya tayo." Alam kong medyo humihina ang boses ko. Pinipilit kong pigilin ang mga luha ko dahil ayokong ipakita na masyadong masakit ang usapang ito. "But when we see the positive side of life, mararamdaman natin 'yong freedom. Hindi lang dahil sa malaya tayong gawin ang mga bagay kundi dahil sa malaya tayo sa pag-iisip na may kulang. Napupunta tayo sa pananaw na life is beautiful. Kung gusto nating maramdaman ang freedom, we must know how to feel fulfilled despite of all the imperfections we see in our lives. Gaano man kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, we must know that it's really a nice things to live. May mga taong umaalis at nawawala pero life is too perfect for us." Isinauli ko ang papel kay ma'am at nagulat ako nang magpalakpakan ang mga kaklase ko. I know how fake it is, kung sincere man ay hindi ko matatanggap. I don't deserve getting an applause from them. I just don't know how I managed not to cry. Sobrang bigat ng activity na 'yon at tumatagos sa puso ko ang bawat salita pero hindi ako naiyak. Nakita kong nakalingon sa akin si Faye at nag-thums up siya. Para bang naiisip niya rin ang naiisip ko. Tila sobrang saya niya at hindi rin makapaniwalang nagawa ko 'yon. Pero nakakapag-alala. Am I being numb? Katulad noong mga nakaraang araw ay hindi kami makauwi dahil sa lakas ng ulan. Mayroon ding kasamang kulog at mahihinang kidlat. Medyo maputik na sa likod ng faculty dahil puro halaman doon pati na rin sa gilid ng building namin. Nasa room lamang ako at naghihintay sa pagtila ng ulan. Nasa covered pathway na ang iba at may mga nanatili sa mga classroom para hindi mabasa. "Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Faye. "Malakas pa 'yong ulan. Ayoko namang magkasakit dahil lang sa nabasa ako," sagot ko. "Nasa ibaba na raw 'yong sundo ko. Isasabay ka sana namin kaso may lakad pa kami." Dala niya ang bag niya at Ang isang paper bag na may lamang baunan. "Oh sige, ingat ka." Iyon lamang ang sinabi ko dahil kung ako ang tatanungin ay hindi ko rin nanaising makisabay sa kanila. Nagsi-uwian na ang mga kaklase ko at iilan na lamang ang naririto ngayon sa buong floor namin. Sinilip ko ang mga naglalakad sa ibaba, naroroon sila at papunta sa pathway. Ang iba ay nakisilong sa harap ng faculty pero ang iba ay lumabas na rin sa gate. "Uuwi na ako, ingat ka." Iyon lamang ang sinambit ni Michael bago siya lumabas at naiwan akong mag-isa. Lumipas ang ilang minuto at tuluyan nang tumila ang ulan. Natapos na rin ang malakas na hangin kaya inayos ko na ang gamit ko at lumabas. Pababa na ako sa hagdan pero may tumawag sa akin, "Claire, uuwi ka na?" Nilingon ko iyon at hindi ko alam kung sasagot ako o huwag nalang. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pababa dahil gusto ko nang umuwi at makaiwas sa kaniya. Maya-maya pa ay bigla nalang siyang sumabay sa paglalakad ko. Magkatabi kami ngayon at nag-umpisa na akong makaramdam ng pagkailang. Hindi ako sanay na may kasabay na lalaki lalo na kapag masyadong maingay. Nang makababa kami ay sumilong muna ako sa puno dahil marami pang tao. Baka hanggang doon ay sundan niya ako at ayokong may makakita sa akin na may kasamang lalaki. "Kumusta pala ang araw mo?" tanong niya. Nasa kanang bahagi ako ng puno habang siya ay nasa kabilang bahagi. Hindi ako sumagot sa kaniya at nanatiling nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad pauwi. "Mukhang may nangyaring hindi maayos." Lumipas ang ilang segundo at naramdaman ko siya sa tabi ko. Magkadikit ang mga braso namin kaya lumayo ako nang kaunti. It seems disrespectful pero ayoko namang ipilit 'yong sarili kong malapit sa iba kung hindi ako komportable. Lumapit nanaman siya sa akin pero lumayo ako ulit haggang sa hindi na ako nakasakto sa lilim ng puno kaya naglakad nalang ako paalis. Hindi ko mapag-tiyagaan ang ginawa niya sa akin at ayokong idala ang sarili ko sa ganoong sitwasyon. "Katkat," pasigaw kong sambit. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa at hinubad ang sapatos at medyas upang mahanginan ang paa ko. Naramdaman ko naman sa paa ko si Carl kaya nagtaka ako kung bakit wala si Katkat. Nang pumunta ako sa kusina ay naroon siya sa doormat at nagpapagulong-gulong. Napangiti ako habang pinapanood ko siya kaya sa sobrang aliw ko ay hindi ko namalayang dumating na si kuya, "Kararating mo"? tanong niya. "Kararating lang naman," tipid kong sagot habang nanonood pa rin sa paglalaro ni Katkat at sa pagkakataong 'yon ay naglaro na rin si Carl sa doormat. Ibinaling ko na ang atensiyon ko sa pagsasaing kaya nagtakal na ako ng bigas para makapagluto na. "Bibili lang ako ng ulam sa kanto," sambit ni kuya. Hindi na niya ako hinintay na sumagot at umalis nalang agad. Maya-maya ay narinig ko ulit ang mga yabag ng paa niya, "May naghahanap sa'yo. Patrick daw." Napatigil ako sa paghuhugas ng bigas nang bigla niyang sabihin 'yon. Nilingon ko siya at nakita ko ang isang mapang-asar na ngiti sa kaniyang labi. Iniayos ko na ang kaldero sa kalan upang maumpisahan na ang pagluluto. Nang matapos ako roon ay sumilip ako sa bintana at nakita ko si Patrick na naroroon. Iniwan ko na siya kanina sa ilalim ng puno, hanggang dito ba naman susundan niya ako? Pero bakit niya ako nasundan? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Faye pero nakatatlong tawag na ako ay hindi pa rin siya sumasagot. Ayokong pagbuksan siya ng pinto kahit ramdam kong alam niyang nandito ako. Kapag pinagbuksan ko siya ay para ko na ring sinabing welcome na siyang makipagkilala sa akin. Habang nakasilip ako sa bintana ay nakita ko sila ate Zoe at kuya Sean. May dala silang supot at alam kong bote ng alak ang naroroon. Siguro ay wala nanaman silang pasok bukas kaya mag-iinuman sila. Nakita kong kausap nila si Patrick at nag-umpisang magwala ang puso ko dahil sa pag-ooverthink na nangyayari. Paano kung bigla nilang ayain si Patrick papasok dito? Paano kung bigla nilang sabihin na tumuloy na? Nang makita kong pumasok na sila sa gate at parang gumalaw si Patrick na tila nakasunod sa kanila ay humanap ako ng paraan para maiwasan sila. Napansin ko nalang na kumukulo na pala ang sinasaing kong kanin kaya patakbo akong pumunta roon upang ilagay sa low heat ang kalan. "Claire, may bisita ka." Alam kong nakangiti ngayon si Ate Zoe. Matagal na niyang gustong makakilala ako ng bagong lalaki. Nagkunwari muna akong hindi ko narinig ang sinabi niya at maya-maya pa ay naririnig ko sila ni Kuya Sean na naghuhulaan kung sino si Patrick para sa akin, "Ano po 'yon, ate? May bisita po ako?" tanong ko sa kaniya at pinilit kong magmukhang walang alam tungkol sa 'bisita'. "Oo, kaibigan mo raw," sagot niya. "Sino raw po?" tanong ko ulit. "Patrick daw eh," sagot niya ulit. Pinatay ko muna ang kalan at hinayaang maluto ang kanin sa natitirang init na nagmumula sa kalan. Sinilip ko kunwari si Patrick mula sa bintana at nasakto namang bumukas ang pinto. Hindi namin namalayang dumating pala si kuya. "Kanina ko pa sinabing may bisita ka, bakit hindi ka lumabas?" tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang tuloy-tuloy sa pagsasalita. Bahagya akong nainis sa sinabi niya. Ayokong lumabas dahil nandito pa rin 'yong inis ko kay Patrick. Masyado siyang feeling close at parang hindi uso sa kaniya ang personal space. Pumasok na muna ako sa kwarto ko. Nasasaktan ako sa ginagawa nila. Para bang magmula noong nakita nilang nawalan ako ng interes sa lalaki ay parang patulak ang ginagawa nila pagdating sa pakikipagkilala ko sa iba. Ni hindi ko nga mahanap 'yong kalayaan ko sa kalungkutan dahil sa pagkawala ni Marco tapos tatanggalan pa nila ako ng karapatang pumili. Bigla akong nakarinig ng katok sa pinto ko, "Claire." Si ate Zoe 'yon at siguro naman kung pagbubuksan ko siya ay ayos lang. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto pero agad niyang hinila ang braso ko na dahilan para mawalan ako ng lakas na tumanggi. "H-hi, Claire!" At sa pagkakataong 'yon, doon ko lang naramdaman na lahat ng taong pinagkakatiwalaan ko ay pinagtaksilan ako. Tinitigan ko si Patrick na nakaupo sa sofa namin habang may hawak na baso. Napakuyom ako ng kamay at tinignan si kuya pero nag-iwas lamang siya ng tingin. Sunod kong tinignan si Kuya Sean pero nag-iwas din siya ng tingin. Huli kong tinitigan si Ate Zoe, nakangiti lamang siya ng pilit at parang natatakot magsalita tungkol sa paliwanag kung bakit niya 'yon ginawa. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko dahil sa kaba. Nasa akin ang atensyon nilang lahat at alam kong sa bawat galaw ko ay may reklamong masasabi si kuya. Napakuyom ang mga kamay ko at gustong-gusto kong sampalin si Patrick. Hindi ba siya marunong makiramdam? Alam naman siguro niyang ayaw ko sa kaniya. Umiwas nalang ako ng tingin pero hindi ako umalis. Hinihintay ko ang kasunod na gagawin nila, "Nagpaalam na ako sa kuya mo, pati sa kanila. Pumayag na sila na... liligawan kita." Napadilat ang mga mata ko at muling napatitig kay Ate Zoe. "Hindi pwede," Iyon lamang ang sinambit ko at tinalikuran sila tsaka muling pumasok sa kwarto. Napupuno nanaman ng inis ang puso ko. Pakiramdam ko wala akong kakampi, sila kuya na inaasahan kong iintindihin ako, mas lalo akong pinangunahan sa mga desisyon ko. Nanginginig ang mga kamay ko at naninikip ang dibdib ko. Alam kong isang hindi magandang asal ang ipinakita ko sa kanila pero mas lalong ayokong makasakit ng iba dahil sa galit. Nakita kong umiilaw ang cellphone ko na nakapatong sa kama. Kinuha ko 'yon at pinuntahan ang contacts sa number ko. "Ikaw nalang ang kakampi ko," bulong ko sarili. Tatawagan ko na sana ang number na 'yon pero... ...siguro nga maling tao ang naiisip ko. Hindi siya ang magsasalba sa akin. "Marco," sambit ko. Gustong-gusto kong umiyak pero lahat ng luha ay naiipon sa loob. Sumasakit lalo ang dibdib ko at gusto kong ilabas ang sakit sa pag-iyak pero hindi ko magawa. "Marco, isama mo nalang ako. Nahihirapan na ako," bulong ko muli. Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang paglabas ng malakas na tunog mula sa akin. Habang tumatagal ang pagbuhos ko sa mga luha ay unti-unting nandidilim ang paningin ko. Para akong nanghihina at doon ko napagtanto na parang sinasagot ako ni Marco. Siya 'yon, siya ang magsasalba sa akin. Bago ko pa mab tuluyang ipikit ang mga mata ko ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Tinignan ko 'yon at binuksan. Isang text message... "Busy ka?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD