Chapter 19

1380 Words
Chapter 19 Claire's POV Nang mabasa ko ang text message na 'yon ay unti-unti akong nakaramdam ng paggaan ng loob. Parang biglaang lumiwanag ang paningin ko at mas pinili ko nang imulat ang aking mga mata. Narinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko, "Claire," sambit ni kuya. Habang pinapakinggan ko ang pagtawag sa kaniya ay may malakas na tunog ng podcast ang nagmumula sa labas. "Grief is normal. Normal lang makaramdam ng pighati o kalungkutan. Pero after a year, two years, ten years at ganoon pa rin kasakit sa'yo ang pakiramdam, something's wrong." "At ito pa, brod, kung ang isang tao ay iniwan ka and no one can take you back to the old you, tanungin mo ang sarili mo. Worth it bang hanap-hanapin ang taong 'to? Kasi kawawa naman 'yong mga tumutulong sa'yong makaahon ka sa sitwasyon mo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pumunta sa pinto upang pagbuksan si kuya. Bumungad ang ngiti niya at agad akong niyakap. "Sorry," sambit niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap din siya. I'm not into actions pagdating sa pamilya ko. I use my words and simple gestures pero pagdating kay kuya, hindi ako nakatitiis. "Kuya, huwag sanang makakarating 'to kila mama," pakiusap ko sa kaniya nang kumawala siya sa yakap namin. Ginulo niya ang buhok ko at tumango lamang bilang sagot. Nasa school ako ngayon at wala kaming klase dahil may meeting ang lahat ng teachers. Pinauuwi na rin kami pero napagdesisyunan kong huwag na munang umuwi. Wala nama akong gagawin sa bahay, wala akong kasama roon. "Claire, pinapauwi na ako. Ingat ka ha?" sambit ni Faye. Hindi ko naman siya pinipigilan sa mga galaw niya pagdating sa pamilya. Mula noong nakita ko 'yong sitwasyon nila sa bahay, para akong nanlambot. Magkakasama nga sila pero parang ang laki-laki ng harang sa pagitan nilang lahat. Mag-isa nalang ako ngayon sa classroom pero alam kong marami pang tao sa kabilang section dahil may mga nagtatawanan pa roon. Nakatingin lamang ako sa labas dahil naka-pwesto ako sa tabi mismo ng bintana. Tirik ang araw pero medyo mahangin. Kapag ganitong panahon alam kong uulan mamayang hapon. Payapang-payapa ang mga ulap. Ang laya nila sa taas, naroon lamang silang basta nagpapadala sa hangin. Saan man sila mapunta ay kaya nila ang gagawin. Pero ang mga ulap ay parang tao. Kapag napagod nang mag-ipon ng mga bagay sa paglalakbay ay bumibigat at bumubuhos ang ulan. "Pre, tara mag-meryenda sa labas! Libre ka namin!" Naagaw ng isang grupo ang atensyon ko. May mga lalaking galing sa ibang section at mukhang ka-batch ko sila. "STEM-A," sambit ng isa nang makarating siya sa dulong pinto ng room namin. Maya-maya pa ay tumapat na sila sa mga bintana at napaiwas ako ng tingin nang makita ko ang hindi ko dapat makita. "May tao?" tanong niya. Kabisadong-kabisado ko 'yong boses niya. "Wala. Bakit, miss mo na ba si Claire?" Napuno ng tawanan ang hallway dahil sa kanila. Nakita ko ang bahagyang paghampas ng mga kaibigan niya sa kaniyang balikat. May isa pang bahagya rin siyang binatukan at para bang tuwang-tuwa sila sa pang-aasar sa kaniya tungkol sa akin. Hindi ko namalayang nadamay na rin ako sa pagngiti. Pero agad din naman 'yong naglaho nang mapagtanto ko na may tao akong nasaktan dahil sa maling desisyon ko. Siguro kung maibabalik ko man ang oras, babawiin ko 'yong sinabi ko sa kaniya at sasabihin kong huwag siyang tumigil. Hahayaan ko siyang manligaw hanggang sa ako na mismo 'yong mahulog sa kaniya. Wyett is a very kind man who just wants to show his genuine love. Nasaktan ko na siya at wala na akong karapatang humarap sa kaniya. It's been few weeks magmula noon at hindi ko rin alam kung paano ako makahihingi ng tawad. Nasa gitna ako ng pag-iisip nang malalim nang makita ko ang isang lalaking naglalakad sa labas ng room namin. Naka-earphone siya at bakas sa mukha ang lungkot. Ayokong dahil nanaman sa akin ay may masaktan ako nang todo. Hindi sa masyadong malambot 'yong puso ko kundi dahil sa ako rin 'yong nahihirapan sa huli. I have difficulties in dealing with forgiving myself. Nang makita kong papalayo na siya ay hindi na ako nagdalawang-isip na habulin siya. I feel safe in socializing with others sa mga oras na 'to. Wala nang masyadong tao at pakiramdam ko ay wala namang makakapansin sa amin. Mabagal lamang siyang naglalakad sa hagdan at pababa na sa building namin. I was about to call him nang marinig ko ang malalakas na tawanan ng grupo ng mga babae at papunta sila sa direksyon namin. Nagbagal ako ng paglalakad pero namuo sa akin ang pag-aalala na baka hindi ko siya maabutan. Naramdaman kong huminto sa isang lugar ang mga babae at para bang pupunta sila sa CR kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. We are already in the first floor at wala nang katao-tao rito sa labas. I gathered my courage to call him. Kailangan niya akong pansinin at makausap. "Patrick!" sigaw ko. I know some will hear us pero hindi nila ako kilala. Nakarating na siya sa puno kung saan siya madalas tumambay. "Patrick!" Naagaw ko ang atensiyon niya dahil sa pag-alis niya ng earphone sa kaliwang tenga. He looked at me with a smile on his face pero agad ding naglaho 'yon. "A-anong kailangan mo?" tanong niya na parang may halong inis at lungkot. I feel the pain I gave to him at masyado akong nakokonsensya. Naglakad ako palapit sa kaniya habang nag-iisip ng sapat na salita para makausap siya. Hindi ko naman siya pwedeng kausapin nang hindi maayos ang mga salitang sasabihin ko. "Sorry sa nasabi ko," sambit ko sa kaniya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumapit pa lalo sa kaniya. Malamig ang simoy ng hangin at para bang nagbabadyang umulan makalipas ang ilang oras. "Ayos lang, hindi mo naman ako dapat tanggapin kung ayaw mo talaga, hindi ba?" Gusto ko na sanang sumuko dahil sa mga sinasabi niya pero umiiral ang pride ko ngayon at hindi ako pwedeng magpatalo sa mga salita niya. Hindi ako pumunta rito para tanggapin ang ganoong sagot, nandito ako para alisin 'yong sakit na binigay ko sa kaniya. "Pasensya sa mga nasabi ko, hindi ko naman intensiyong masaktan ka. Sa totoo lang, nahihiya ako pero..." "No, it's totally fine." "Patrick, na-pressure kasi ako kagabi. Hindi dapat ako nag-eexplain pero ayokong sumama ang loob mo sa akin." Ibinubuhos ko na ang lahat ng lakas ng loob ko para makausap siya. Ayokong pagsisihan sa huli na hindi ko 'to ginawa. "Papayag naman talaga akong manligaw, natakot lang ako noon dahil naisip kong baka pinaglalaruan mo lang ako. Ayoko lang din na malaman agad nila kuya kaya 'yong tungkol sa nangyari sa bahay ay hindi sadya." "So may chance talaga ako? Sadyang nahihiya ka lang ipaalam agad sa kanila?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Tumango na lamang ako dahil nakaramdam ako ng kakaibang hiya habang kinakausap siya sa ganoong bagay. I know Marco will somehow be mad about this. Pero simula noong napakinggan ko 'yong sa podcast para akong ginising sa katotohanang matagal nang nakaharap sa akin. Siguro si Patrick ang magiging daan para makaahon ako sa past na matagal kong hinarap. "Seryoso ba?" tanong niya habang unti-unting kumukurba ang labi na nagmimistulang pigil na ngiti. "Oo," sambit ko. Halos mapasigaw siya sa sobrang tuwa pero binawal ko siya dahil nakakahiya sa kanila. Hindi naman dahil tinanggap ko siya ay hahayaan kong maging clingy siya sa akin. I will test his sincerity bago ko siya sagutin. Hindi ako easy-to-get pero kapag nakita kong sincere ang lalaki sa akin ay talagang binibigyan ko ng pag-asa. Nagpaalam na siyang umuwi dahil kailangan na siya sa kanila pero nag-stay lamang ako sa ilalim ng puno. Naririnig ko ang bawat galaw ng mga tao sa paligid ko kahit na nakatingin ako sa cellphone ko. "Talo ako pre. Siya tinanggap, pero ako itinaboy." Nagpantig ang mga tenga ko dahil sa mga salitang 'yon. N-narinig niya? Napalingon ako sa gilid ko at nagsalubong ang aming mga paningin habang nagmimistulang may sinasabi siya. Para bang sinasabi niyang nasasaktan siya. "Wyett!" sigaw ng isa niyang kaibigan at inakbayan siya. Nang makalayo sila ay biglang tumunog ang cellphone ko at binasa ko ang text message na natanggap ko mula kay Faye. "Gusto ko nang maglaho."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD