Chapter 6

2059 Words
Chapter 6 Claire's POV Lunes na naman at kapapasok lang namin sa classroom dahil katatapos lang ng flag ceremony. Nag-announce ang principal na maghanda raw this week ang senior high para sa activity sa Thursday and Friday. Allowed na rin na hindi muna mag-klase para sa preparation. "Mag-practice muna tayo," sabi ni Don sa akin. Nakaupo ako at hawak ko ang cellphone. Kasalukuyan akong nagtitingin-tingin ng possible questions para sa activity sa Thursday. Nakapaikot ang mga upuan namin at may malaking space sa gitna. Nasa likod ang mga gamit pangluto at sa harapan naman ang ibang nag-papractice para sa contest. Nasa isang sulok si Don at nilapitan ko siya. May hawak siyang yellow pad at ballpen. Maingay ang mga kaklase namin at ang iba ay pina-practice ang pagluluto. Nagbubuklat ng papel si Don kaya pinanood ko muna sila. Si Faye ang namamahala sa pagluluto at taga-sabi kung ayos na 'yon. Masusi ko silang pinagmamasdan nang mahagip ng tingin ko ang lalaking 'yon. Nakadukdok siya sa desk niya at nakasuksok ang earphones sa magkabilang tenga. Akala ko ay magbabago pa ang isip niya matapos niyang sabihin na hindi siya sasali sa contest. "Don," napalingon si Don sa akin. "Walang sasali sa individual." Napa-usli ang kaniyang ibabang labi kasabay nh pagsalubong ng kaniyang kilay. Ganito ang kaniyang mukha sa tuwing naguguluhan siya o kaya ay nagtataka. "Hindi ba si Michael?" tanong niya. "Umayaw." Ilang segundo pa niya akong tinitigan bago niya ibinalik ang tingin sa papel. Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko. Habang pinagmamasdan ko siya ay tinapik ako ni Don sa braso kaya nilingon ko siya. "Basahin mo muna," sabi niya sabay abot sa akin ng isang bond paper na puno ng sulat. Science ito at sa tingin ko ay Chemistry. Ito ang pinag-aralan namin noong grade 11. Tahimik lang akong nagbasa kahit puno ng ingay ang paligid. Hindi ko na napansin ang oras at isang oras na pala akong nagbabasa sa isang page. Nilingon ko si Don at nagbabasa pa rin siya, sa pangalawang page nga lang. Kinuha ko muna ang cellphone ko mula sa bag ko. Tinignan ko ang oras at 8:30 na. 9:30 ang breaktime namin pero kanina pa sila gumagawa. "Faye," isang tawag ko lang sa kaniya ay lumapit agad siya sa akin. "Pakisabi kumain muna sila." "Kain na raw muna, sabi ni Claire!" sa lakas ng boses niya ay tingin ko umabot 'yon sa kabilang classroom. Tumayo si Don mula sa kaniyang upuan dala-dala ang papel na hawak niya. "Kakain lang ako, pagbalik ko magtanungan na tayo," tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kaniya. Naglakad na siya paalis at ako naman ay patuloy sa pagbabasa sa papel na kanina ko pa hawak. "Kakain ka ba?" tanong ni Faye. Hawak niya ang kaniyang wallet at binibilang ang pera roon. "Hindi na, busog pa ako," sagot ko. "Sige, bibili lang ako at babalik din ako agad," pinagmasdan ko lang siyang naglakad palayo at ibinalik ko na ang tingin ko sa papel. Kahit naka-focus ako sa pagbabasa ay alerto ako sa paligid. Nararamdaman ko ang paglakad ng kasama ko sa room. Palapit siya sa gawi ng mga pagkain kaya hinayaan ko nalang. "Tsk!" napalingon ako sa kaniya. Nakahawak siya sa kawali habang inaalis ang handmade nuggets mula roon. Pati ang mga hotdog ay inalis niya. "Bakit yan?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong dahil mukhang stressed siya. "Hindi nila iniahon. Pinatay lang 'yong kalan, syempre may init pa rin 'yon," kasalukuyan niyang iniaayos ang mga pagkain sa pinggan. "Nasunog." Tumayo ako para tulungan siya nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko 'yon at agad akong napatakbo palabas. Tumanaw ako sa ibaba at nakita ko siya. Hawak niya ang kaniyang cellphone at nakasabit ang panyo niya sa bulsa ng slocks niya. Nanginginig ang kamay ko pero sinigurado kong nai-send ko lahat ng sasabihin ko. Balak niyang pumunta sa room namin pero pinigil ko na siya agad. Sinabi kong nahihiya ako at ayokong malaman ng iba na may manliligaw ako. Ma-issue ang mga kaklase ko at naaapektuhan niyon ang kondisyon ko. Matapos kong mai-send lahat ay muli ko siyang tinanaw. Kinuha niya ang kaniyang panyo at ipinunas 'yon sa kaniyang mukha. Maya-maya pa ay naglakad na siya paalis at may sumalubong sa kaniyang lalaki kasabay ng pag-akbay sa kaniya. Nakahinga ako nang maluwag at nagdesisyon nang bumalik sa loob. Pagpasok ko ay napatingin ako sa sapatos ko. Nakabuka na ang harap at mukhang susuko na ang swelas. "Bakit?" tanong ni Michael sa akin. Nilingon ko siya at binigyan ko ng isang ngiti sabay iling. "Tapos na ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot kaya nilapitan ko siya. Pinagmasdan ko siya kung paano ihubog ang handmade nuggets. "Okoy 'to, hindi ba?" tanong niya habang inilalagay sa non-stick frying pan ang nuggets. Oo nga, okoy 'yon pero nilalagyan ng shape para magmukhang nuggets. "Ahh.. Oo," sagot ko. Nagdesisyon na akong tulungan siya sa paghulma. Nakikita kong natatantsa niya kung kailan dapat iahon ang mga niluto mula sa kawali. "Tikman mo," iniabot niya sa akin ang tinidor na may nakatusok na nuggets. Kinain ko 'yon agad at ibinagsak ko rin sa pinggan ang tinidor. Napabuga ako sa hangin habang kumukuha ng tubig mula sa tumbler ko. "Ang init pala. Ang tanga ko," sakto lang ang lakas ng boses ko para magkarinigan kaming dalawa. "Medyo malamig na 'to. Gusto ko lang malaman kung sakto lang ang lasa," muli akong lumapit sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakahawak sa cellphone niya kaya isinubo ang nuggets na nasa tinidor na hawak niya. "Masarap, isa pa," kinuha ko ang tinidor mula sa kamay niya at doon siya napalingon sa akin. Hindi ko na siya pinansin at tumusok na ng nuggets na naiahon niya mula sa kawali. "Masarap talaga." Nakita ko ang nakatabing platito sa gilid ni Michael. May laman 'yon na limang pirasong nuggets. Tumusok ako ng isa roon at bumagal ang pagnguya ko. "Luto nila 'yan," sabi niya. Narinig ko ang yabag ng mga paa at ang sigawan nila. "STEM STEM STEM! Panalo na kami! Uwi na kayo dahil kami'y magwawagi!" Pumasok si Shyra kasama ang ibang babae mula sa section namin. Sila ang isasali sa contest ng cheering. Mayroon silang kasamang tatlong lalaki. Pinagmasdan ko silang mabuti at nakita ko ang pagtaas ng mga kamay nila. "Cringe," bulong ni Michael. Tumayo na siya mula sa gawi ng lutuan at bumaliknsa pwesto niya kung saan siya natutulog kanina. Isang oras siyang tulog pero mas alam pa niya ang pagluluto kaysa sa mga nagplano. Dumating na si Don kaya naupo na rin ako sa pwesto namin. May hawak siyang cup na may lamang juice. "Tara na?" nag-umpisa na kaming magtanungan at ipinagpatuloy ang pag-rereview sa mga possible questions. "I am an element you see every day. Rocks containing me can be--- " naputol ang pagtatanong ni Don sa akin nang lumakas ang ingay mula sa paligid. "Ayoko nga, sariling gawa namin 'to! Hindi ba lalaban ka sa individual trivia?" malakas ang boses ni Shyra kaya halos lahat ay nakatingin sa kaniya. Ang mga busy sa pagluluto ay patingin-tingin din. "Doon ka mag-abala, hindi 'yong nakikialam ka sa amin." "Suggestion lang naman, hindi naman kasi talaga maganda 'yong paulit-ulit ang words," mahinahong sabi ni Kyla. "Eh ano naman? Maganda ang steps namin at magagaling kami," matalim ang tingin ni Shyra kina Michael at Kyla. Natahimik kami at magsasalita pa sana si Faye nang pumasok si Sir Gino. "Kumusta?" 'yon ang bungad niya sa amin. Walang kumikibo ni isa. "Sir, gusto pong ipabago ni Michael 'yong cheer namin, ok naman na po," hindi ako naglabas ng kahit anong emosyon pero inis na inis ako sa ginagawa ni Shyra ngayon. "Parinig," sabi ni Sir Gino. Pumweto sila sa harap ni sir at nag-umpisang mag-cheer. "1,2,3." "STEM! STEM! STEM! Panalo na kami! Uwi na kayo dahil kami'y magwawagi!" nakatitig lang si sir sa kanila na parang inoobserbahan ang ginagawa nila. "STEM! STEM! STEM! Matalino't masipag, nasa amin ang lahat! STEM! STEM! STEM! Pinakamagaling, pinakamasunurin, pinaka---" tumayo si sir mula sa pwesto niya. "Baguhin ninyo. Sa cheering kasi hindi lang basta sigaw, kailangan malaman din," sabi ni sir. Napalingon ako kay Faye na nakaupo sa harap ko ngayon. Tinapik ko ang balikat niya para patigilin siya sa pagtawa. "Say something about STEM, ano-ano ang magaganda rito," dagdag pa ni sir. "Pero sir--" "Okay, sino sa jingle?" hindi na pinansin ni sir ang sasabihin ni Shyra. Mukhang nainis na rin. Totoo naman ang sinabi ni Michael na cringe ang lyrics. Lumipas ang ilang oras at lunch break na. Wala akong kasamang kakain ngayon dahil umalis si Faye. Uuwi raw muna siya para kumuha ng ibang gamit. Nag-uumpisa na kaming magbuhat ng gamit para sa Thurday. Katatapos ko lang kumain ng inihandang pagkain ni kuya para sa akin. Nakatingin ako sa cellphone ko. Katulad ng palagi kong ginagawa, nagpapatugtog ako ng mga kanta ng BIZARre pero ang bagong release ang pinakikinggan ko ngayon. "Naabot kita ng aking tinig Ngunit ang boses ko'y hindi narinig Ang hirap abutin ng puso mong may harang Kakatok ako, sana'y may puwang" I don't know what's in this song. Sa unang beses ko palang narinig 'to, tagos na tagos hanggang sa kaloob-looban ko. "Nais kitang awitan kahit saglit Ngunit para sa kaniya ang awit ng pait" Inalis ko ang earphones na nakasuksok sa tenga ko. Pinakikinggan ko ang pag-hum niya sa pre-chorus. Ako naman ay sumabay sa pagkanta roon. "Ang sakit ng kanta," bulong niya. Hindi siya nagpapakita ng emosyon niya pero alam kong damang-dama niya ang bawat lyrics. Siguro fan talaga siya, ayaw niya lang aminin. "Oo," maikli kong sagot. May isang upuan sa pagitam namin at sa tingin ko ay narinig na niya 'yon. Natahimik kaming mula kaya ibinalik ko ang earphones sa magkabila kong tenga. Pinagmamasdan ko lang ang mga kaklase ko na nagkakaladyaan sa malaking space na nasa gitna. Ang iba ay nasa upuan na nag-uusap at may ilang natutulog. "Hindi ka na talaga sasali?" tanong ko sa kaniya. "Hindi na." Dumating na si Faye habang nagpupunas ng pawis. Wala pa si Don kaya dumaldal muna siya. "Ang ganda ng kanta ng BIZARre," sabi niya. "Parang ang lalim ng pinaghuhugutan ng vocalist." "Faye," lumingon siya sa akin kahit naka-bukas ang cellphone niya. Naghahanap siya ng bagong librong bibilhin sa online store. "Paano kapag may nanligaw sa akin?" Bigla niyang binitawan ang cellphone niya. Hindi na ako nahihiyang magsabi sa kaniya, kaibigan ko siya. Ang nakakatakot lang, baka asarin niya ako kapag nakita niya si Wyett. "Hoy! Sino?" kumikinang ang mata niya at abot tenga ang ngiti. Hinahampas niya rin ako sa braso. Nagbago na ang isip ko, baka masyaso siyang ma-excite at maisigaw ang sasabihin ko. "Wala, natanong lang." Nakasimangot siya at umirap sa akin. Naiinis siguro siya dahil hindi ko sinabi. Ayokong may ibang makarinig. May anxiety ako, kapag ako ang naiipit sa isang sitwasyon nanghihina ako bigla. Minsan kapag ako ang center or attention, nag-iiba ang pakiramdam ko. Matapos ang maghapon ay sumabay kami sa usual na labasan. Pinauna ko na silang lumabas dahil pupuntahan pa raw ako ni Wyett. Nakakahiya nang tumanggi kung hindi ko pa siya hahayaang magkita kami. "Tulungan na kita," hinugot niya ang mga nakasaksak na appliances. Nagwawalis ako ng mga kalat nila. Sinadya ko nang magpaiwan para na rin magkita kami ni Wyett. Nakarinig ako ng yabag ng mga paa kaya nag-umpisang bumilis ang t***k ng puso ko. Sasabihan ko pa sana si Wyett na magtago pero huli na. "B-bakit?" tanong ko sa kaniya. Nakatayo siya sa pintuan. Hinihingal siya at pawis na pawis. "Naiwan ko 'yong tumbler ko," sagot niya. Hinayaan ko na siyang pumasok. Alam kong nagtataka siya kung bakit may lalaki akong kasama. Kinakabahan ako habang nandito pa siya sa loob. "Sige ate, pinapatignan kasi ni Sir Joseph kung may mga sirang electric fan. Salamat po," hindi ko alam kung anong nasa isip ni Wyett pero basta nalang akong ngumiti at pinagmasdan siyang makaalis. Sa kabilang banda kung nasaan si Michael. Nasa harap siya sa tabi ng blackboard. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan siya. "Sabay ka na palabas?" tanong niya. "A-ahh, hindi na, tatapusin ko pa kasi 'to." Tumango lang siya at tsaka lumabas mula sa room. Kampante akong nagtago si Wyett para hindi kami mahuli. Nakahinga na ako nang maluwag pero nag-umpisa nanamang bumilis ang t***k ng puso ko. "Inaawitan ang hindi naririnig Pinipilit awitan ng muntig himig"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD