Chapter 7
Claire's POV
"Ingat!" kumaway ako kay Wyett bago umikot ang tricycle paalis.
Sabay kaming umuwi kahit na maraming nakakakita. Lumabas kami sa gate ng school nang hindi magkasabay. Naalala ko pa kung gaano kalambing ang boses niya habang sinasabi 'yon.
"Sumakay ka na muna sa tricycle, mag-aabang ako sa may kanto at doon ako sasakay," tumakbo na siya palabas ng school. Maraming sumasakay sa mga tricycle kapag uwian kaya nahirapan din akong sumakay.
Pagkasakay ko sa tricycle ay sinabi kong may hihintuan sa kanto. Sa kantong 'yon ay madalang ang dumadaan. Hindi naman kasi 'yon ang highway, para lang 'yon isang eskinita pero mapuno ang paligid. Malapit lang 'yon mula sa gate, siguro ay limang minuto kapag nilakas at isang minuto kapag naka-tricycle.
Nang makarating kami sa kanto ay pawis na pawis si Wyett. Mukha siyang pinatakbo sa gym nang limang beses. Buti nalang may dala akong tumbler kaya ibinigay ko na sa kanya ang tubig.
Habang papasok ako sa terrace namin ay naaalala ko pa rin ang mga pangyayari. Napahawak ako sa labi ko nang maalala kong may indirect kiss na nangyari. Noong iniabot ko ang tumbler sa kaniya ay uminom agad siya at hindi na nagdalawang-isip.
"Mukhang gusto mo na si Wyett," pang-aasar ni kuya. Hindi ko siya tinignan at kinuha nalang si Katkat.
Pumasok ako sa kwarto ko at naghubad lang ng uniform. Kung ano ang panloob ko, 'yon na rin ang pambahay ko. Hindi ako naghuhugas agad ng katawan dahil baka mapasma ako.
"Kapag naging kayo, magpapa-fiesta talaga ako," sabi niya ulit.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ayoko pang mag-entertain ng iba pero si Wyett, na-tuturn on ako sa kaniya. Mabait siya at magalang din. Hindi ko masasabing gusto ko na siya pero siguro na-aattract ako.
"Meow," biglang isinalpak ni Katkat ang paa niya sa mukha ko.
"Katkat naman, ano ba yan?" binuhat ko siya para ilayo siya mula sa akin.
Habang inaasikaso ko si Katkat ay pumasok naman si kuya kasama si Carl. Naririnig ko ang malakas na pagtawa niya. Hindi ko siya makita sa sobrang likot ni Katkat.
"Hindi ka ba dadalaw kay Marco?" napatigil ako sa pangangaladya kay Katkat nang tanungin 'yon ni kuya. Ayoko muna, kailangan ko muna sigurong makapag-isip sa bagay na 'yon. Gusto kong malaman kung totoo bang kailangan ko nang hanapin ang kalayaan ko mula sa nakaraan.
Nilingon ko si kuya. Nakatayo lang siya sa pintuan habang nakahawak sa doorknob. Tinitigan pa niya ako nang ilang sandali at isinara na niya ang pinto pagkatapos.
"Inaawitan ang nasa lapidang puti
Pinipilit siyang makapiling na muli
Ika'y nakaku---"
Napatigil ako sa pagkanta nang mapagtanto ko ang meaning ng kanta. Lapidang puti? Is it like someone is loving a dead person?
"Ika'y nakalulong nanaman
Gustong lapitan sana'y huwag hadlangan"
"Kuya..."
Isang ngiti ang ibinigay niya. Hindi ko napansing binuksan pala niya ang pinto ng kwarto ko noong kumakanta ako.
"Relate ka?" tanong niya.
Hindi ako sumagot kaya pumasok siya. Naglakad siya palapit sa akin at tumayo lang siya sa harap ko. Tinitigan ko lang siya at nakipagtitigan din siya sa akin.
"Parang tanga 'to," pabulong kong sabi.
"Weh? Ikaw rin."
Ilang sandali pa ay naupo siya sa tabi ko. Rinig ko ang bunting hininga niya at maya-maya ay nahiga siya sa kama ko.
"Nainggit ka nanaman sa kama kong maganda," sabi ko sa kaniya.
"Mas malambot 'yong akin," nakatalikod siya sa akin at ang isa niyang braso ay pinagpapatungan ng kaniyang ulo at ang isa ay nakahawak sa cellphone.
"Meow," agad tumalon si Carl sa balikat ni kuya at naglaro pa sa tabi niya. Hindi ko rin maintindihan ang mga pusa namin. Para silang mga bata naming kapatid na habang binabawal ay mas naglilikot pa.
"Alam mo hindi naman masamang kumilala ng iba. Ako 'yong nahihirapan sa sitwasyon mo. Hindi naman siguro magagalit si Marco kung magpapaligaw ka sa iba," hindi ko binigyan ng sagot si kuya kahit gaano kaseryoso ang sinabi niya.
Maya-maya pa ay may pumasok sa isip ko at napangisi. "Sige, bibigyan ko ng chance si Wyett basta humanap ka muna ng liligawan," agad siyang napalingon at matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin. Ako naman ay nanatiling tumatawa dahil sa reaksyon niya.
"Kung hindi lang kita kapatid ewan ko nalang," bulong niya at tsaka tumayo. Si Carl ay biglang kumandong sa kaniya pero binuhat niya ito at isinama sa paglabas. Kinuha ko rin si Katkat at sumunod kami dahil alam kong kakain na.
"May tuna naman diyaan 'yon nalang ang ulamin natin. Sorry at hindi ako nakapagluto, may---"
"Ok lang, naiintindihan ko. Namimiss ko na nga rin sila mama sa totoo lang. 'Yong apat tayong magkakasabay na kumakain," tipid na ngiti ang inilabas ko habang si kuya ay napalingon saglit sa akin ngunit ibinalik din kaagad ang tingin sa sinasandok niyang kanin.
Kumuha na ako ng dalawang plato at dalawang kutsara at inilagay sa lamesa. Nauna na rin akong maupo at maya-maya ay sumunod na rin si kuya.
"Kumusta pala 'yong event this week?" tanong niya. Alam niya kasing abala kami sa paghahanda at iyon ang tanging inaasikaso ko hanggang gabi.
"May nag-aaway-away dahil sa performance, hindi rin maayos ang luto. Pero si Don ayos namang kasama," sapat na siguro 'yon para sa tanong niya. Hindi rin naman niya kilala ang mga kaklase ko kaya wala na rin syang pakialam sa ibang nangyayari.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Tumayo naman ako at pinuntahan 'yon sa kwarto. Malakas ang pag-ring at hindi rin sound proof ang kwarto ko kaya narinig ko mula sa kitchen.
"Hello?"
[Paano pala 'yong lalaban sa individual? Tinatanong kasi ni sir eh ako ang tinanong. Hindi ko alam ang isasagot!] tarantang-taranta si Faye dahil halata 'yon sa boses niya. Na-iimagine ko rin kung gaano karaming pawis ang lumalabas mula sa kaniyang noo at sa ilalim ng kaniyang mata.
"Kumalma ka, hindi ko pa alam pero susubukan kong humanap. Kapag wala ako na ang kakausap kay sir," sagot ko.
[Eh? Anong sasabihin ko? Hoy!] hindi ko mapigilan ang mahinang tawa. Masyado siyang nag-aalala.
"Okay, kalma, Faye. Ako na ang kakausap kay sir, ha?"
[Pero ano---] hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin.
"Akala ko pa naman si Wyett," rinig ang boses ni kuya kahit nasa pinto pa lamang ako ng aking kwarto. Minsan talaga mapang-asar 'to pero hindi, gusto kong magka-gf na siya.
Tahimik lang kaming kumain ni kuya at mabilis din kaming natapos. Ako na ang naghugas ng pinagkainan dahil abusado ako kung siya pa ang paghuhugasin ko.
Matapos kong maghugas ng pinagkainan ay kinuha ko ang tuwalya ko at pumunta sa banyo para maglinis ng katawan.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbubuhos nang bigla akong tawagin ni kuya. "Clara!" at talagang Clara pa ang itinawag sa akin?
"Bakit?" nilakasan ko ang gripo at nakasagad 'yon. Tanging pagtulo lang ng tubig ang naririnig ko at halos hindi ko na maitindihan ang sinasabi niya.
Nang matapos ako ay nagsuot ako ng b*a at panty at tsaka ibinalot ko ng tuwalya ang aking katawan at nakita ko si kuya na nasa sofa, hawak ang kaniyang cellphone at nakangiti. "Masunurin ka naman pala," pang-aasar ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nakataas ang isa niyang kilay. Tinawanan ko lang siya pagkatapos at pumasok na ako sa kwarto.
Nagulat ako sa nakita ko at muntik kong mahubad ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko. Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay napalapit sa akin si Katkat.
"OA ah?" nanatili siyang nakatingin sa cellphone at nakahiga pa talaga sa kama ko.
"Siraulo ka! Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Wala kasing paalam bigla nalang pumapasok.
"Sinabi ng kuya mo, hindi mo naman pinansin kaya pumasok na ako," sagot niya. Nakasuot siya ng pajama at t-shirt. Napalingon din ako sa tabi ng dresser ko, may bag na nakalapag doon at sa tingin ko ay sa kaniya 'yon.
"So bakit ka nga nandito?" sinamantala kong hindi siya nakatingin at tsaka ako nagbihis. Medyo basa ang binti at braso ko dahil inapura ko ang pagsusuot ng damit.
"Pag-uusapan ang mga bagay," sagot niya. Ano nanaman bang nasa isip nito? Hindi ako sumagot at agad niyang ibinaba ang cellphone at tsaka tumingin sa akin.
"May tumatawag pala kanina sa'yo," nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yon. Ayoko pang sabihin ang tungkol sa amin ni Wyett, kahit kaibigan ko siya may part sa akin na nahihiya ako. Dali-dali akong pumunta sa study table kung saan nakalagay ang cellphone ko at nakita kong si Wyett nga ang tumawag.
"Kabado ah? Sino ba kasi? Boyfriend mo ba? Bakit hindi mo sinasabi?" sunod-sunod na tanong niya.
"Alam mong ayokong mag-boyfriend sa ngayon."
"Eh bakit kabado ka?"
"W-wala, syempre privacy," nagkibit balikat siya at maya-maya ay ibinalik ang atensiyon sa kaniyang cellphone.
"Talagang prepared ka ah?" sabi ko habang tinitignan ang mga gamit niya sa kaniyang bag. May mga panty at b*a, toothbrush, candy, pati ang librong binabasa niya ay dala niya. Nakita ko rin ang rosary na nakalagay sa bulsa ng kaniyang bag.
Pagtayo ko ay nakita ko ang uniform niya na nakalagay sa kama ko. "Mas prepared pa sa manliligaw mo," bumilis ang t***k ng puso ko nang sabihin niya 'yon.
"H-hoy! Wala akong manliligaw," mahina kong sambit.
"Oh? Sinabi ko bang mayroon? Masyado kang defensive," sabi niya. Sabagay, bakit ba masyado akong kabado? Alam ko naman na darating ang araw na malalaman niya ang tungkol doon.
Halos ala una na kaming nakatulog dahil sa mahabang kuwentuhan. Pinag-usapan lang naman namin si Shyra na nag-inarte at ipinaliwanag ko rin ang pagluluto. Nagpatulong din ako sa kaniya sa pag-rereview ng dahil alam kong nagsusunog nanaman ng kilay si Don.
Pagkagising namin ay naamoy ko na agad ang itlog na niluto ni kuya. Hinaluan niya 'yon ng butter. May nakatimpla rin na kape para sa kaniya. Sa amin ay saktong temperature lang ng tubig. Masyado naman kaming baby sa paningin niya.
"Good morning po," sabi ni Faye. Nakapikit pa siya pero mukhang sobrang saya niya.
"Pagkatapos niyo iwanan niyo nalang, ako na ang bahala. Mamayang 9:00 pa naman ang pasok ko, hahanap na rin ako ng maghahatid sa inyo," mahabang paliwanag niya.
"Hindi na po, sinabi ko po na magpapasundo kami mamaya," pagsingit ni Faye kay kuya.
"Ganoon ba? Oh sige, salamat. Pasensya na rin at itlog lang ang kinaya---"
"Masarap po, paano niyo po niluto? Sa amin kasi tustado minsan nilaga pa," mas maraming nakain si Faye kaysa sa akin.
Matapos kumain ay naligo ako sa CR at siya sa banyo. Ayos lang naman 'yon kaysa siya ang paliguin ko sa CR. At maluwang naman ang CR namin kaya ayos lang na doon ako.
"Inaawitan ang hindi naririnig"
Nagkaroon ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa kinanta ni Faye. Naalala ko ang kahapon, bakit parang may kakaiba?
Matapos naming gumayak ay pinaiwan muna ni Faye ang gamit niya. Dito raw muna siya sa amin hanggang Thursday. Tuwing Friday raw ay Family day nila kaya uuwi na siya sa araw na 'yon.
Palabas na kami ng bahay nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko at agad naman akong napabalik sa kwarto ko.
"Oy bakit?" tanong ni Faye. Minadali ko ang pag-reply kahit pawis na pawis ang kamay ko at nanlalamig ang buong katawan ko.
"Susunduin kita sa inyo" 'yan lang ang tanging nababasa ko at hindi ko na alam paanong pindutin nang maayos ang keyboard dahil sa pagpapawis ng aking mga palad at panginginig ng aking mga kamay.