Chapter 4

2236 Words
Chapter 4 Claire's POV Hindi pa ako nakakapasok sa bahay pero sinalubong na ako ni Katkat. Binuhat ko siya at pumasok na ako. Inilapag ko muna siya at inilapag ko rin ang bag ko. "Ang aga mo yatang nakauwi." Sabi ko kay kuya. "Dalawang period lang naman ang pasok namin kaya umuwi na ako. Medyo masakit din kasi 'yong katawan ko." Sagot niya. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Katkat na nakatingin sa akin. Binuhat ko siya at pumunta muna kami sa kwarto. Pagkahiga ko sa kama ay nag-vibrate ang cellphone ko. Binuksan ko 'yon at nabasa ko ang message ni Wyett. "Nakauwi na ako." Hindi ko alam kung bakit namawis ang kamay ko. Kasabay ng pagpapawis na 'yon ay ang pagtalon ng puso ko. Kusang gumalaw ang mga daliri ko para i-reply ang "Ok, salamat sa paghatid kanina." Matapos kong i-send 'yon ay biglang tumabi sa akin si Katkat. Natawa ako nang bahagya nang pagmasdan ko siya. Nakatingin siya sa cellphone ko habang nakasiksik sa braso ko. Para siyang maliit na batang nag-oobserba sa laman ng cellphone ko. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya. Humuni lang siya ng "meow" at tumingin sa akin. Hinimas-himas ko ang likod niya at napapapikit siya na parang na-eenjoy ang ginagawa ko sa kaniya. "Claire, hindi ka ba pupunta sa sementeryo?" Napabuntong hininga ako nang magtanong si kuya. "Hindi." Sagot ko. Sakto lang ang lakas ng boses ko para magkarinigan kami. "Bakit?" Tanong niya ulit. Muli akong napabuntong hininga. Hindi ko maintindihan si kuya. Kapag nasa sementeryo ako, sasabihin niyang mag-move on na ako, kapag naman hindi ako pumunta, magtatanong siya nang magtatanong. "Bukas nalang, magpapahinga nalang ako." Sagot ko. Sumapit na ang dilim at nasa kwarto pa rin ako. Ilang oras na akong papalit-palit ng tingin sa picture frame at sa cellphone ko. "Claire, halika na. Kakain na." Pagtawag sa akin ni kuya. Gustuhin ko mang kumain, parang hinihila ako ng higaan ko para hindi bumangon. Hanggang ngayon ay suot ko pa rin ang PE uniform namin. "Claire." Pagtawag niya ulit. Hindi ako sumasagot. Alam na niya 'yon kung kakain ako o hindi. "Kausap ko sila mama." Muli niyang sabi. Napunta ang tingin ko kay Katkat na nasa harap ng cabinet ko, natutulog siya roon. "Lumabas ka na, Claire. Ipapakilala mo pa sa amin 'yong manliligaw mo." Napatayo ako nang sabihin 'yon ni kuya. Bumilis ang t***k ng puso ko at namawis ang kamay ko. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto. Nanginginig din ang kamay ko pero pilit kong binuksan 'yon, kahit gaano kalakas ang pagbukas ko ay hindi ko na inisip. "Kuya, ang ingay mo." Sabi ko. Nakita kong nakalagay sa phone stand ang cellphone niya, naroroon at katawagan niya sila mama. Nagsasandok siya ng kanina at iniaayos ang ulam namin. "Claire, sino 'yong manliligaw mo?" Tanong ni papa. Namawis lalo ang mga kamay ko at nanlambot ang mga tuhod ko. "Wala po, nagbibiro lang si kuya." Sagot ko at naglakad papunta sa ref para kumuha ng inumin. "Huwag ka nang mahiya. Inihatid ka pa raw sabi ng kuya mo." Sabi ulit ni papa. Bumalik ako sa harap ng cellphone at inilapag sa lamesa ang tubig. Hindi na ako kumibo pagkatapos noon. Humarap na si kuya sa lamesa at sabay kaming kumain. Habang kumakain kami ay naghahanda naman ng pagkain sila mama "Gusto naming makilala 'yan." Sabi ni mama. Nanlaki ang mata ko at napatigil ako sa pagnguya. "Tsaka nalang, ma. Kapag consistent na." Sagot ko. Nagbigay rin ako ng mahinang tawa kahit pilit. Ayokong ipaalam sa kanila lalo na't hindi naman ako sigurado. Mahal ko si Marco at ayokong basta-basta nalang kalimutan ang relasyon namin. "Hindi! Gusto naming makilala 'yan." Medyo pasigaw na sabi ni mama. Mariin ang paghiwa niya sa mga gulay kaya dahan-dahan akong tumango. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ako sa kwarto. Binuksan ko ang ilaw dahil madilim na rito. Napalingon ako sa tabi ng kama ko at nakita ko roon si Katkat. Naglakad ako papunta sa kaniya at binuhat siya. "Gising ka na pala." Sabi ko. Naupo ako sa gilid ng kama ko at inilagay ko siya sa tabi ko. Nakalapag ang ulo niya sa hita ko at hinayaan ko lang 'yon. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan 'yon. Tadtad ng messages ang inbox ko. Puro picture ni Wyett na kasama ang nanay niya. Magkausap kami sa Talkie na isang app para sa pakikipag-usap. Nakita ko ang picture na sinend niya sa akin. Iyon ang nanay niya at katabi niya 'yon. May hawak na pajama ang nanay niya at nagtatahi. Nilagyan niya ng speech bubble ang itaas ng ulo ng nanay niya. Nakalagay roon ang "Gusto kong makilala si Claire." Nagsend pa siya ng maraming picture na kasama ang pamilya niya. Apat silang magkakapatid pero sa apat na 'yon ni isa ay walang nakaharap sa picture. Namalayan ko nalang na nakangiti pala ako. Hindi ko rin naman 'yon maialis dahil ang cutr niya. Bilog ang mata, ang kapal ng kilay tapos ang haba pa ng pilikmata. Ang ganda rin ng buhok niya dahil hindi masyadong mahaba at mukhang disenteng tignan. Parang fade ang style pero hindi ko alam. "Matulog ka na, may gagawin ka bukas." Kusang kumilos ang kamay ko upang patayin ang cellphone ko at ilagay sa tabi ko. Kahit kabado at nanginginig ang kamay at nagkukunwari akong nakikipaglaro kay Katkat. "Nakita ko." Sabi ni kuya. Isasara na niya sana ang pinto nang biglang pumasok si Carl. Mabagal ang lakad niya kaya pinagmamasdan ko lang siya. "Carl, halika." Sinundan siya ni kuya pero hindi ito lumingon. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at umakyat sa kama ko. Lumingon si Katkat sa kaniya at tumalon mula sa akin papunta sa tabi ni Carl. "Dito mo na patulugin, minsan lang mamansin si Carl." Sabi ko. Lumabas na si kuya pero hindi niya isinara ang pinto. Naglakad ako papunta roon para isara 'yon. Hinawakan ko na ang cellphone ko at balak ko nang buksan ulit nang mapatingin ako sa picture na nasa lamesa. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa lamesa. Paghawak ko sa picture ay naglakad lang ako pabalik. Hindi ko napansin ang nilalakaran ko at napatid ako sa nakaharang na sapatos. Muntik mabasag ang picture frame pero nasakto ang pagkahulog nito sa kama. "Tanga mo naman, Claire!" Inis na sabi ko sa sarili. Pinulot ko ang sapatos at inilagay sa ilalim ng kama. Pagkatapos ay naupo ako sa kama. Kinuha ko ang picture frame at tinitigan 'yon. Tumabi naman ang dalawang pusa at ikiniskis nila ang ulo nila sa braso ko. Kabisado nila ang mukha ni Marco dahil nandito na sila sa amin mula pa noon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig doon. Basta nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Parang may mga luhang gustong pumatak pero ayaw lumabas. Maya-maya ay nagdesisyon akong ibalik na ang picture na 'yon. Hindi ko kinakaya ang sakit. Hindi man lang 'yon nabawasan. Nakaupo pa rin ako sa kama ko at nakatingin sila sa cellphone ko. Nag-send ulit ng picture si Wyett. Nakasuot siya ng white t-shirt at medyo basa ang buhok kaya hindi ito nakaayos ng ganoon sa kanina. Kusang umangat ang sulok ng labi ko upang pumorma ang isang ngiti. Dumiin ang ulo nina Katkat at Carl sa braso ko. Nilingon ko sila at nakatingin sila nang diretso sa akin. Para bang binabasa nila ang nasa isip ko. Bigla namang nag-iwas ng tingin si Carl at tinitigan ang screen ng cellphone ko. Inilagay naman ni katkat ang paa niya sa screen. "Si Wyett, manliligaw ko." Sabi ko at inilayo ang cellphone sa kanila. Tahimik lang akong nakatingin sa mga sinesend niyang picture. Kusang kumikilos ang labi ko para lumabas ang isang ngiti. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakikipag-usap sa kanya. Paglingon ko sa dalawa ay nasa pinto na sila. Tulog na at magkatabi pa. Napangiti nanaman, they're so cute, kung tao lang sila, baka halikan ko pa. Patapos na ang araw at marami pang kuwento si Wyett. Ayoko nalang munang makipagkwentuhan nang matagal pero hindi ko pwedeng kalimutan ang hiling nila mama. Nag-send ako ng "Gusto kang makilala nila mama, pumunta ka nalang dito bukas. Lunch." Nahiga na ako at inilagay ang unan sa pagitan ng hita ko. Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko at binuksan ko 'yon. Nagsend siya ng emoji na heart na may kinang kinang at nakalagay roon ang "Okay. Tuxedo isusuot ko." Hindi ko napigilan ang mahinang tawa. Nag-send pa siya ng picture ng sinasabi niyang tuxedo na mas lalong nagpatawa sa akin. "Hoy!" Napatigil ako nang biglang pumasok si kuya sa kwarto ko. Pinatay ko ang cellphone ko bago pa man siya makalapit sa akin. "Ano? Kausap ko si Faye." Sabi ko habang pinipigil ang ngiting sobrang hirap pigilan. Tinitigan niya ako nang matagal at nagkibit-balikat. Matapos niyon ay lumabas na siya ng kwarto ko. Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Tinignan ko ang oras sa cellphone kong nasa tabi ko lang na nakatulugan ko pa yata. 8:48, akala ko tanghali na. Nasa sala si kuya at naglilinis ng ng bookshelf na nasa gilid ng maikling sofa. Pinapagpag niya ang alikabok na nakadikit doon. Naglakad ako papunta sa kusina at nakita ko ang ulam. May pritong talong at tilapia. Sumandok ako ng kanin at susubo n asana ako nang maisip ko si kuya. “Kuya, kain na.” Sabi ko. “Kanina pa ako kumain. Ang tagal kitang ginigising hindi ka bumabangon.” Napatikom ako ng bibig at dahan-dahang sumubo. Alam kong mag-uumpisa nang magalit si kuya kaya kumain nalang ako. Sampung subo lang ang nagawa ko at tumayona ako para hugasan ang pinagkainan. “Walisin mo ‘yong mga iababgsak kong alikabok.” Sabi niya at sinunod ko ang utos niya. Sinabi ko kay Wyett na saktong 12 ay dapat nandito na siya. May tatlong oras pa kami para maghanda. Akala ko ay matagal na kaming naglilinis pero napatingin ako sa orasan at 10:10 palang. “Mag-mop ka na, magluluto na ako rito.” Sabi ni kuya. Hindi na ako umangal dahil baka magalit pa lalo. Medyo kumalma na siya kaysa kaninang kagigising ko. Habang nag-momop ako ay naamoy ko ang fried chicken na niluluto niya. Sinilip ko ang niluluto niya at may sauce pang kasama ‘yon. “Naalala mo noong ni-request mo ‘to sa akin last year? Iluluto ko lang ‘to kapag may ganap.” Sabi niya. Natuwa rin ako dahil kahit galit siya kanina, iniisip niya pa rin talaga ako. Matapos kong mag-mop ay nagbihis ako. Nagsuot ako ng black short cullotes at blue cross-over na t-shirt at short cap ang sleeves. Lumabas na ako at hawak ko ang cellphone. Nakasunod sa akin si Katkat habang si Carl ay naglalaro sa ilalim ng kitchen table namin. Malapit nang mag-11:30 at sinabi ni Wyett na malapit na raw siya. “Pakikuha ‘yong cellphone ko.” Sabi ni kuya. Kinuha ko naman ‘yon mula sa sofa at ibinigay sa kaniya. Tinatawagan niya si mama para ipakita ang ginagawa niya. Naririnig ko ang tawanan nila kaya lumabas na muna ako para sunduin si Wyett mula sa labas. May humintong tricycle sa harap ng bahay namin. Mula palang sa buhok, alam kong siya ‘yon. Bumaba siya mula sa tricycle at nagbayad. Pagharap niya at bumilis ang t***k ng puso ko. Kahit pinipigil ko ang ngiti ko ay hindi ko maitago. Hindi ko namalayang napatagal ang pagtitig ko sa kaniya. "Good day!” Bati niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Kumikinang pa ang mata niya at halos matunaw na ako sa pagtitig niya. Ikinabilis naman ito ng t***k ng puso ko pero ayokong ipahalata. “A-ano, bakit hindi ka naka-tuxedo?” Pagbibiro ko sa kaniya. May kalakasan ang tawa niya pero mas lalo siyang gum-wapo dahil doon. Napatigil siya sa pagtawa at tinignan ang katawan niya. Napatingin din ako sa suot niya. White t-shirt na may maliit na tatak sa gilid at denim jeans. Ang pangyapak niya ay rubber shoes na color black. "Baka kasi mapagkamalan akong ikakasal." Sagot niya. Isang ngiti ang nasilayan niya mula sa akin at hindi ko nalang 'yon pinipigil. "Halika na, hinihintay ka na nila." Pag-iiba ko ng usapan. Gwapo si Wyett at nakaka-attract. Lalo na ang matatamis niyang ngiti, siguro maraming nagkaka-crush sa kaniya. Napalingon ako sa tabi ko at nawala roon si Katkat. Pumasok pala siya kaya sumunod na kami. Pagtungtong namin sa sala ay humarang sina Katkat at Carl. "Alis muna kayo, dadaan ang bisita." Sabi ko sa kanila at binuhat sila papasok. Inilagay ko sila sa tabi ng sofa at pinaupo ko naman si Wyett doon. "Good afternoon po." Bati niya kay kuya kasama ang matamis na ngiti. Tinitigan muna siya ni kuya at kahit nag-aayos siya ng pagkain ay inoobserbahan niya si Wyett. "Good afternoon." Sagot ni kuya. Tinabihan ko naman si Wyett sa sofa at ang dalawang pusa namin ay nakatitig sa kaniya. Napatawa ako nang mahina. Diretso ang tingin nila kay Wyett at para silang ganoon tumingin sa kung paano tumingin si kuya. Nag-oobserba sila pero hinayaan ko lang. "Pinakita ko kasi ang picture mo kagabi." Nag-iwas ng tingin si Wyett nang sabihin ko 'yon. Nakailang minuto pa kaming tahimik na nakaupo roon. Tumitingin lang sa paligid si Wyett nang bigla siyang tumingin sa akin. "Dalawa lang kayo ng kuya mo, 'diba?" Tanong niya. Agad naman akong tumango bilang sagot. "Sino 'yon?" Itinuro niya ang picture namin ni Marco na nakasabit sa gilid ng bookshelf.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD