MAX “Magkaaway ba kayo ni Warren?” tumingin ako kay Suzy. Nakatambay kami ngayon sa labas ng apartment namin. May hawak itong sitsirya at softdrink. GAbi na at lumabas lang ako para magpahangin, si Suzy naman ay mukhang walang trabaho ngayon. Mahigit isang linggo ko na ring iniiwasan si Warren, palagi pa rin siyang pumupunta dito sa bahay pero hindi ko siya pinapansin. Siguro mas mabuti kong FO na lang kami, ibinabalik ko nga sa kaniya iyong perang huling binigay niya sa akin pero ayaw niyang tanggapin. Senend ko sa kaniya pabalik pero bumabalik pa rin sa akin kaya senend ko ulit sa kaniya. Mabuti hindi na niya binalik ulit sa akin. Akala yata niya mauuto niya ako sa pera niya, mas lalo lang niya ipinamukha sa akin ang estado namin sa buhay. Binibili niya sorry niya, letse siya. “Palag

