MAX “Sa susunod, huwag kang sasama sa lalaking iyon,” seryosong wika ni Warren habang nagmamaneho siya. Hindi talaga siya pumayag na hindi ako sasama kaya wala na akong choice. Iniwan na niya sina bossing at pinag-drive ako pauwi. “Bakit naman hindi? Kaibigan ko rin naman sila,” sagot ko. Hindi naman pwedeng siya lang ang kaibigan ko. Saka wala namang masama kahit sumama ako kina Roman at Cecille. Bakit nagagalit siya? Kumain lang naman kami. “Sa tingin mo ba kaibigan lang ang tingin sa iyo ng lalaking iyon? Halatang trip ka, tapos iyong babae naman lantaran pagkakaroon ng crush sa iyo.” Kung totoo man sinasabi niya, bakit nagagalit siya? Ano naman ang masama doon? “Kahit na, hindi naman sila masamang tao. Saka bakit ba kung makapagbawal ka sa akin daig ko pa ang tatay ko.” Ngumiti

